Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo sa kandungan niya. Ramdam ko ang mga tingin niya sa akin pero pinipigilan ko ang sarili kong tignan siya. I am such a stupid! Nakakainis! Nagmadali ako sa paglabas sa cubicle at tinignan ang sarili ko sa salamin, naghilamos ako at pinunasan ko ang aking mukha. Inayos ko ang nagulo kong palda saka tumungo na sa pinto. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. Nakita po pa sa labas si Jared at ang worried expression niya pero nilampasan ko lang siya at naglakad ng mabilis papunta sa elevator. "Aly! Anong nangyari?" Stupid Aly! What the hell are you thinking! Ugh! Nakakahiya! Nahihiya ako sa sarili ko. Parang gusto kong sabunutan ang buhok ko at iuntog ito sa pader nitong elevator. Nasaan na ang