Naiinis na si Maureen sa kapatid niyang si Rohan. Ilang beses na siyang nakikipagdiskusyon dito dahil sa ginawa nitong pag-promote sa kanya. Kung ang iba ay matutuwa dahil na-promote, siya, hindi iyon ang nararamdaman niya. Alam kasi niyang may ginawa na naman ito para mangyari ang bagay na iyon.
"No! I can't accept it. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo," turan niya sa kapatid.
Napabuga ng hangin ang kapatid niya habang nakatingin sa kanya.
"I was fair. I didn't pull any strings for that promotion of yours. Haven't you see the papers I've send? Hindi mo na naman binasa."
"But I don't want it!" giit pa rin niya.
"I can't do that now. Kailangan mong tanggapin iyon dahil may papalit na sa iyo. You need to step higher. My decision is final, Maureen. Don't be so hard headed. You deserve it,' wika sa kanya ng kanyang kapatid.
Alam niyang kahit anong gawin niya ay hindi na magbabago ang isip at desisyon nito sa kanya. He was his overprotective brother by the way. Kahit naman hindi sila totoong magkapatid.
"Please, Mau. Don't agrue about this now. It was finalized already," pinal na wika sa kanya ng kanyang kapatid na ikinabuntong-hininga niya.
Then he saw his brother glanced at the back meaning someone came in. That's also a signal for her to go out of his office. Tumayo siya at tumalikod sa kapatid ngunit natigilan nang makita ang isang lalaki sa may pintuan. She looked at him from head to toe.
"Let's talk at home," wika ng kanyang kapatid.
Muli niya itong sinulyapan at tumango bago nilisan ang opisina nito. Ngunit bago tuluyang umalis ay palihim niyang sinulyapan ang bisita ng kapatid.
Nakasalubong niya paglabas si Joyce na papasok sa loob ng opisina ng asawa.
"Was it good? Tanggapin mo na kasi, Mau. You deserve it," wika nito sa kanya. She rolled her eyes dahil pinagkaisahan na naman siya ng dalawang ito.
"By the way, who was that?" tanong niya kay Joyce. She was talking about the handsome visitor. Yes, handsome.
"That was his friend, Francis,"sagot nito sa kanya. Mukhang nabasa nito ang kanyang iniisi dahil muli itong nagsalita. "I know. He doesn't show often kaya hindi siya masyadong familiar. But haven't you seen him before? Matagal na silang magkaibigan ni Rohan."
Tiningnan niya nang matagal si Joyce, iniisip ang sagot sa tanong nito sa kanya. But she can't remember him. "I am not familiar with him," sagot niya rito.
"Oh! I thought you knew him. I wonder why you don't," sagot nito sa kanya.
Nagkibit-balikat na lamang siya at tuluyang tumalikod upang bumalik sa kanyang opisina. She was busy with her works but she can't put away from her mind that guy she saw in the office of Rohan. He was somewhat familiar to her. And Joyce was right. How come she doesn't know that friend of her brother? Kung matagal na itong kaibigan ng kanyang kapatid ay bakit hindi niya ito kilala? But somehow she thought she saw him somewhere. Natapos na ang maghapon ngunit hindi pa rin mawala-wala sa kanyang isipan ang lalaking iyon. Sabagay gwapo nga naman ito. Yummy pa ang katawan! She wondered how does he look under those pieces of cloth.
Oh gosh! hiyaw niya sa kanyang isipan dahil first time after a long long time that she admired someone. At hindi lang admire kundi pinagnasaan niya! Peste!
Pilit niyang iwinawaksi sa kanyang isipan ang lalaking iyon. Kaya naman after work she decided to go bar hopping. Hindi naman siya madalas lumalabas but now she thinks she needed it.
She called her friends. Matteo and Irmish. Matteo was a woman trapped in a guy's body. Mas malandi pa ito sa kanya. Irmish, on the other hand, was a girl pero mas bakla pa keysa kay Matteo. O marahil sobrang nahawaan lamang ito ni Matteo.
"Himala at napatawag ka, bakla? Hindi ka na ba busy?" tanong ni Irmish sa kanya.
Natawa siya sa sinabi nito. "Let's celebrate. My brother just promoted me," sagot niya rito.
"Oh! That's a good news for us. Ewan ko lang sa iyo. If I know, nagreklamo ka na naman doon sa papable mong kapatid," komento nito sa kanya.
Siya naman ang natawa sa sinabi nito. Kilalang-kilala na talaga siya nito. Hindi naman marami ang kaibigan niya because she was aloof before especially when she was young. She doesn't talk to anyone aside from the De Villa family. That happened maybe two to three years until such time that she started opening up pero doon lang sa bahay nila. She has this trauma of talking to strangers because of her past. She even went to seek professional help at ilang taon din naman siyang nakipaglaban doon. Hanggang sa nagpaunti-unti. She socialized and wasn't scared anymore especially that Rohan and Ryland were really protective over her. Bantay-sarado siya ng mga ito at ipinagpapasalamat niya iyon. Minsan lang or most of the time, sumusobra na ang mga ito sa pagbabantay sa kanya. And when she was in college, she met those two, Matteo and Irmish and they became her friends, best friends.
"So saan tayo? Is Matteo busy?" tanong niya sa kaibigan.
"Isang tawag lang iyon. Let's meet on our favorite bar," wika nito sa kanya pagkatapos ay pinatay ang tawag.
Inayos na niya ang kanyang mga gamit at lumabas ng opisina nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang kapatid.
"What?"
"Still in the office?" tanong nito sa kanya.
"Yes, pero palabas na ako. Why?"
"Dumaan ka muna sa opisina. May ibibigay ako para kay Mama," wika nito sa kanya.
"Aren't you coming home tonight?" tanong niya rito.
"No. My friends are still here."
Napabuntong-hininga siya pagkatapos ay tinahak ang daan patungo sa opisina ng kapatid. Nang makarating siya roon ay wala ang mga ito kaya pinuntahan niya ang game room at naroroon nga ang mga ito kasama si Joyce. Nandoon din sina Stanley, Bryan at Loui at ang lalaking iyon. Hindi talaga niya maalala kung nakita na ba niya ito o hindi.
"Hi, Maureen?" bati sa kanya ng mga kaibigan ng kapatid maliban sa lalaking iyon na nakatingin lamang sa kanya.
"Where is it?" tanong niya sa kapatid.
Tumayo naman ito at may kinuha sa isang drawer. Isang maliit na box iyon kaya alam na niya kung ano iyon. Suhol na naman para sa kanilang ina.
"Bakit hindi na lang kaya ikaw ang magbigay niyan?"
"You know our mother."
Napailing na lamang siya sa sinabi nito maging si Joyce ay ganoon din. Kinuha niya ang ibinigay nito bago nagpaalam na aalis na.
"Straight home, Mau," pahabol pa ni Rohan sa kanya.
Napahinto siya sa sinabi nito. Ano siya bata? Teenager? Grabe talaga ito kung minsan. Wala na kasi itong Joyce na pinagdidiskitahan kaya siya na ang napapansin nito.
"Don't be like that, husband. Paano makakapag-boyfriend itong kapatid mo kung ganyan ka?" Tumingin ito sa kanya. "C'mon, sabay na tayong umuwi dahil mukhang matatagalan pa itong asawa ko rito."
Napailing na lamang siya at naunang umalis sa silid na iyon. Hihintayin na lamang niya ito sa labas dahil hindi maganda ang pakiramdam niya. Mainit ang paligid. Hindi niya mawari kung bakit.
Nang lumabas si Joyce pagkaraan ng ilang sandali ay lumarga na sila. Ihahatid muna niya ito sa bahay ng mga ito bago dumiretso umuwi at magbihis para sa lakad nila ng kanyang mga kaibigan.
Arriving home, she gave to her mother what Rohan gave to her. Sobrang tuwa na naman ng kanyang ina dahil sa bagong alahas na dagdag sa koleksiyon nito. Nagtataka siya kung ano na naman ang sinabi nito kay Rohan at nabubuhol na naman ang kapatid.
"What did Rohan do?" tanong niya sa ina na busy sa pagsusuri sa alahas na bigay ng kapatid.
"I was asking him to have a vacation with Joyce but he said he was busy," sagot naman nito sa kanya.
Napataas ang kilay niya sa sinabi nito. Impossibleng iyon lamang ang sinabi nito sa kapatid. Something is fishy with her mother's words.
"And why would he give you a jewelry?" muli niyang tanong sa ina.
"I ask for it."
"Again?" hindi makapaniwalang wika niya. "Andami niyo ng alahas."
Natawa naman ang kanyang ina. "It's okay because these will be handed to you and to my grandchildren."
Napailing na lamang siya sa sinabi nito sa kanya at humalik sa pisngi nito.
"I'm going out with Matteo and Irmish," imporma niya sa ina.
"Take care, dear," sagot naman nito sa kanya. "And bring home a boyfriend, hija."
Hay naku talaga ang mommy niya. Paano siya magkaka-boyfriend kung binabakuran lahat ng kanyang mga kapatid ang lovelife niya. She had boyfriends, two, but they only lasted for three months, that's the longest, because of the two. At nagtatrabaho na siya noon. See? And she was twenty-eight years old now.
Mabilis siyang nag-ayos ng sarili upang katagpuin ang mga kaibigan niya. She was wearing a tight-fitted ripped jeans, black loose blouse paired with black leather ankle boots. She also wore this black tear-like dangling earrings and a black rope bracelet. Inilugay lamang niya ang kanyang maikling paalon-alon na buhok. Naglagay rin siya ng manipis na makeup sa mukha.
She went to their favorite bar, Demon's. Kilala na sila ng bouncers doon dahil lagi silang naroroon at isa pa ay kasama niya kung minsan ang kapatid na kaibigan ng may-ari.
Arriving at the bar, she was welcomed by the noisy interior of the bar. By the way, smoking is prohibited in the bar so no smoke can be seen unlike other bars. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit doon sila gumagala ng mga kaibigan at kung bakit dinarayo ito ng mga barhoppers.
Hinawi niya ang mataong bar at sinimulang hinanap ang mga kaibigan. Nang wala pa siyang makita ay namalagi siya sa bar counter upang doon hintayin ang mgakaibigan.
She was there for an hour now but no Matteo and Irmish came. Kanina pa niya sinisipat ang pambisig na relo ngunit wala pa ang mga ito. She kept on checking her phone for message from them but nothing. She tried calling them but it just kept on ringing and ringing.
"Hi, gorgeous! Inindiyan ka yata ng ka-date mo?" said the husky voice from behind.
She tilted her head to look who it was still hoping for her friends but her eyebrow raised upon seeing that guy, the same guy from her brother's office.
Francis Calderon