IKALAWA

1715 Words
Pagkatapos magusap nila astrea kasama ang kaniyang magulang nagising ang kambal. Bumaba sila at binati ng magandang umaga ang bawat isa. "Mommy! Goodmorning ma" sabat ng kaniyang prinsesa habang kinikiss siya sa kaniyang pisngi. "Goodmorning mom" bati din sa kaniya ng nakatatandang anak at ng kaniyang prinsipe. "Goodmorning sa inyo mga anghel ko tayo na't kumain ng almusal para naman makaligo na kayo" sabi niya at sabay sabay na silang magiinang kumain kasabay ng kaniyang mamang at papang. Habang nagkakasiyahan sa hapag. Narinig nila ang komosyon sa labas. Nagprisinta na si astrea na siya na lamang titingin kung ano bang nangyayare sa labas. "Ate miling, ano pong nangyayari? " tanong niya sa ate miling na siyang may ari sa bahay na kanilang inuupahan. "Kinakailangan daw idemolish ang ating lugar dito sa baryo. Babayaran nalamang daw nils tayo. At ano sila sinuswerte na papayag tayo basta basta? Aba hindi naman tama iyon para ano? Para patayuan ng matataas na building para sa kanilang gusto hindi papayag ang mga tao dito kaya nagkakagulo" ano? hindi maaari. Andito ang aming buhay. Hindi nila kami maaaring paalisin ng basta basta nalang. "Sino ho bang mga walang hiya ang may pasimuno ng ganitong gulo?" "Sino paba? Edi yung pamilyang galing sa maynila. Yung may kapit kay mayor." What? Sila na naman? Hindi talaga sila titigil ano? "Kailangan namin ng tulong ni Lucas aba't siya ang maaasahan pagdating sa ganito hala sige't sabihan mona ang iyong ama. May pagpupulong mamaya kasama ang mga montenegro para dito sa lupa" Pagkatapos Kong magpaalam kay aling miling ay agad na akong umuwi sa amin. "Mang? Pang? Ang mga bata? " tanong ko sakanila dahil wala na ang mga bata sa baba "Tapos na silang mag-agahan anak, pinaakyat muna namin sila sa kanilang kwarto para maglaro muna" saad ni mamang. "Pang, hanap kayo ni aling miling. Ang pamilyang Montenegro daw ninanais na kunin ang lugar natin para tayuan ng project nila. Babayaran nalamang daw tayo para makahanap ng bagong titirahan" "Alam kona yan. At lahat ng tao dito hindi papayag. Paliguin mo muna ang mga anak mo at patulugin para tayo'y makapagusap sa labas kasama ang ibang kababayan" tama si papang. Paliliguan ko muna ang mga anak ko. Ngunit bago Pa ako makatalikod tinawag akong muli ni papang. "May gusto lamang akong malaman. Kahit hindi tayo nagkakaunawaan noon alam mo namang mahal kita anak ko hindi ba? " tanong niya na labis nakahaplos ng puso ko. Ngayon na lamang ulit kami nakapagusap ng papang sa ganitong paraan. "Pinatatawad na ho ba ninyo ako papang? " maluha luhang tanong ko sa ama. "Kailan ba kita natiis? Kahit ganon ang kinalabasan mo sa maynila, prinsesa padin kita. Kaya hindi kita kayang tiisin." Niyakap ako ng papang pagkatapos ng ating napagusapan. Masaya ako na napatawad na niya ako at okay na kami. Although okay naman kami talaga pero may awkward pag nagkakausap ngayon wala na. "Hala etong magama na ito kayo nga ay tumigil na at magpapaligo Pa ng kambal etong si miranna. Ano bang balak mong itanong Lucas? " saad ni mamang kay papang. Nagpahid nadin ako ng luha at humarap kay papang. "Pang?" "Ang mga montenegro." Anong meron? "Ano Hong meron sa kanila? " "Nasa kanila ang ama ng kambal tama ba ako?" Tila parang napipi si astrea dahil sa tanong ng ama. Hindi niya alam kung papaano magsisimula magkwento ng hindi siya nasasaktan. "Wag mong itanggi. Si aksel kamukhang kamukha ng binatang iyon. Kahit sino man ang makakita mapagkakamalang anak niya ang anak mo. At si aisla, kamukhang kamukha din ng ama. At ang ugali manang mana sa dalagang Montenegro. " "Oho pang. Siya nga ang ama ng kambal. Ngunit wala siyang karapatan sa kanila magmula ng saktan niya ako. Kame." Hinding hindi maaalis sa isip ko ang nangyari limang taon na ang nakalilipas. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi sana masisira ang pagaaral ko. Kahit na sabihing kasalanan ko talaga dahil nagpakagaga ako, niloko niya Pa din ako. At hindi na magbabago yon. At para sa mga bata? Nabuhay ko sila ng wala siya. At alam Kong mabubuhay din kame ng wala siya. "Anong balak mong gawin sa kaniya? Hindi ako manghihimasok sa desisyon mo dahil ina kana. Alam mona ang makakabuti para sa kambal. At alam mo kung anong ginawa nila sa papang mo. Wag na tayong makihalubilo sa pamilyang iyong anak." Saad ng mamang sa nagaalalang tono. "Wag ka magalala ma. Wala akong planong ipakilala sila sa kambal. At wala din akong Plano makipagareglo sa kanya. Lalo na at binastos nila ang papang at eto Pa ang igaganti nila? Demolish? Kung di ba naman ganid ang pamilyang yon. " Ang hindi nila alam. Nakikinig sa kanila ang nakatatandang anak ni astrea na si aksel. Sa edad na apat, alam na niya ang buhay na meron silang magiina. At dahil sa kaniyang narinig. Nagkaroon ng paghihinayang, lungkot, pagkadismaya, at galit sa ama nilang sinaktan ang kanyang mama. Walang sinuman ang maaaring manakit sa mama niya lalo na sa kakambal niya. Tumalikod na ang bata na may luha sa kaniyang mga mata bago Pa siya makita ng kanyang ina. Umakyat na si astrea sa kwarto nilang magina at tinawag ang dalawang bata para kausapin. "Mga anak, pwede ba tayong magusap? " saad niya sa mga batang naglalaro sa lapag. "Tungkol saan my?" Sagot sa kaniya ng batang lalaki. "Alam Kong tinanong na ninyo ako kung sino ang ama nyo. Gusto niyo ba siya makilala?" Tanong niya ng may ngiti sa mga labi. Gustong niyang aware ang mga anak niya sa desisyong gagawin niya. Ina na siya. Dapat ang desisyong gagawin niya Ay para sa ikabubuti ng mga anak. "No ma. I'm happy kahit ikaw Lang. Andyan naman po si wowo at wowa. I'm sure hindi nila tayo iiwan" saad ng babaeng anak. Nagulat siya sa inasal ng bata. Sweet itong bata, pero may pagkasuplada at sutil pag hindi na gusto ang nagaganap. "Me too. I don't need him. We don't need him ma" saad ng batang lalaki. "Kung para Lang po sa amin wag na ma. Ayaw namin kayong masaktan kaya wag nalang. Dahil kung mahal niya kami, sana nandito sya sa tabi namin" saad ng batang babae. Taliwas ang sinasaad ng nasa isip ng batang babae. Ang totoo nyan ay inggit na inggit siya sa mga batang may mama at dada. At hindi lingid sa kaalaman ni astrea iyon. Alam niya iyon kaya niya ginagawa ito. Pero kung ang gusto ng mga bata na wag na siyang makilala. Pabor sa kanya iyon. "Ligo na tayo?" Ngiti niya at nagtampisaw sila sa loob ng banyong magiina. Sa kabilang dako naman ng monetengro's mansion ay nagpupulong sila kung sino ang sasama papunta sa kabilang bayan. "Ma, do we really have to go there? Si zy nalang ang isama mo wala naman mapapala dito sa bahay yan." Sabi ni zayleigh sa ina habang nagaayos ng kaniyang sarili. "Kailangan ninyong samahan kami ng inyong ama doon. Besides, your kuya zaedyn's gonna be an engineer there. You need to support him" saad ng ginang sa dalaga. Makalipas ang isa at kalahating oras ang mag-anak na montenegro ay bumyahe na para pumunta sa kabilang bayan upang kausapin ang mga tao na idemolish na ang lugar. Mismong si zaedyn ang may nais na kunin ang lupang iyon dahil maganda at saktong sakto ang view para sa gagawing project. "Nandito na ang mga montenegro!" Isang sigaw mula sa mga tao dito sa amin ang nagpukaw ng tingin ko. Andito na nga sila. Walang duda. Umayos ka astrea. Inhale exhale. Kahit na suklam na suklam kang makita ang gagong lalaking iyon. Kailangan mo para sa ikabubuti ng bayan ninyo. Isa isang bumaba ng magarbong sasakyan ang mga montenegro. Nauna ang magasawang montenegro at sumunod ang kanikanilang anak na si zaedyn, zayleigh at zyrick. "Magandang umaga sainyong lahat, nais ko kayong kausapin sa project na gagawin sa lupa dito sa inyong lugar maaari sanang making muna kayo sa amin." Saad ni Mr. Montenegro. Habang nakakapit ang asawang su Cassandra sa kaniyang mga balikat. "Mawalang galang na ho, ngunit hindi ho kami handang makinig sa kung ano man ang inyong sasabihin. Hindi ninyo pwedeng gawin sa amin ito at hindi din kami makapapayag." Saad ni Lucas na ama ni astrea. Hindi sila magkatabi dahil nadin sa nasa harapan ang ama. At isa Pa may tinataguan siya hindi ba? "Oh dad, he's the stupid guy in our house diba? The hardinero guy" Nagulat ang lahat ng magsalita ang dalagang nagngangalang si zayleigh. Kung minamalas ka nga naman ang tabil din pala ng dila ng lukaret na to no? Isa nalang papatulan kona talaga to. Sumosobra na siya sa pambabastos na ginagawa niya sa papang. "Ako nga yon. At baka nakakalimutan nyo, hindi na ako myembro ng hardinero nyo." Sinita ng ginang na si Cassandra ang anak at ito'y tumahimik na. "Inuulit ko. Hindi kami papayag sa inyong nais" sabi ni Lucas sa matandang montenegro. "It's not you who will decide that. It's your mayor. Besides, he agreed. Ano pang magagawa mo?" s**t. Hindi ko inaasahan to! Ang kapal ng muka niya na bastusin ang papang ko napaka walanghiya niya. Pagkatapos akong gaguhin at paglaruan noon ngayon babastusin ang papang? Ano bang budhi meron ka ha zaedyn adler? "Pwes, gusto namin makausap ang mayor. Kayo ang dumayo dito at nanggugulo sa aming bayan. Mas mabuti Pa kung kayo'y umalis na. Hindi kayo nababagay sa lugar namin" saad ng amang si Lucas. "Oo nga! Dikayo nababagay dito! Ang kakapal ng mukha nyo! " sigaw ng mga taga bayan na nagpalakas ng loob ni Lucas ganon na din ni astrea. "Stop! Can you guys shut up? Ang ingay ingay nyo! At ikaw na matanda ka! Alam ko namang pera ang gusto mo para matahimik kana. Fine daddy will give you all enough money para lang pumayag na kayo!" Sigaw ni zayleigh sa lahat akmang dadampot na siya ng pera sa kaniyang wallet ng hindi na nakatiis si astrea at nagsalita na. "Subukan mong igalaw manlang Yang kamay mong walang respetong babae ka at makakatikim ka sa Akin. Baka nakakalimutan mo? Nasa teritoryo namin kayo. Wala ka na ngang modo sa ginawa mo sa ama ko sa mansyon nyo wala kapang respeto, o baka naman vocabulary na ng pamilya nyo yan? " saad ni astrea na nagpatahimik sa lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD