MORE THAN FRIENDS

2086 Words
"Anong nangyari doon Kay Ronnie ?" "Bakit parang galit siya ?" "Anong parang ? Talagang galit siya , kita mo basta na lang nag walk out !" Mga komento na narinig ni Isabelle mula sa kaniyang dalawang kaibigan pagdating ng lunch time . "Ano bang sinabi mo doon ?" tanong pa ni Marcy habang sila ay kumakain sa lilim ng puno na may mga mesa at upuan . Isa ito sa magandang settings ng kanilang paaralan . Dahil malaki ang donasyon ng lupa na mula sa gobyerno ay malawak din ang kanilang recreational area ng school . Dito silang apat madalas kumakain tuwing tanghalian kapag hindi umuulan . Masarap damhin ang hangin ng lilim ng puno at open horizon . "First time yata na nagalit si Ronnie , ano ba kasi ang pinag-uusapan ninyo?" bumaling si Mariel ng tingin Kay Isabelle na tahimik na kumakain . Hindi Niya makalimutan ang sinabi ni Ronnie sa kaniya kanina sa first period . Umiling si Isabelle ," It's nothing ..." Sabi Niya sa mahinang tinig , sapat upang marinig nina Marcy at Mariel. "It's nothing , ...Pero parang gusto yatang manuntok ng kaklasi , parang naghahamon ng away sa barkada nila ni Angelo . "Ano ba talaga ang pinag-uusapan ninyo ?" ungkat pa ng kaibigan Niya . Naguguluhan si Isabelle sa reaksyon ni Ronnie ng sabihin Niya na hinatid siya ni Lucas , bagong kaibigan Niya . Hindi Niya maatim sabihin rito na may nangyari na sa kanila ni Lucas . Sa. bilis ng pangyayari kahit siya ay hindi Niya lubos maisip kung paano na ipagkaloob Niya ang kaniyang sarili on the second night of their meeting . One thing she was sure of though , hindi nila kayang pigilan ang kanilang attraction sa isat-isa . "So ..? Ikaw nga ba ang dahilan kung bakit nagalit si Ronnie ? " Sabi ni Mariel . Tumango si Isabelle . "What about ?" asked Marcy . Hindi siya kumibo . "Ahh...siguro , may kinalaman si Lucas !" bulalas ni Mariel . " Tama nagseselos si Ronnie sa kaniya . " "Malamang. dahil kung nagtatampo lang iyon noong umuwi ka at hindi nagpaalam , hindi naman basta -basta magagalit na lamang iyon , ng ganon na lang . May malalim na dahilan . " paliwanag ni Marcy . Kumunot ang noo ni Isabelle . " Bakit naman siya nagseselos, Eh , hindi naman --" "Girl .."' putol ni Mariel ." Hindi mo ba napapansin na patay na patay si Ronnie sa iyo ?" nanlaki pa ang mata ni Marcy habang nagsasalita . Halos hindi na sila sumusubo sa kanilang pagkain dahil sa kanilang pag-uusap . "But ..but I thought .- " natigilan si Isabelle . Umibig nga ba sa kaniya si Ronnie ? Bakit sinabi nito sa kaniya na hindi siya makapaniwala sa kaniyang ginawa . Sinabi pa nga nito sa kaniya na ang dating Isabelle na nakilala Niya ay wala na . Kulang na lang ay pandirihan siya ni Ronnie . Sa isip ni Isabelle , siguro nakita nga ni Ronnie kahapon na kasama si Lucas ---sa loob ng kubo ! Hindi na nakasagot pa si Isabelle dahil nga sa biglang nag walk out si Lucas . Ayaw niyang makatabi sa room si Isabelle . Galit ito na hindi Niya lubos maintindihan kung bakit nagagalit . Hindi rin Niya matukoy kung galit ito sa kaniya o galit Kay Lucas . Either way , mawalan siya ng kaibigan , hindi Niya maiwasan ang malungkot . " I thought ...were just friends ..tayong apat . " pagpatuloy pa ni Isabelle . "That's because you're so manhid , besh .." pinandilatan siya ni Marcy . "Bakit ha , hindi mo ba napapansin na iba ang turing ni Ronnie sa iyo ? Mas binibigyan ka niya ng halaga at pabor Kaysa amin .." "Yeah ," "And ...were not offended naman , girl .. we understand ..that's because, we knew that he was madly in love with you ..the problem is , hindi Niya masabi sabi sa iyo ang kaniyang nararamdaman . " "Right , siguro ... nag-alinlangan si Ronnie , kasi you guys started as friends .." Hindi makapaniwala si Isabelle sa Kaniyang narinig . Hindi Niya sukat akalain na may pagtatangi ang lalaki sa kaniya . Walang malisya ang samahan nila . Hindi Niya alarm . And .. kaibigan lang din nan ang tingin Niya Kay Ronnie . Hindi Niya ito mahal . Oo mahal Niya si Ronnie but as a friends. Hanggang doon lang . Hindi Niya Alam na more than friends ang turing ng binata sa kaniya . Sinapo Niya ang kaniyang noo , " God ..it must be awful for him to see me with Lucas ! " " So , did you tell Ronnie that you have your man ..?" diretsahan na tanong ni Mariel ," Dahil kahit I -de-deny mo pa iyan Isabelle ... obvious na obvious na gusto mo ang estranghero na Lucas na iyan . " Saad ni Marcy . BumuntunghiningA si Isabelle , kung alam lang ng dalawang kaibigan Niya ang nangyari sa kanila ni Lucas kahapon ng hapon sa kubo malapit sa may talon . " I might .." "Might ?" "Hindi na siya nakinig sa akin , he seems to be forming an opinion about me ...and Lucas . " Sabi ni Isabelle . Malakas ang kutob Niya na nakikita nga sila ni Ronnie kahapon . "Oy , ayusin ninyo Iyan ..huwag ninyong sabihin na dito na magtatapos ang pagkakaibigan ninyong dalawa ?" Sabi ni Marcy . " Kasalanan naman Niya ang lahat , kasalanan Niya at araw-araw niyang kasama , nakausap at nakikita si Isabelle ...Pero hindi naman Niya ipinagtapat ang kaniyang nararamdaman , ngayon lulugo -lugo siyang aalis at basta na lang magagalit ?" Sabi naman ni Mariel . " Hoy , sinabi mo lang iyan ...kasi hindi ikaw ang nasa lugar ni Ronnie ...hindi kaya madali ang basta na lang manligaw ng wala sa plano . " Saad ni Marcy . Napaisip si Isabelle , bakit sa kanilang dalawa ni Lucas ...hindi naman nila pinaplano na may mangyayari sa kanila . Hindi naman nila pinaplano na sa unang gabi ng sila ay magkakilala ay naghalikan na sila . It's a matter of attraction , hindi nila maiwasan ang pull sa isat-isa . At napapikit siya ng alalahanin ang nangyari kahapon ...mas lalo sigurong hindi siya maintindihan ng dalawang ito , kapag babanggitin Niya ang nangyari . When he opened her eyes , a pair of eyes were staring at her . Bigla siyang kinutuban . Sa unahan ng kanilang inuupuan na bench ay may naggagandahang bulaklak na may mga benches and table rin . Bagama't ipinagbawal ang doon ay umupo , it was a restricted area due to the school preservation projects . Ang mga kahoy at halaman kasi na nandoon ay sanctuary ng mga paru-paro . Naglalakihaan at naggagandahan na paru paro . Malakas ang kaba ng kaniyang dibdib , nakipagtitigan siya sa babae ... hanggang sa , " Isabelle ..." biglang tinampal ni Marcy ang kaniyang kamay . She gasped at the sudden impact . "Ano ba ang mangyayari sa iyo ?" tanong nito sa kaniya , habang nililigpit nilang dalawa ni Mariel sa kanilang baunan . Tapos na sila sa kanilang pagkain . "Have you seen that ?" bumaling ang kaniyang tingin kina Mariel at Marcy . "See what ?" sinundan nila ang itinuro ni Isabelle , sa unahan ng mga makapsl na bulaklak - the butterflies sanctuary . "The sanctuary ? yes , bakit ?" "I mean , have you seen someone sitting over the bench ?" nagtatakang tanong Niya ng hindi na Niya nakita ang babae sa kaniyang paningin . "Ano bang pinagsasabi mo ? Kahit ang pinaka bully sa school at feeling queen bee sa school na ito ay hindi magtangkang uupo diyan no , kung ayaw mong ma guidance ." Sabi ni Mariel . "Alam mo ikaw Isabelle ha.." Sabi ni Marcy . " May napapansin na kami sa iyo ...bakit lately ...parang ang dami dami mo ng ...I mean , maraming kakaiba na ngyayari sa iyo . " Sabi ni Marcy . " Right , " Mariel seconded . " May pagkakataon na parang wala ka sa sarili at ang lalin ng iniisip mo , at wala pa doon si Lucas ha ..paano pa kaya ngayon na may Lucas ka na ha?" Kung alam lamang ng dalawang kaibigan Niya , ang mga kababalaghan na nangyari sa Kaniya lately ay baka himatayin sila sa takot . Hindi Niya sasabihin sa Kanila hanggat hindi Niya ito masasabi sa kaniyang lolo at lola . Sasabihin na Niya ang lahat sa kaniyang Lolo at Lola , hindi na Niya kayang itago ang mga nasasaksihan Niya . Kung hindi Niya ito ipagtapat baka mabaliw siya , baka masiraan siya ng bait . Bago Niya ipakilala si Lucas sa kanila ay kailangan na magkaroon ng kasagutan ang mga misteryo na bumabalot sa kaniyang buhay . Nang bumalik na sila sa kanilang klasi ay hindi pa rin siya pinansin ni Ronnie . Inisip ni Isabelle na hahayaan na lamang Niya si Ronnie na makapag-isip ng malinaw bago Niya ito kakausapin muli . Kung totoo man na may damdamin ito sa kaniya , Ay hindi Niya ito masisisi kung nahulog ang loob nito sa kaniya , dahil kagaya niya ...nahulog kaagad ang loob Niya sa isng estranghero na hindi Niya sinasadya . Sana maunawaan din siya ni Ronnie , sana mapatawad siya nito ...kung nasaktan siya ng hindi Niya sinasadya . Ayaw niyang magalit sa kaniya si Ronnie ng lubusan , si Ronnie ay Isa rin sa kaniyang tagapagligtas, kagaya ni Lucas . Si Ronnie ang nagligtas sa kaniya ng marinig Niya ang unang pag-awit ng hindi nakikitang nilalang na sa palagay niya ay nagmumula sa ilalim ng dagat . Si Ronnie din ang nagligtas sa kaniya ng minsang parang kainin siya ng ipo-ipo sa dagat . Kaya ayaw niyang masira ang kanilang pagkakaibigan. Nang matapos na ang kanilang klasi ay hinabol Niya si Ronnie na nagmamadaling lumabas ng classroom . "Ronnie ..!" binilisan Niya ang lakas ng makita Niya si Ronnie na lumabas ng classroom at. mabilis na naglalakad sa hallway . "Pwede ba kitang makausap .." Sabi Niya sa mahinang tinig . Tinapunan ng tingin ni Ronnie ang babaeng mahal Niya . Ang babaeng pinakakaingatan Niya ng ilang taon , na mapunta lang pala sa iba . " I'm sorry ...I was in a hurry .." akmang tatalikod na sana si Ronnie ng hawakan ni Isabelle ang kaniyang braso . "Please , Ronnie .." Snap it out man , he thought . Huwag Kang magpadala sa kaniyang mga mapupungay na mata at pananalita . Masasaktan ka lang . "Ano ba ang gusto mong sabihin Isabelle ?" Isabelle cringed at the icy tone . Never na gumamit ng malamig na tono si Ronnie sa kaniya . " Can we talk ... somewhere ?" gusto sana ni Isabelle na sa pribadong lugar ..sila mag-uusap o kahit sa school cafeteria , hind sa hallway . "I'm in ..a hurry .." Ronnie said icily . BumuntunghiningA si Isabelle , malinaw na ayaw makipag-usap si Ronnie sa kaniYa . "Okay , I'm sorry ..." diretsong sabi ni Isabelle sa Kaniya. " I don't know why you are that mad ..but I'm sorry . I don't know why ---" "Are you really that blind Isabelle ? Hindi mo ba alam kung bakit ako nagkaganito ha ?! " Sabi ni Ronnie na medyo mataas na ang tono . " Hindi mo ba nakikita ang aking pagmamahal sa iyo ha ? Sa loob ng maraming taon na magkasama tayo ...talaga bang hindi mo napapansin ang lihim na pagmamahal ko sa iyo? Pero , sa Isang estrangherong iyon , " He cursed . " Sa lalaking iyon na wala pang biente kuwatro oras na nakilala mo , ay nagawa mo ng ipagkaloob ang p********e mo ! How could you do that ? !" Isabelle gasped ! She couldn't believe it , she was right . Nakita nga sila ni Ronnie na magkasama kahapon sa kubo . Ang ibig bang sabihin nito ay dinalaw siya ni Ronnie kahapon? Nabigla din si Ronnie sa kaniyang sinabi . Bugso ng kaniyang damdamin ay hindi na maiwasan na lumabas ang sama ng loob sa kaniyang dibdib . "Ronnie ..." Napaatras si Isabelle na may namumuong luha sa kaniyang mga mata . Hindi lingid sa kaniya na pinagtitinginan sila ng mga tao . She ran away . "Isabelle ....!" "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD