Chapter 17 - This

2255 Words

HINDI pa man umiinit ang sikat ng araw ay maganda na agad ang ngiting nasa labi ko. Nakakainis man na aminin, ngunit ang demonyito kong amo ang dahilan ng ngiti ko ngayong umaga. Napag-alaman ko kasing hindi ito papasok ngayong araw kung kaya'y magkakaroon na ako ng pagkakataon na isagawa ang plano ko. "Heto na ang kape mo, Sir Khai," sambit ko habang inilalapag sa harapan niya ang kapeng ipinatimpla niya sa akin. Pansin ko agad ang pagtuon ng tingin niya sa labi ko, mukhang napansin ang ngiti ko sa labi. Tumayo ako nang tuwid sa harapan niya at sinabayan ang titig niya sa akin. Inilagay ko ang mga nakatakas kong buhok sa kanang tainga ko na tila nagpapa-cute sa harapan niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang mapansing nakatutok pa rin sa akin ang mga mata niya, tila pinapanood lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD