CHAPTER 2: Frightened

2162 Words
HER husband doesn’t like her. Iyon ang pumapasok sa isip ni Lily habang nauulinigan niya ang mga tinig na nag-uusap. Nagdilat siya ng mata at malinaw sa kanya kung paano siya pintasan ng lalaki. Ang gusto nito ay ‘yong tipo na mukhang modelo, hindi tulad niyang walang laman at lakas ang katawan. Kung sabagay. Sino nga ba ang magnanais sa katulad niyang hindi man lang makatulong sa kanyang pamilya? Magtataka pa ba siya? Kung ang sarili nga niyang tatay at mga kasama sa bahay ay hindi siya gusto. “I-I-I’m sorry…” aniya habang umiiyak. Sabay na napalingon sa kanya ang dalawang lalaki. “Damn it!” mura ni Drew na nahipo ang puno at gitnang bahagi ng kilay nito. Napapitlag naman si Lily at para bang nakikita niya ang lalaki na sasaktan siya anumang oras. “Bro, you are making it worse,” wika ng lalaking kasama nila. Sinubukan ng huli na lumapit sa kanya, ngunit lalo lang siyang natakot na nagtungo sa sulok ng kama. Nanginig ang kanyang katawan. Pumasok ang ilang imahe ng kalalakihan sa kanyang isipan na nais siyang pagtangkaan nang masama. Nagtatawanan ang mga ito. Gagawin din ba ni Drew Walton sa kanya ang ginawa ni Kenneth? “Please…” hiling niya sa dalawang lalaki. Napatigil sa paglakad ang lalaki na kaibigan ng kanyang asawa. “Uhm… We will not going to hurt you. I’m Finn. I’m the best man and Drew’s best friend.” “What’s her problem?” naasar na usal ni Drew. May nag-doorbell sa labas ng kanilang suite. “Siguradong ang hiniling kong doktor na ‘yan.” Umalis ang lalaki kaya bahagya siyang kumalma habang nahihiwagaan naman sa kanya si Drew. Magkasalubong ang kilay nito habang sinusuri siya. Nang bumalik sa kanyang paningin si Finn, may kasama na itong babae na may bitbit na stethoscope, medicine box, at kung ano pa. Sa palagay niya ay ito ang tinawag ng dalawang lalaki para sumuri sa kanya. “Please check my wife! She passed out after the ceremony.” Umasim ang mukha ni Drew. Hindi alam ni Lily kung ano ang mararamdaman niya tungkol sa bagay na iyon. Sa kanilang tahanan, kahit na hindi na siya makatayo dahil sa pasa sa kanyang mga katawan o kaya ay paso ng sigarilyo ay hindi siya hahanapan ng doktor ng kanyang pamilya. Kinuhanan si Lily ng BP o blood pressure rate ng babae. Tinanong siya kung ano ang mga nararamdaman niya. “Mr. Walton, mataas po ang BP niya dahil sa sobrang kaba. Narinig n’yo rin po ang sagot niya na hindi rin siya nakakain nang maayos mula pa kaninang umaga.” “So annoying…” Humikbi siya. “T-thank you!” usal niya sa babae. Lumabas ito ng silid matapos magpayo na kailangan niyang kumain at asikasuhin ang kanyang sarili. Umupo si Drew sa couch at saka malalim na tumingin sa kanya. Nag-iwas naman ng tingin si Lily na pinunasan na ang luha. Gayunman ay dumadaloy pa rin sa kanyang ugat ang kaba. Hindi niya kilala si Drew at iyon ang unang araw na nagkita sila nito. Para itong maglalabas ng apoy sa kanya anumang oras. Ramdam niya na hindi ito natutuwa sa kanya. Bumalik si Finn nang may kasamang babae. “I called her because we obviously needed help.” “This is insane!” reklamo ni Drew sa dalawang bagong dating. Tumayo ito at naiiling na nagdugtong, “Hindi talaga ako dapat pumayag sa kasal na ito! Look at me, and then look at her, Lauren. She’s too small for me! Wala man lang siyang kalaman-laman at kanina pa siya umiiyak! She’s too fragile? Kanina ko pa ramdam na takot siya sa ‘kin!” Nagsimula muling maglandas ang kanyang luha. Pinanghihinaan lalo siya ng loob dahil sa kanyang kakulangan. “You, bratt! You should be thankful at may nagpakasal pa sa ‘yo! You’re being disrespectful! Kung s**o ang hanap mo, magpalagay ka!” nagagalit na sita ng babae. Sa sinabi nito ay napangiwi si Drew. “Hindi tama na hanapan mo ng kakulangan ang kahit na sinong babae! May I remind you she’s your wife?” “I told you, love. Both of them needed help.” ani Finn na para bang nauubusan na rin ng pasensiya. “I’m out!” nagdabog na umalis ang kanyang asawa palabas ng silid. Nanlaki ang mata niya. It’s her fault! Hindi ito dapat umalis! Paano kung makipaghiwalay kaagad ito sa kanya? Lalo siyang kinabahan. “Susundan ko si Drew. Ikaw na muna ang bahala sa kanya,” bilin ni Finn sa babae. Lumapit ito sa kanya. Ramdam niya na mabait ito kaya bahagyang bumaba ang kanyang pader at tensiyon. Ngunit hindi buo ang tiwala niya sa babae. “I’m Lauren. Asawa ko si Finn at kaibigan ko si Drew.” “I’m Lily.” “Pagpasensiyahan mo na lang ang isang ‘yon dahil hindi rin siya sanay sa relasyon. May trust issues siya sa mga babae. Pero huwag kang mag-alala dahil kahit siraulo si Drew, mabait siya.” Nagpigil siya sa pagluha kahit pa nga natatakot siya na baka hindi na bumalik si Drew. Sapat na ang mga sinabi ni Lauren, tama? “Kailangan ko siyang sundan. Hindi tama na basta kami umalis sa pagtitipon.” “Huwag kang mag-alala kay Drew. Kahit gano’n naman ang isang iyon ay may sense of responsibility siya. Bastos lang talaga ang siraulong iyon, pero sigurado ako na hindi iyon papayag sa kasal kanina kung hindi ka niya gusto. Bukas lang ay mare-realize niya na asawa ka niya kaya hindi ka niya dapat bastusin.” Siguro ay pinagagaan lang nito ang loob niya. Narinig niya kanina na ang gusto ni Drew ay seksi at magandang babae. May malaking dibdib at may magandang hubog ng katawan. Wala kahit isa sa mga nabanggit nito ang pisikal na anyo niya. “Thank you! Pero kailangan kong bumalik sa pagtitipon,” aniya na kinalma na ang sarili. “Hindi magandang tingnan na nawala ako roon.” “Siguradong kukuha ka rin ng atensiyon kung sakaling babalik ka ro’n. Sandali! Ikukuha kita ng bestida. Pwede nating sabihin na nagpalit ka lang ng damit.” Lumabas ang babae ng silid bago pa siya makatugon. Lily, simple lang itong gagawin mo, hindi mo pa matapos-tapos! Kailangan niyang hanapin si Drew bago pa magbago ang isip nito sa kasal na iyon. Nang bumalik si Lauren ay may dala na itong puting bestida. Pabilog at bagsak ang manggas niyon kaya sigurado na hindi mapapansin na halos buto na ang kanyang balikat. Kahit nahihiya kay Lauren ay nagpasalamat siya. Dahil de-zipper ang bestida na susuotin niya ay nanghingi siya rito ng tulong. “Oh, my God! You have—” nahihintakutan nitong usal habang nakatingin sa kanyang likuran. Tuluyan nitong isinara ang kanyang damit. Ngunit nakaawang ang labi. Namumula ang kanyang pisngi na umiwas ng tingin. “Lily…” Pinilit niyang ngumiti. “Kailangan na nating bumalik.” Nagtungo sila sa pagtitipon. Hindi niya nakikita si Drew kaya naman kumuha rin siya ng atensiyon. “Where is that asshole? Nagpunta na ba dito si Finn at Drew?” tanong ni Lauren sa isa pang babae na parang naging punong abala. “Nope. Huli kong nakita si Drew ay noong nagbilin siya na ako na muna ang bahala sa mga bisita. Kanina pa ‘yon, pagkatapos ng ceremony.” Umupo si Lily sa couple’s table. Wala siyang magawa kung hindi kainin nang mag-isa ang pagkain doon. Nagugutom na rin siya at kailangan niya ng lakas para paghandaan ang sarili. Nangangalahati na siya sa entrée nang lumapit sa kanya ang staff ng hotel. “Ms. Lily, ipinapatawag po kayo ng daddy n’yo sa garden. Ha’yon po ang daan.” Awtomatikong sumunod siya sa utos nito. Ayaw ni Mr. Martin na naghihintay ito. Inihanda na rin niya ang sarili sa bagsik ng lalaki. Lumabas siya at tinungo ang daan patungong hardin. Nakita niya kaagad ang lalaki nang nagkikiskis ang ngipin. Nakataas ang sulok ng labi ng kanyang madrasta. “You, wench!” Sinampal siya nito. Sa sobrang nipis ng kanyang katawan ay tumimbuwal siya sa mga tinik ng ilang halaman. “Binalaan kita na kung hindi ka magtitino ngayong araw ay itatakwil na kita?! Nasaan si Drew?” “Honey, hindi naman siguro gagawin ni Drew na basta bumaligtad sa kasal. Hindi pa nga lumilipas ang beinte-kuwatro oras, huwag mong sabihin na ayaw na niya kay Lily?” Her stepmother sneered. Humampas ang kamao ng kanyang ama sa kanyang ulo. “Kung sakaling ibalik ka ni Drew sa bahay, tandaan mo na hindi kita tatanggapin.” Muli siya nitong sinampal bago siya iniwan. “Stupid!” Napaupo si Lily sa bench at hindi niya napigilan na humagulgol. Kasimple-simple ng kanyang trabaho ngunit hindi pa niya nagawa! Kanina pa siya umiiyak. Kung sana ay hindi siya kinabahan… Kung sana ay hindi siya natakot… Kung sana ay maganda siya at mukha siyang artista! Baka sakaling nagkasundo sila ng kanyang asawa. May mga humaplos sa kanyang buhok kaya siya napakisot. Nakita niya si Kenneth kaya mabilis na gumapang ang kakaibang takot sa kanyang balat. “P-please go away…” bulong niya. Nagpalinga-linga siya. Madilim na sa lugar na iyon kaya kailangan na niyang makabalik sa pagtitipon. Pinasadahan siya nito ng tingin. “You look cute in this dress. Lily, you know that I’ll stay with you. Hindi ka makakatakas sa kamay ko kahit nasaan ka pa. Hindi ka makakatakas kahit na itago ka ni Drew Walton sa kung saang lupalop ng mundo.” Napaatras siya mula rito. Mabilis na naningkit ang mata ng lalaki habang nakakuyom ang kamao. Here they are again! May plano ba itong pagtangkaan siya nang masama? “Leave. Her. Alone!” Sabay sila ni Kenneth na napalingon sa entrada. Nakita niya roon si Drew na naniningkit ang mata sa kanilang gawi. Itinaas ni Kenneth ang kamay nito at saka ngumiti. “Come on, bro. I’m just congratulating my sister.” Tiningnan siya ni Drew. Sa palagay niya ay natatagpuan nito sa kanyang mata ang takot. “To me, that is not what it looks like! Lily come here.” Mabilis siyang lumapit kay Drew. Hinapit siya nito sa baywang bago nag-iwan ng bantang tingin kay Kenneth. Magaan ang haplos nito sa kanyang baywang kumpara kay Kenneth o kaya ay mula sa kanyang ama na madalas siyang saktan. Bobo ba siya para magtiwala sa kanyang asawa? Siguro. Ngunit mas tanga siya kung magpapaiwan siya kay Kenneth! “Napaaga ang pagtatapos ng pagtitipon kaya dadalhin na kita sa suite. Uminom lang kami ni Finn sa bar area nitong hotel. Pagbalik ko ay nagpunta ka sa garden,” malamig na wika ng lalaki. Madilim ang anyo ni Drew habang tinutungo nila ang suite. Parang may nais itong sabihin sa kanya ngunit pinipigilan nito. Tahimik si Lily nang magbalik sila sa kanilang silid. Sinuntok ni Drew ang pader kaya alam niyang galit ito. Kita niya na tunay nang nag-aapoy ang mata ng lalaki. Niyakap ni Lily ang sarili at nagtungo sa sulok, malayo rito. “Tell me. Walang ginawa sa ‘yo ang siraulong iyon pati ang apat na kaibigan niya! Kanina ko pa iniisip kung saan kita nakita. Hotel 5! Basta ka pumasok sa suite ko at basta ka na lang hinimatay. Kenneth claimed you are his sister noong ilalabas ka namin, pero hindi ako nagtiwala sa mga siraulong iyon at alam ko na may hindi magandang naganap kaya tumawag ako ng pulis para siguruhin na nagsasabi siya ng totoo.” She was stunned. Ngayon niya napagtanto na nagkita na sila ni Drew noon. Naglandas ang kanyang luha. Dahil sa araw na iyon ay hindi na siya nakapasok pa sa school. “Lily, tell me…” Lumapit si Drew sa kanya. “Did they do something to you?” mahinahon nitong tinig. Hindi siya makasagot. Paano kung lalo siya nitong ayawan? Nagluha na lang siya… ngunit hindi na dahil sa takot, kung hindi dahil sa pagbabalik ng kanyang malungkot na ala-ala. “Wala kang poproblemahin sa ‘kin. Kahit sino ay posibleng nasa posisyon mo bilang asawa ko. Gusto ko lang maintindihan kung bakit ka natatakot. Did your brother rape you?” Pinag-isipan niyang mabuti ang isasagot. Marahan na tumango siya habang umiiyak. Naikuyom ni Drew ang kamao at parang dragon na naglabas ng apoy sa ilong. “With those fuckers?” “No, but they molested me.” Humagulgol siya. “I’m sorry…” umiiyak niyang usal. “I saw you earlier. Sinundan kita sa garden. Sinaktan ka ng tatay mo! Then, I saw Kenneth before I could approach you. Alam ko na may hindi magandang pinaplano sa ‘yo si Kenneth dahil namumukhaan ko siya. Just what kind of family did you have?” anito na mas huminahon na. Hindi niya alam ang isasagot sa lalaki. Wala siyang maikumpara sa kanyang pamilya dahil hindi niya naranasan ang magkaroon nito. Inaasahan na lang niya na bukas ay iiwan na rin siya ni Drew dahil walang kuwenta ang nakuha nitong asawa.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD