"You're spacing out, Aly..." "Huh?" Bigla akong napaayos ng upo saka huminga ng malalim. Tumingin ako kay Ronnie na mataman na nakatingin sa akin na para bang ine-eksamina ako. "I'm sorry, may sinasabi ka ba?" Tanong ko pa dito saka muling huminga ng malalim. Marahan na umiling naman ito saka kumagat sa sandwich na hawak nito. Kasalukuyan kaming dalawa na nag-la-lunch. Today is my first day as a waitress or cashier dito sa coffee shop and Ronnie is my trainer. "Wala naman. Ano ba ang iniisip mo?" Tanong niya. "Bigla ko lang naalala 'yong panaginip ko kagabi. Ang weird lang kasi hanggang ngayon naaalala ko pa din..." Pagku-kwento ko saka napasandal sa upuan. "Ano ba napaginipan mo?" Tanong pa nito. Bumuntong-hininga ulit ako. Sandali kong sinulyapan si Ronnie saka tumingin sa k