ITS NOT ME

2126 Words
Isabelle waited for Lucas to fetch her after school , he's nowhere to be found . Kaya nagbilin na lang siya ng mensahe sa binata na sasakay na lamang siya ng traysikel . Bagama't naghintay pa siya ng labing limang minuto pa . Pero ng malapit ng mag- alas singko ng hapon at hindi pa ito dumating ay sumakay na siya ng traysikel pauwi , ngayon pa naman Niya ipagtapat Kay Lucas ang tungkol sa kaniyang pagkatao . "Manong sandali po , pwede po ba na doon mo ako ibaba sa gilid ng kumhento ? " Tinuro Niya ang kabilang bahagi ng daan ..kung saan nakahanay ang building . Ngayong alam na Niya ang tungkol sa kaniyang pagkatao ay nais niyang makita ang babaeng kumakanta , ang babaeng kamukha Niya , at ang babaeng tumawag sa Kaniya , na nagmula rito sa lumang simbahan . Kailangan niyang harapin ang misteryo na bumabalot sa kaniyang katauhan . " Ito ang bayad ko po Manong .." Hindi pa naman lumubog ang araw , pwede pa siyang pumasok sa kumbento. Nakita ni Isabelle na bukas ang gate ng lumang building . Inihanda niya ang kaniyang sarili , sa maaring ma encounter Niya sa loob . Gusto niyang alamin kung sino ang babaeng tumatawag sa kaniya noong sabado ng gabi . Sinubukan niyang pihitin ang seradura ng malaking pintuan ..at dahan-dahan na binuksan . Excited siya ng ito ay hindi rin nakasarado . Umubo siya ng masinghot ang alikabok sa loob ng kumbento . "Ahh!" napasigaw si Isabelle ng biglang lumundag ang Isang daga sa kaniyang paanan , muntik pa Niya itong naapakan . "Da**.." Dahil sarado ang mga naglalakihaan na bintana ay madilim ang loob ng kumbento . Kinapa Niya ang switch ng ilaw na nasa pintuan . She turned the light on ... Sana gumagana ang Ilaw , dahil nang makita Niya ito noong Sabado ... ang harapan ng kumbento , ang steel post nito ang nakita iyang umiilaw . Nang may ilaw na, ay napasinghap siya sa kaniyang nakita . Mga naglalakihan na rebulto ang nakatayo sa mga sulok nito ..at ang mga mahabang bangko o long benches na inuupuan ng mga tao kung sila ay sumasamba ay nakahilera na lamang sa gilid ng building . So , this is the abbey ...not the convent , she thought . Madalas niyang naririnig sa mga tao na tinatawag ang building na kumhento . Siguro , hindi nila alam ang kaibahan ng kumbento at simbahan . Nagpatuloy sa paglibot ang kaniyang paningin , sa loob ng simbahan . Hanggang sa napadako ang kaniyang mata sa may altar at nakita ang Isang malaking estatwa ng Isang lalaki na nasa gitna ng dalawang babae ...wait , she gasped loudly ng masinsinan Niya itong tinitigan . Ang estatuwa ay life sized statue . Dlaang sirena sa magkabilang gilid at isng lalaki sa gitna nito . ..." Kataw .." Malakas na binasa ni Isabelle ang salitang kataw na nakadikit sa buntot ng Isang sirena . Kataw - means sirena . Tinitigan ni Isabelle ang dalawang sirena sa kaliwa at kanang bahagi ng lalaki . Kumurap kurap pa siya para masiguro Niya na hindi siya namalik-mata . And she was right , Tama nga , hindi siya namalik-mata . Dahan -dahan pa siyang lumapit upang kaniyang masuri ang estatwa . Ang galing ..,kuhang-kuha ang mukha ng kaniyang ama na si Damian ...at ang mukha ng kaniyang ina ..si Prinsesa Uziela , na nasa kanang bahagi ng kaniyang ama . Sinulyapan Niya ang nasa kaliwang bahagi ng kaniyang ama . Kagaya ng rebulto ng kaniyang mga magulang sa kanilang paanan ay nakaukit ang kanilang pangalan . "Princes Uziela , Damian , Carmela .." Nakapagtataka , ang Sabi ng Kaniyang lolo Celso ..walang nakakaalam sa kuwento ng kanilang pamilya maliban Kay Tandang Isko . Pero bakit may rebulto ang kaniyang mga magulang at ang sirena na dahilan ng kanilang pagkasawi ? Tinitigan ni Isabelle ng masinsinan ang rebulto ni Carmela . So , ito pala ang matalik na kaibigan ng kaniyang ina , ang traydor na kaibigan Niya . Muli niyang sinulyapan ang larawan nina Damian at Uziela , kuhang kuha ng gumawa ng rebulto ang larawan ng kaniyang mga magulang na nakita Niya sa kanilang photo album , at maging sa portrait ng kaniyang ama . Kung gayon , malamang itong rebulto ni Carmela - ay ganito rin ang kaniyang hitsura , Isabelle thought . Tama nga ang sabi ng Kaniyang lola , lahat ng sirena ay pawang magaganda . Pangunahin na ang kaniyang ina. Hinawakan ni Isabelle ang kalahating rebulto . The life size sculpture of her parents looks magnificent and lively . Hinanap Niya ang pangalan ng sculptor sa katawan ng mga rebulto at maging sa kanilang paanan . Pero , wala siyang makita ...sino ang may gawa nito ? Alam kaya ito nina Lolo at Lola ? "Ina ..Ama ..". bigkas ni Isabelle ." Sana nagkaroon ng pagkakataon na makilala ko kayo ..." she said before turning around . Gusto niyang makilala ang gumawa ng mga rebulto , bakit kailangan pa na ilagay ang masamang sirena katabi ng kaniyang ama ? Ano kaya ang nasa isip ng iskultor na gumawa ng rebulto . At bakit sinabi ni Lolo na walang nakakaalam sa kanilang pagkatao maliban Kay Lolo Isko , hindi siya naniniwala ...dahil kung ang Tandang Isko lang ang nakakaalam ...bakit may rebulto rito sa abandonado na building ? Sa pagkakaalam Niya ay matagal ng abandonado ang building na ito ..dahil simula ng siya ay pumapasok na sa paaralan ay hindi na ginagamit ang simbahan . Bago humakbang palayo si Isabelle sa mga rebulto ay nanigas ang kaniyang katawan ng may mabigat na kamay ang pumigil sa kaniYa . Tumili siya ,,"Ahhhh..! Tumili din ng matinis ang may-ari ng kamay ,"Ahhhh!" Isabelle turned around to see who was behind her , na shocked siya ng makita ang isang gusgusin na matandang babae na ngumisi sa kaniya pagkakatos nitong sumigaw . Ang kaniyang ngipin ay bungi..at ang kaniyang buhok ay dikit-dikit , senyales ng hindi nakapaligo ng matagal na panahon . Umalingasaw din ang amoy nito . Baliw...ito ang babaeng minsan ay nakikita Niya sa gilid ng daan ..minsan binibigyan pa nga ito ng pagkain ng kaniyang Lola kapag sila ay pumupunta sa pamilihan at makita nila ang baliw na matanda . "Ginulat mo ako , manang ..." kinausap pa rin ni Isabelle ang baliw , kahit alam Niya na hindi siya nito maunawaan . "Sige po .." Dali -daling tumalikod si Isabelle . Dito pala nakatira si manang baliw .. she thought . Pero, ang tumatawag sa kaniya noong nakaraang Sabado ay hindi nagparamdam sa kaniya .. "Mag-iingat ka !" parang kandila na itibulos si Isabelle sa Kaniyang kinatayuan ng marinig ang pagsasalita ng matandang baliw . Nag- iba ang boses nito , muli siyang humarap sa matanda . Nanlaki ang kaniyang mata ng mag-iba ang tono ng boses ng matanda at ng harapin Niya ...ay bigla na ring nag-iba ang kaniyang mga titig . "Huwag mong hayaan na mangyari sa iyo ang nangyayari sa iyong mga magulang . " Sinulyapan ng manang ang mga rebulto . "Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga ..." pagkatapos ay tumawa ito ng tumawa na halos gumulong na sa sahig sa kakatawa . "Manang..." Napaatras na lamang si Isabelle at natakot sa inasal ng baliw . "Anong ibig niyang sabihin .." napasinghap si Isabelle ng muling tumingin sa rebulto ng kaniyang mga magulang . Ang kaniyang ama ay natukso Kay Carmela sa pag- aakala na ito ay si Uziela , dahil sa halaman ng Sorcei na kaniyang ginamit . Huh ! Paano kung ang sirena na kamukha Niya ay may balak na tuksuhin si --- " Lucas !" Mabilis ang mga paa na tumakbo si Isabelle palabas ng simbahan at dali-dali na naghanap ng traysikel na masakyan pauwi . Palubog na ang araw . Kapag ganitong oras ang mga sasakyan sa kanilang barangay , na mga traysikel at traysikad ay maraming pasahero . Nahirapan siyang maghanap ng masasakyan , kung pwede nga lang siyang tumakbo mula rito sa pamilihan hanggang sa baybayin ng Busay. Bakit hindi dumating si Lucas para sunduin siya ?May pinuntahan kaya sila ng kaniyang barkada ? Kinuha Niya ang kaniyang cellphone at agad na tinawagan ang lalaki . Ring ng ring ang cellphone ...Pero hindi sinasagot ng binata , lalong lumakas ang Kabog ng kaniyang dibdib . "Lucas ..pick up ! pick !" she muttered. "Isabelle ..!" Lumingon si Isabelle sa Kaniyang likuran , nakita Niya si Ronnie na nakasakay ng kaniyang motorsiklo at mabilis na nagpreno sa kaniyang harapan . " Ronnie ..?" Maluwang ang ngiti ng binata na nakatitig sa kaniya. Agad na bumaba si Ronnie sa motorsiklo at yumakap Kay Isabelle ," I miss you ..babe .." Saad nito . habang isinubsob ang kaniyang ulo sa leeg ni Isabelle . Gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Isabelle . Nanlaki ang mga mata ni Isabelle sa inasta ngl lalaki , tinulak Niya ito ," Ronnie ...what are you doing .?" bahagyang tumaas ang kaniyang kilay dahil sa mahigpit na pagkayakap nito sa kaniya . Kaya buong pwersa din Niya itong tinulak . Kumunot ang noo ng binata , nagtataka sa ginawa ni Isabelle . Kagabi lang ay para itong baliw sa kaniya , siya ang unang gumawa ng motibo upang matukso siya rito . Ano ba ang gusto nitong palabasin ? "Hey , nahihiya ka ba na may makakita sa atin ? " tanong ni Ronnie . " What are you even talking about ? Look , Ronnie ...I'm in a hurry , I --" " I don't understand you at all , Isabelle !" biglang nanigas ang boses ni Ronnie . Mukhang pinipigil ang galit sa kaniyang sarili . " Kagabi lang ay ikaw ang nagpakita ng motibo sa akin ...Pero ngayon , bakit ganiyan ka ..? Bakit biglang balewala na lang ako ulit ?" himutok ni Ronnie . Magkahalong sakit, tampo at may konting galit siyang nararamdaman sa ipinakita ni Isabelle sa Kaniya. Natigilan si Isabelle , nagtataka sa kaniyang sinabi . "What do you mean kagabi ? Bakit anong nangyari kagabi ? At ano bang pinagsasabi mo na nagpakita ako ng motibo ??" Sa pagkaalala ni Isabelle , ay ininsulto siya ni Ronnie kahapon sa paaralan . Kaya siya naglabas ng sama ng loob at sumama siya Kay Lucas sa laot . Kinagabihan naman ay nag-uusap sila ng kaniyang old folks tungkol sa kasaysayan ng kaniyang pamilya . Kaya , paanong nasabi nito na kagabi ay nagpakita siya ng motibo ? She gasped! Hindi kaya ang--- Na misinterpret naman ni Ronnie ang kaniyang reaksyon , " Naaalala mo na ? " Muli itong ngumiti . "Naaalala mo na ang nangyari sa atin sa dalampasigan ? I love it Isabelle ...I'm so f***** loving it ..! Maraming salamat sa iyo , ang ibig ba nitong sabihin ay tayo na ?" Humakbang muli palapit si Ronnie sa kaniya . "No!" Isabelle's hands covered her mouth , she widened her eyes in disbelief . Nangyari na ang sinabi ng baliw , ang babaeng kamukha Niya ! Siya ang kasama ni Ronnie .! Napagkamalan siya nito na siya ang kasama kagabi . And God knows kung ano ang Kanilang ginagawa . Hindi Niya kayang magtanong . Lucas ! Agad na lumipad ang pag-,iisip ni Isabelle Kay Lucas ! "Ronnie , look , nagmamadali ako ..pwede ba saka na lamang tayo mag-usap .. please ihatid mo ako sa light house---" " Sa lighthouse ?" Tanong ni Ronnie ."Bakit hindi na lang sa bahay ninyo ?" Ang nasa isip ni Ronnie ay ang lalaki na kasama nito sa fiesta . Muling nagngingitngit ang kaniyang kalooban . "Akala ko ba ay okay na tayo Isabelle ?" "Ronnie , please .. nagmamadali ako ..hindi ako ang babae na kasama mo kagabi --" "Are you f****** kidding me ? Ano ang akala mo sa kin , bulag ?!" matigas na sabi ni Ronnie . Tinitigan Niya si Isabelle , pinaglaruan ba Niya ang aking damdamin ,? "Para! ...manong ..para po ! " Tumawag muli ng traysikel si Isabelle dahil w@la nang silbi ang paliwanag Niya hindi siya maintindihan ni Ronnie . Sino nga ba naman ang maniniwala sa kaniya na hindi siya ang kasma nito kagabi , kung ang mukha ng babae na nagpakita sa kaniya ay kopyang kopya ang kaniyang hitsura . kailangan niyang makita ang babaeng iyon .. ang babaeng kamukha Niya at kapatid Niya sa ama . "Manong pakibilisan po , pls ...doon mo ako dalhin sa lighthouse ng Busay . " Sabi nito sa driver . Nang makarating na si Isabelle sa lighthouse ay agad itong nagbayad , at patakbo na pinuntahan ang Yate .. "Lucas ...!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD