CHAPTER 4
ELSIE OWEN
"Hindi naman po grabe ang nangyari kay Mr. Zheng. Nagkaroon lang po sya ng Stomach Upset." sabi ng Doctor.
"Upset?" dahil ba sa niluto ko? Baka naman overfatigue lang si bahog, gusto lang nya akong ma-offend?!
"Opo, Misis. Ano po ba ang huling kinain ni Mister?" tanong nito. Nakaramdam ako ng pagkataranta.
"Wag kang tatawa ah."
"Doctor po ako. Hindi po kami tumatawa sa mga ganitong sitwasyon."
Ilang beses akong bumuntong-hininga. Paano kung mamamatay na pala si A-B-C-D. Edi lalo akong yayaman?! Napakasaya ko nun pero hindi ako ganun kasama!
"L-L-Luto ko po." nakayuko kong sabi.
"Aaaah." tiningnan ko yung mahaderang doktor na to. Bakit sya may Kaya-pala look?!
Tumikhim ito at ini-adjust ang salamin. "May paalala pa po ako sa inyo, Misis. Paggising po ni Mr. Zheng ay sigurado pong sa Cr ang takbo nya. No offense po. Binigyan na po namin sya ng gamot sa dehydration at diarrhea. Ngayong araw din po ay pwede na syang lumabas."
"Salamat po, Doc." matabang kong sabi.
"Walang anuman. Sige maiwan ko na kayo." ngumiti ito at nag-exit na.
*******
"K-Kailangan mo pa ba ng tissue, Abcd?" katok ko sa pinto ng CR. Nasa loob nun si Abcd. Nag-uusap sila ng inidoro. In Private, ofcourse!
"Hindi na! Damnnn!" sigaw nito. Bakit parang gigil sya? Lalo tuloy akong na-guilty!
Isinandal ko yung ulo ko sa may pinto. "S-Sorry, Abcd. W-Wala talaga akong talent sa pagluluto. Diba unique naman talaga ang bawat isa satin? Sorry kung di ko alam ang pinagkaiba ng patis, toyo, suka at mantika. Sorry rin kung napapahirapan na pala kita."
Sandaling katahimikan ang namayani sa kwarto.
"Damn, Elsie! Bakit ngayon ka pa nag-so-sorry? Nasa banyo ako. Hindi ka na ba makapaghint----- oh! God!" may bahid ng paghihirap ang boses nito.
"A-Abcd? Are yo-----"
"Elsie! I'm trying to concentrate here. We'll talk later, K?"
"O-Ok. Ahmmm... tissues?" tanong kong muli.
"I still have---- Ah! s**t!---- May apat pa ako dito, Elsie."
"Y-Yung tubig m-----"
"Elsie." babala nito.
"Oh, Right. Concentrate." pagkatapos kong sabihin yun ay umupo ako sa may kama nito.
Mga anong oras pa kaya ang itatagal ng pag-uusap nila ng inidoro?
"Okay ka na ba, Abcd?" tanong ko sa kanya.
Nasa kotse na kami at pauwi na kami sa bahay. Nakalabas na kasi sya ng ospital. Pareho kaming nakaupo sa backseat.
"Oo." simpleng sabi nito.
Katahimikan na naman ang namayani sa pagitan naming dalawa. Nai-form ko ng kamao ang mga kamay ko. Sa sobrang guilty ko kasi ay hindi ko alam kung saan magsisimula.
"Ahmmm.. Y-Yung m-----"
"Sorry, Elsie." bigla akong napatingin sa kanya.
"H-Huh?"
"S-Sorry kung n-nasigawan kita dati."
At sa sinabi nyang iyon... promise! Bumilis ang t***k ng puso ko.
"Naintindihan ko naman kung bakit mo ko nasigawan. K-Kasalanan ko rin naman talaga." Pinagkalooban kasi ako ng kagandahan at kabaitan pero hindi ng kagalingan sa pagluluto!
"Wag ka na ulit hahawak ng sandok ah? Natatakot na ko eh." nakangiting sabi sakin ni Abcd.
Oh! That white teeth and Red lips!
Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Mamamatay na ba ako?!
"A-A-Ang sama mo! Mag-thankyou ka nalang!" omg! na-stammer ang lola mez!!
"Thankyou ha. Thankyou sa pagdala sakin sa ospital." bakit ang hot nyang maging sarcastic?! Omygod! Ang hot talaga!
Yayakapin ko sana sya ng mapagtanto ko ang gagawin ko.. gosh! Ano ba Elsie?! Nawawala ka na sa sarili mo!!
Kaya nilagay ko nalang ang kamay ko sa balikat nya.
"Sa susunod, ikaw na magluto. Naaawa ako sayo eh." nakangiti kong sabi.
Para akong nakuryente kaya mabilis kong inalis yung kamay ko at namumulang tumingin sa labas.