CHAPTER 3

1235 Words
CHAPTER 3 ELSIE OWEN "Boss! Bakit?! Ayaw mo na ba sakin?! Pinapaalis mo na ko?" pagdadrama ko sa Boss ko. Hindi ba nya alam kung ano ang hirap na pinagdaanan ko sa Japan? Lagi akong nagugutom dun! Laking tuwa ko ng matapos ang isang linggo ay uuwi na kami ng Pinas. Pero mas lalo pa pala akong manlulumo. "Oo, Elsie. Hindi ko na kailangan ng serbisyo mo." seryosong sabi ng boss ko. "Boss! Hindi mo na ba ako natatandaan?! Ako to! Si Elsie! Ang pinakapaborito mong Architect!" pagmamayabang ko. Nakapamewang pa ko at nginitian ko sya. "Hindi kita kilala." sabi nun at tumingin ulit sa papel na hawak nito. "Boss-----" "Lumabas ka na ng opisina ko kung ayaw mong tumawag ako ng security." Matalim nya akong tiningnan. Hindi ako matatakot sa tingin mo. Matakot ka sa tiyan ko! Pasalamat ka at hindi ako gutom ngayon! "T-Teka-----" Hindi nito pinansin ang hinaing ko at kinuha ang telepono. "Moe, magpadala ka ng-----" "Oo na! Lalabas na ko! Akala mo, magpapakamatay ako!!" pagdadabog ko. Gusto ko syang makunsensya! Wala syang kwentang boss! Bilhin ko pa tong kumpanya nila eh! Pasalamat sya gwapo asawa nya!! Wag mo nang itanong kung ano ang konek kung ayaw mong regaluhan kita ng dinamita! Badtrip ako! Capslock! "Makiki-kape nalang ako." "Aaaaargh!!" malakas kong sinara ang pinto. Napatingin sakin ang mga ex-officemates ko. Matalim ko silang tiningnan. Magkano kaya ang bayad sa HitMan? ******* "Ano na naman ang ginagawa mo, Elsie?" sinilip ni Abcd ang gawa ko. "Quiet!" Galing kong magdrawing no? Mainggit ka! Sambahin mo ang gawa ko. Wahaha. "Tanggal ka na sa trabaho, diba? Ano pa ang dino-drawing mo?" sige ipagduldulan pa! Kaskas mo pa sa maganda, makinis at maputi kong mukha. "Pinaplano kong... pasabugin yung building ni Boss. Gusto ko syang magdusa, maghirap, maputikan, lumuhod sa mga paa ko at magmakaawa." pagkasabi ko nun ay tumawa ako. Tumawa ako na parang sinasapian. Pero susyal pa rin. Kailangan yun. Projection! "Mag-aral ka nalang magluto kesa pag-aksayahan mo ng oras yan." umalis ito sa gilid ko at naglakad papunta sa sofa. Tinigil ko muna yung ginagawa ko at nilapitan ito. "Bakit pa kung anjan ka naman?" tinaas ko ang kilay ko. "Napapagod din ako sa trabaho, Elsie." medyo naiinis na ang itsura nito pero wala akong pakielam. "So? Asawa kita kaya dapat pagsilbihan mo ko." Sa gulat ko ay bigla itong tumayo. Muntik pa ako na-out of balance. "WHAT?! ARE YOU FVCKING KIDDING ME?! I'M NOT YOUR SERVANT!! THIS IS BULLSHIT!!" napaatras ako sa pagsigaw nya. Natulala ako sa nakikita kong galit sa mga mata nya. Napayuko ako. Hindi pa ako nasisigawan nila Mama at Papa. Wala ring nagtangkang sigawan nung nag-aaral pa ko dahil pag-aari ng pamilya namin ang pinag-aralan ko. Unti-unting namuo ang luha sa mata ko. "S-Sorry." sabi ko at tumakbo papasok sa kwarto ko. ***** "A-Abcd? A-Abcd?" hinanap ko ito sa sala, kusina, kwarto nya... pati banyo pinasok ko na pero wala parin. Malamang ay pumasok na ito sa trabaho. Pagkapasok ko kasi sa kwarto ay hindi na ako lumabas hanggang sa nakatulog na ko. "Hmmm.. where are you, Abcd?" pabagsak akong umupo sa sofa. Nung bata pa ako isinumpa ng nanay ko na hindi nya ako papalapitin sa kalan. Muntik ko na kasing masunog yung bahay namin. Naman kasi! Kung hindi ako sinigawan ni Abcd, edi hindi ako nagkakaganito ngayon. Biglang pumasok sa isip ko si Kirarin. Kinuha ko yung number nya bago ako umuwi sa Pilipinas. Siya lang ang mahihingan ko ng advise since sya lang naman ang maaasahan kong kaibigan. Kinuha ko yung phone ko at hinanap ang number ni Kirarin. Ilang ring lang ay sumagot na ito. "Ahm... Moshi Moshi, Kirarin. Genki desu ka?" thumbs up! Gosh! Nag-aral ako ng basics ng Niponggo. Ang cute kasi eh. (Elsie-chan? Nihongo o hanashimasuka?) Ayun! Nganga ako. Trans: You can speak Nihongo? "Kirarin, i don't... understand." kamot-ulo kong sabi. Gosh! Lumalabas na yung utak ko sa ilong ko. (Gomena... are..you okay?) "I have a problem, Kirarin." (Nande?) patanung na sabi nito. Hindi ko na inintindi yung wikang ginamit nito. "Do you know how to cook?" Hindi muna ito nagsalita. Kinakabahan tuloy ako! (Aaaaahhh~... N-No.) "Eeeeeh?!" i sighed. "Arigatou, Kirarin. S-Sorry for disturbing you." (You... You can... use the... internet.) suhestiyon nito. "Yeah! Yeah! You're right, Kirarin. Arigatouuuuuu!" nakangiti kong sabi at in-end call ko na. Hanggang gabi ako nag-se-search at nagluluto. Pati yung kung paano magbukas ng kalan. Napagod din ako sa kakabili ng ingredients. Adobo ang napili kong lutuin. Ayoko nung prito kasi takot ako sa mantika. Nag-search din ako kung ano ang pinagkaiba ng toyo, suka at patis. Tinikman ko sya... m-m-medyo okay naman. He-He-He. Inintay kong umuwi si Abcd. Hanggang sa mga nine o'clock na. Tiningnan ko yung phone. My message doon galing kay Abcd. Dali-dali ko iyong binasa. Nanlumo ako sa nakita. From: A-B-C-D Late akong uuwi. Kumain na ko. Mag-take out ka nalang sa restau. Tiningnan ko yung niluto ko na nasa lamesa. "Wasted." bumuntong hininga ako. Nilagay ko sa container yung adobo at tinakpan. Pumasok ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Naiisip ko yung mga paghihirap ko kanina sa pagluluto. Nasayang lang lahat. Kung kelan naman nag-effort ako saka naman nasayang. Inabot ko yung phone dahil nag-vibrate ito. Kirarin calling.. Bumangon ako at sinagot yung tawag. Sinuklay ko ng kamay ang buhok ko. "Moshi moshi, Kirarin." mahina kong sabi. (How... was it, Elsie-chan?) "He.. He didn't came home." (H-Huh?) Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Tahimik lang itong nakikinig. Medyo binagalan ko din ang pagkukwento dahil hindi naiintindihan ni Kirarin kapag mabilis. Nagdurugo na nga ang ilong ko. Nagdurugo pa ang puso ko. Teka! Puso!!?? San ko nakuha yun? (N-Nante hidoi nito!! Aaaah! S-Sorry, Elsie-chan.) Hindi ko man naintindihan ang unang sinabi nya ay alam kong si Abcd ang ikinagagalit nito. Buti pa si Kirarin parang walang problema sa love life. "It's not his fault. I need to rest. Bye for now." in-endcall ko na at humiga ulit sa kama. Pagkatapos kong ibaba ang phone ay siyang pagdating ng sasakyan ni Abcd. Napatayo ako sa akinh kinauupuan at inayos ang sarili. Magkagayunman, ay bumaba pa rin ako. Naabutan ko si kumag na may hawak na plato. Kinabahan ako bigla. Naramdaman siguro nito ang presensya ko at lumingon sakin. "Did you cook this?" kunot-noong sabi nito habang hawak yung container. "Ahmm. Y-Yeah." nag-aalangan pa kong umamin. Kung sasabihin ko naman kasin binili ko yun sa isang restau... baka ipasara ni Abcd yun. Narinig ko itong bumuntong-hininga. Binaba nito ang container at kumuha ng plato. "A-Anong gagawin mo?" "Kakainin ko." cool na sabi nito. Nataranta ako bigla. Lumapit ako sa kanya. Pinigilan ko yung kamay nya kaya natigil ang pagsubo nito. Sinamaan nya ako ng tingin. Napangiwi ako. "B-Baka panis na yan!" "Tsss. Matibay ang sikmura ko." inalis nito ang kamay ko at sumubo ng sumubo. Umupo na ito sa hapagkainan at kumain. Samantalang ako naman ay umalis para hagilapin ang aking cellphone para agad akong makakatawag ng ambulansya kung sakaling matumba ito at dumain ng sakit Pagbalik ko ay naubos na nito ang aking hinain at mas lalo akong nag-alala dahil d'on. Ngumiti ito sa akin. "Naubos ko na. Huwag ka ng magtampo, Elsie." "Hindi ako nagtatampo!" Inirapan ko ito at padabog na umakyat sa hagdan papunta sa aking kuwarto. Tumalon ako pahiga sa malambot na kama at dala siguro ng pagod ay nahimbing na ako ng tulog. "A-A-Abcd!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD