Marami pang sinabi sa akin sila Jared pero hindi ko na inintindi pa ang mga 'yon. They told me stories kung ano mga ginagawa namin before. Kung paano nila ako inalagaan, and i know na may memory about me na iniiwasan sila. And i know it's the memory of me and Zayn. Sa mga oras na nandoon ako at nakikinig, never nilang binanggit ang pangalan ni Zayn and i don't know why. Akala ko pa naman magka-kaibigan sila. But come to think of it. Kahit na may idea ako ay hindi ko talaga maiwasan na maguluhan pa din. Kaya magulo ang aking isipan habang naglalakad ako sa isang madilim na eskinita. Napabuntong-hininga ako at saglit na huminto. Tumingala ako sa kalangitan at nakitang walang mga bituin. Mukhang uulan pa. Ang gulo. Sobrang gulo na ng mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano ang da