Kasalukuyan kaming naglalakad ni Thunder patungo sa main gate ng SBU. Nag-insist kasi siyang ihatid ako hanggang sa coffee shop kaya hindi na ako tumanggi, para na rin hindi ako maglakad. Papalabas na sana kami ng gate ng may marinig kaming tumwag kay Thunder kaya napatigil kami at parehong napalingon. "Tang'na Perez! Kanina pa kita tinatawagan, ah!" Sigaw ni Lawrence habang tumatakbo papalapit sa amin. "Gago naiwan ko yung bag ko sa kotse. Nandoon ang cellphone ko. Anong problema mo?" Sagot naman Thunder ng makalapit si Lawrence. Bahagya akong lumayo sa kanila dahil mukhang may paguusapan sila. "Hintayin natin si Jared at mukhang papunta na. Kung saan-saan ka kasi sumusuot..." Sabi muli ni Lawrence habang nagtitipa sa kanyang cellphone. Pinagmamasdan ko lamang sila habang mahinang