CHAPTER 1: The Wedding

2142 Words
Four years later… NANGANGATOG ang kabuuan ng katawan ni Lily habang inaayusan siya at binibihisan ng dalawang assistant. Araw iyon ng kanyang kasal sa taong hindi pa niya nakita kahit isang beses. Dapat ay makikilala niya si Drew Walton noong nakaraan pa ngunit ipinamukha nito sa kanya na hindi ito gaanong interesado sa kanilang kasunduan nang umalis ito ng bansa noong araw mismo ng pagdalaw ng pamilya nito para pag-usapan ang kasal. Master Walton, his grandfather, likes her. Her dad was angry that night. “It was all because of you! Perhaps Drew doesn’t want to marry you because you're ugly!” Matapos nitong sabihin iyon ay hinampas siya nito ng tungkod sa likuran na ilang linggo niyang ininda. Her stepmother sneered. Nakatunghay lang sa kanya si Kenneth na parang demonyong nag-aabang sa gilid noong gabi na iyon. Nais niyang alisin sa mukha nito ang ngiti nitong iyon. Ang lalaking ito ang numero-unong sumira ng kanyang buhay. Nais niyang maging malakas ngunit paano? Hindi nga siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil na-bully siya noong kolehiyo sa utos mismo ng kanyang kapatid. “Lily, you know I care about you. Kung sakaling itakwil ka ni daddy, huwag kang mag-alala, I’m still here to help you,” Kenneth said, caressing her cheeks. That man was a lunatic psychopath! Hindi niya mabasa ang isip nito na sobrang malikot. May mga bagay ito na ipinapasok sa kanyang isip na dahilan kaya siya takot sa mundo. He manipulated her. Sa kabuuan ng preparasyon ng kanyang kasal ay inasikaso iyon ng isang wedding planner. Siguro ay sila ni Drew ang pinaka-weird na kliyente nito dahil ito na ang bahala sa lahat. Ang Pamilya Dalton ang nagbigay ng mga detalye para sa araw na iyon at ito ang gumastos ng lahat. Nakita niyang minsan ang larawan ni Drew sa internet. Malamig ang mukha nito, tulad ng kanyang ama. Ano ang gagawin niya kung sakaling saktan siya ng lalaki? Nagbalik si Lily sa kasalukuyan nang nagbukas ang pintuan at humakbang papasok ang kanyang ama. Agad niyang pinunasan ang kanyang luha na namuo. “Drew came. Mabuti at interesado pa rin siya sa kasal n’yo.” Kita niya ang kaseryosohan sa mukha ng lalaki. “Tandaan mo na kahit papaano ay nagkaroon ka ng silbi! Do your job as my daughter!” “Honey, huwag ka namang ganyan kay Lily. His grandfather had already signed the agreement. He will support the expansion of our manufacturing business,” wika ng kanyang madrasta na nakangiti nang makahulugan. Madalas na disgusto ang ibigay nito sa kanya. Madalas din siya nitong gulpihin. Nakagat na lang ni Lily ang kanyang labi. May kumatok sa pintuan bago iyon nagbukas. Lumitaw sa kanilang paningin ang wedding planner. “Mr. Martin, we will start in fifteen minutes,” anunsiyo nito. Hinarap siya ng may-edad na lalaki. “You'll be forced to live on the streets if you do something horrible today! I’m done with you!” banta ng kanyang ama. Tumango lang si Lily kahit na gusto niyang umiyak nang malakas. Noong bata siya ay mahal siya ng lalaki at iyon ang nagpapanatili sa kanya sa tabi nito. Ngunit nang dumating ang mag-inang Kenneth at ang nanay nito, unti-unting lumayo ang loob nito sa kanya. Ipinamukha na sa kanya ng ginang na utang na loob niya ang mabuhay sa kanyang ama at magpasalamat siya dahil mayroon pa siyang tirahan. Nabuhay siya araw-araw na iyon ang nasa isipan niya. Lumabas siya ng silid para tumungo sa bulwagan kung saan magaganap ang seremonyas. “Lily!” naiiyak na lumapit sa kanya si Aling Puring na tanging may amor sa kanya. Ito na ang nag-alaga sa kanya mula pa noon. “Hindi mo kailangan gawin ang bagay na ito! Dadalhin kita sa probinsiya kung kinakailangan!” Niyakap niya ang babae. May-edad na ito at hindi tama na maging pasanin siya ng ginang. Kaya ang sumama rito ang huling mapipili niya sa mga nakaplano niyang gawin. “No! Ayos lang po ako,” aniya. “Kilala kita, Lily. Hindi ayos ang bagay na ito! Narinig ko ang mga usapan tungkol kay Drew Walton. Hindi magiging maayos ang buhay mo sa taong iyon! Babaero siya—” wika ng ginang. “Manang Puring, mag-ingat po kayo sa mga salita n’yo lalo na at baka may makarinig sa inyo,” banta niya rito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Maimpluwensiyang tao ang mga Walton at baka ipahamak ito ng mga salita nito. Nilagpasan niya ang ginang at nagpatuloy sa paglakad. “Lily!” Ngunit hindi na ito sumunod dahil buo na ang desisyon niya. Habang lumalapit siya sa bulwagan kung saan magaganap ang pagtitipon, dumodoble ang kanyang kaba. Paano kung saktan siya ng pisikal ng lalaking iyon tulad ng kanyang ama? “Ipagpatuloy mo ang kasal na ito para naman magkaroon ka ng silbi sa ‘kin!” naalala niyang wika ng may-edad na lalaki. Nangangatog ang kanyang binti nang pahintuin siya sa likod ng puting tabing. Naririnig niya ang mabagal na musika. Ilang saglit pa ay humawi ang kurtina. Nais niyang tumakbo o umatras lalo na at nakatingin sa kanyang direksiyon ang lahat ng tao sa loob. Natagpuan niya ang lalaking nakasuot ng puting three-piece suit sa bungad. Mas dumoble ang kabog ng kanyang dibdib. Halatang madilim ang mukha nito na nakatingin sa kanyang direksiyon. Lily, you can do this! Do something useful! Sa tahanan n’yo ay hindi rin naman maayos ang buhay mo! Nagbigay iyon sa kanya ng lakas ng loob. Naglakad si Lily kahit parang gulaman ang kanyang binti palapit sa taong nasa bungad. Yumuko siya para maiwasan ang matakot o kaya naman ay bumaliktad ang kanyang lakas ng loob. Ilang metro pa siya na nakalapit sa lalaki nang mapasadahan niya ang anyo nito. Mataas ito nang mahigit isang talampakan sa kanya. Halos nasa dibdib lang siya nito. Alon-alon ang buhok nito na kulay brown. Malapad ang dibdib at malalaki ang braso. Walang ngiti sa labi nito na inalok ang kamay sa kanya. Dumoble ang kanyang kaba. Sigurado na kaya siyang ipitin ng mga braso nito. Siguradong durog ang kanyang katawan kung sakaling suntukin siya ng lalaki. I should be thankful that he was here, right? Ano nga ba ang karapatan niya na magreklamo kay Drew Walton? Magpasalamat siya dahil kahit kakaunting interes ay naroon ito sa pagtitipon na iyon. “Dearly beloved, we are gathered here today…” Tahimik sila ni Drew habang nagseseremonyas ang pastor sa kanilang bungad. Panay lang ang lingon niya sa lalaki para pagmasdan itong muli. Walang duda na guwapo si Drew. Hindi kataka-taka ang mga balita tungkol dito na iba-iba ang babaeng isinasama nito at hindi ito seryoso sa mga karelasyon. Naniningkit ang mga mata nito na lumingon sa kanya kaya lalong dumagundong ang kanyang dibdib. Napapikit siya nang mariin. “Will you, Drew Walton, cherish Lilian Rose Martin, as your lawful wedded wife, protecting her, and tending to her needs through illness and disappointment?” tanong ng pastor. May ilang sandali bago sumagot ang lalaki ng “I will.” “Will you, Lilian Rose Martin, cherish Drew Walton as your lawful wedded husband, protecting him, and tending to his needs through illness and disappointment?” Sino siya para humindi sa bagay na iyon? Tinanggap ng lalaki ang alok na kasal sa kanya kaya dapat siyang magpasalamat! “I-I-I will.” Umasim ang mukha ni Drew dahil para bang napilitan lang siya. Ngunit ang totoo ay hindi siya makapagsalita dahil sa sobrang kaba. “Drew Walton, do you love Lilian Rose Martin willingly and completely, withholding nothing? Will you protect her, and give her your deepest consideration of her feelings, desires, and needs?” Love? It’s obviously out of the question, but Drew responded, “I will.” “Lilian Rose Martin, will you strive to keep your love flexible and adapt to changing circumstances in the marriage? And will you be Drew Walton’s counselor, helpmate, sweetheart & lover, and best friend, from this day forward?” “I-I will…” sagot ni Lily. “Do you Drew Walton take Lilian Rose Martin, to be your lawfully wedded wife, to share your life openly, standing with her in sickness and in health, in joy and in sorrow, in hardship and in ease, to cherish and love forevermore?” Nagbuga ng hangin si Drew na para bang tinamad na ito sa mga katanungan. “I do.” Inulit ng pastor ang tanong sa kanya. Wala nang atrasan! “I-I do…” Ilang saglit pa ay nagpalitan sila ng singsing. It was beautiful in Lily’s eyes. Ngunit pinaalalahanan niya ang sarili na kahit gaano pa iyon kaganda ay mananatiling huwad ang kasal na iyon. “I now pronounce you as husband and wife,” nakangiting wika ng pastor. “You may now kiss the bride!” Inangat ni Drew ang kanyang mukha para matingnan siya nang maayos. Umikot sa kanyang baywang ang braso nito. Tila bumagal ang mundo ni Lily nang yumuko ang lalaki. Drew’s eyes were beautiful. Lumapat ang labi nito sa kanya. Nananatili sa kanyang katawan ang tensiyon kaya naman bago pa siya makalanghap ng hangin ay nawalan siya ng malay. *** “WHAT the f**k?!” asar na bulalas ni Drew nang maramdaman na tila naging gulaman ang kanyang asawa sa kanyang bisig. Bago pa sila kumuha ng atensiyon ay pinangko niya ang babae na parang papel sa gaan. Mabuti na lang at natapos na ang seremenyas. Lumapit ang kanyang bestfriend na si Finn. Nasa bungad lang ito at nasaksihan ang mga naganap. “What happened to her?” “She passed out,” bulong niya. “Dadalhin ko na muna siya sa silid. Magpatawag ka ng doktor. Kori, entertain the guest. I don’t know what happened.” Umasim ang kanyang mukha. Nagpipigil ng tawa si Kori na isa pa sa kanyang matalik na kaibigan kaya lalo siyang naasar. Kori was a beautiful married woman, his first love. But he already moved on. Limang taon na noong huli siyang magtapat dito na tinanggihan nito. Sumunod sa kanya si Finn palabas. Naguluhan man ang mga bisita dahil tinungo nila ang exit ng bulwagan ay wala na siyang pakialam pa. Siguro ay iniisip ng mga ito na diretso na kaagad sila sa aksiyon ni Lily. Lilian Rose? Her name was pretty, but her body was… Ang sabi sa kanya ng kanyang abuelo ay Lily ang pangalan nito. Dumilim ang kanyang anyo. Halatang desidido ang matanda na turuan siya ng leksiyon para ibigay sa kanya ang babae na malayo sa tipikal na babaeng nakakasalamuha niya. He obviously didn’t like that he’s a fucker! Pinilit nito ang kasal na iyon, kung hindi ay ibibigay nito sa iba ang buong Walton Group! Naghirap siya sa opisina. Higit sa lahat ay hindi siya papayag na mapunta ito sa mga tiyuhin niya na parang lobong naghihintay kung kailan sila mamamatay ng kanyang abuelo. “I think I already saw her… Hindi ko lang matandaan kung saan,” usal niya habang nakatingin sa mukha ni Lily. “You already saw her? Baka naman noong engagement n’yo?” sagot ni Finn. “No…” Inihiga niya sa kama si Lily nang makarating sila sa couple’s suite at saka ito pinagmasdan muli habang nakapikit ito. Tumawag ng tulong si Finn sa telepono. Sobrang liit ng kanyang bagong-bagong asawa. Sobrang payat. Kahit ang kabuuan ng mukha nito ay halos kasinglaki lang ng kanyang buong palad. She is probably a small size. Heck! Possibly extra-small! Her skin was pale white. Parang hindi man lang nabibilad sa araw. Is she pretty? She is… simple, cute! And not his usual type! Beinte-kuwatro ang edad nito, ngunit para siyang nagpakasal sa sixteen-year-old na babae. Walong taon ang tanda niya rito. “What’s wrong with her?!” naaasar niyang tanong matapos maisip na hinimatay ito matapos silang bendisyunan. “Calm down!” ani Finn na tapos na sa tawag nito. “May aaakyat na medic.” “Matutuwa ka ba kung sakaling hinimatay ang babae na binigyan mo lang naman ng halik sa labi? Tsk! I shouldn’t have agreed to this marriage!” naiiling niyang sabi. “It’s too late for that! You already said, I do!” “She was far from the women I dated! I want big boobs, and a sexy, or curvy body! While this woman is petite, innocent… Damn it! Does she even know how to suck a c**k?” patuloy niyang reklamo. “The women you f**k, you mean?” pagtatama ni Finn. “Drew, she’s a wife, not some random bitches! She’s not a w***e!” “I-I-I’m sorry…” narinig nila ang maliit na boses mula sa kama. Sabay silang napalingon ni Finn. Nakaupo na ang babae sa kutson, luhaan habang yakap ang unan. May humaplos na awa sa kanyang dibdib habang nakatingin sa luhaan nitong pisngi. “Damn it!” Nasapo niya ang noo. Marami silang nasabi ni Finn na hindi dapat nito narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD