Sa mga sumunod na araw ay naging madali para sa akin. Mas pinagkaabalahan ko kasi ang pagtatrabaho at ang pagkokompleto ng mga requirements ko sa school para sa nalalapit kong graduation. Nagkataon pa na wala ang mga Sandoval dito ngayon, nasa ibang bansa sila para sa conference at walang may alam kung kailan ang balik. Kaya maayos akong nakakahinga. "Kailan ka gagawa ng thesis mo, Aly?" Narinig kong tanong ni Lara sa may harap ko. Sandali ko syang tinignan bago tumungo ulit sa aking pagkain. Kasalukuyan kami na nasa cafeteria school. "Ewan? Pero finalization na lang naman na yun, nakakuha na kasi ako ng mga information sa topic ko." Sagot ko saka sinubo ang spaghetti na kinakain ko. Tatango-tango lang sila ni Erica. May mga kinu-kuwento pa sila na kung anu-ano. Nakikinig naman ako s
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books