Ano nga ba talaga ang mayroon kay Thunder Aeron Perez at sa mga kaibigan niya? Bakit ganito 'yong feeling ko kapag may nakakausap o nakakasama ko ng matagal ang ilan sa kanila? Bakit din kilala sila ni Alex? Dahil sa totoo lang, ngayon ko lang talaga nalaman na may kaibigan si Alex na mayayaman at mga taga-St. Bernadette University pa. Nakakainis pa dahil naguguluhan na ako sa lahat ng mga nangyayari. Nakangiting lumapit sa akin si Thunder at umupo sa harapan ko. Hindi pa rin mabura 'yong ngiti na nakapaskil sa mukha niya. Hindi siya nagsasalita kaya tumahimik na lang din ako at nakipagtitigan sa kanya ng bigla siyang humalakhak. Kunot-noo ko itong tinignan. Lalong lumakas ang tawa niya. "You should have seen yourself!" Sabi niya sa pagitan ng pagtawa. Sandali akong nag-isip