Chapter 7

1784 Words
"So what do you want for your birthday?" tanong ni Rohan sa kanya habang nasa opisina silang tatlo nina Joyce. Bukas na ang kaarawan niya. Her twenty eighth birthday to be exact. Matanda na siya at hindi pa niya natutupad ang lahat ng pangarap niya sa buhay. One of them is to build her own clothing line business. Another was something connected to her past and something personal. "Boyfriend? I can give you that, Mau," turan ni Joyce sa kanya na nakatanggap nang hindi makapaniwalang tingin mula sa asawa nito. "What? My gosh, Rohan! She's already twenty-eight and older than me and you will give me that look? Dapat may asawa na siya ngayon at may sariling pamilya. But how she would do that when you and Ryland wouldn't let her," litanya nito sa kanyang asawa. She chuckled with Joyce's remarks. Tama nga naman ang sinasabi ng kanyang hipag. Mas matanda talaga siya rito ngunit kung ituring siya ng mga kapatid ay para siyang teenager. Baka nga maging matandang dalaga siya sa ginagawa ng dalawa. Well, sana 'wag naman. When she looked at Rohan ay hindi talaga nito matanggap ang sinabi ng asawa. At ngayon ay nakikipag-argumento na nga ito sa asawa nitong hindi nagpapatalo. In the end, Rohan would agreed to his wife dahil malalabas ng kulambo ito kapag hindi ito sumunod sa asawa. "Mau, why don't you date Francis? He's single and doesn't have any girlfriend. I asked Amor about him and it was legit," suhestiyon ni Joyce sa kanya. Sa dami ba naman ng pwede nitong ireto ay ang mahanging kaibigan pa ng kanyang kuya. Hindi maganda ang tabas niya sa lalaking iyon. Ewan ba niya kung bakit mainit ang dugo niya roon gayong halos magkaugali lang naman ito ng kanyang kapatid. "Hell, no!" reklamo ng kanyang kapatid sa sinabi ni Joyce. She arched her eyebrow while looking at him. "Why?" tanong ni Joyce sa asawa. "He was your friend. You knew him from head to foot so Mau is safe with him." "End of discussion." "Bakit kagaya mong babaero?" muling tanong ni Joyce sa asawa. "Gesh! Bakit na naman ako naisama riyan? That was in the past already," sagot ni Rohan at parang ginigisa na ito sa sariling mantika dahil nagsisimula na itong pagpawisan na ikinatawa niya maging ni Joyce. "What? Francis doesn't do love." "Oh, kagaya mo rin. You don't believe in love too until you met me," sagot ni Joyce sa asawa. "Yap. I know right! Denial king ka pa noon eh. And look how Joyce would wrap you around her fingers. You're so madly inlove with her," komento naman niya na ikinailing nito. Sa malamang ay alam na naman nitong nagkakampihan sila ni Joyce at paniguradong matatalo na naman ito. Wala na naman itong panama sa combined power nilang dalawa ng hipag. "Okay. Maybe that may happen to him but Francis has this dangerous job and he was always out of the country. Matatagalan niyo ba ang LDR kung sakali?" tanong nito sa kanya. "Dear brother, first of all wala anumang namamagitan sa amin ng kaibigan kaya malayong-malayong mangyari iyang sinasabi mo. Masyado ka namang advance." "Hey! He was asking about you," sagot naman nito sa kanya. "And those looks, pinagnanasaan ka." "So?" sagot naman ng asawa nito. "She's old enough to handle her decisions. At tsaka gwapo si Francis aside from caring kahit medyo nakakatakot siya at nakaka-intimidate siya. And he asked for your number last night." "What?" panabay na wika nila ng kapatid. So ito pala ang resources na sinasabi ni Francis sa kanya kagabi. Hindi nga naman nito kinuha ang numero niya sa kapatid but he got it from his wife. Bilib din siya rito. "Peace!" wika lang ni Joyce sa kanya. "Anyway as I was saying, matanda na si Maureen at hindi mo na siya dapat pangpinapakialam. Mind your own business or she will be a future old maid. Sayang naman iyang lahi at ganda niya." Napailing na lamang siya sa sinasabi ni Joyce. At wala na ring nagawa ang kanyang kapatid kundi umayon sa sinasabi ng asawa nito. Kung si Rohan ang boss sa kompanya at kinatatakutan ng maraming tao, Joyce was Rohan's boss. So alam na kung sino ba talaga ang sino sa dalawa. "Anyway back to your birthday, what will you do?" muling tanong ng kanyang kapatid sa kanya. Ano nga ba ang gagawin niya? Alangan namang magpa-birthday party siya, mag-rent ng clowns? That would be awkward dahil ang tanda-tanda na niya. So she was thinking of just having dinner with family and close friends. That would be the nicest way to celebrate her birthday. Basta ba 'wag lang maging OA ang mga kapatid niya. On her last birthday ay nag-rent kasi ng clowns ang dalawa niyang baliw na kapatid. Nakakahiya! But it was fun. And she just hoped that they wouldn't do that because she might walk out on her own birthday celebration. "No naughty thoughts on my birthday, Rohan. Isusumpa ko talaga kayong dalawa ni Ryland." Natawa naman ang loko niyang kapatid sa sinabi niya. Mukhang may binabalak nga talaga ang dalawa. At paniguradong hindi niya iyon magugustuhan. "Joyce?" paghingi niya ng saklolo sa hipag at mukhang nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin dahil tumango ito. "No monkey business, husband or else..." banta ni Joyce. Takot naman na napatingin si Rohan sa asawa at sa kanya pagkatapos ay nagkamot ng batok. Sinasabi na nga ba niya na may pinaplano ang mga ito. Mabuti nalang pala at nandirito si Joyce ngayong pinag-uusapan nila ang kanyang kaarawan. "Let's just have dinner at Loui's," wika niya sa mga ito. "You can invite your friends if you want." "Gusto mo lang yatang dumalo si Francis eh," wika ng kanyang kapatid na pinandilatan niya. "Why do you keep insisting your friend?" "Malay naman natin 'di ba? Malay mo siya pala ang destiny mo," sagot nito sa kanya. Binigyan niya ito nang pilit na ngiti. Iyong ngiting nagpapakita na hindi siya natutuwa sa sinasabi nito sa kanya. And she thought of a way to give back that joke of him. "Sabagay, malay nga natin siya ang maging brother-in-law mo. Hindi naman siguro ako lugi sa kanya 'di ba?" tanong niya rito at iyon nga sumeryoso na ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Mukhang hindi nito inaasahan ang sinabi niya rito. "Enough about him. I am still against it," wika nito sa kanya. "Sagot ko na ang dinner sa Loui's." She chuckled with his remarks. Iniiba na talaga nito ang usapan nila. Pikon-talo talaga ito kahit kailan. Nang matapos ang usapan nila ay bumalik na siya sa opisina niya dahil nag-aayos na siya ng mga gamit dahil lilipat na siya ng opisina. Rohan prepared an office for her at the same floor he was in. Umayon na lamang siya rito dahil ayaw na niyang makipagtalo pa. Ipipilit din naman nito ang tungkol sa bagay na iyon kaya go na lang siya. Isa pa, she wanted to open her own clothing line. Actually napag-usapan na nila ni Rohan iyon at may proposal na rin siyang naibigay sa kapatid. Hindi pa nga lang nila napag-uusapang maigi iyon. Aware na aware naman ito sa balak niyang iyon at willing itong tulungan siya kahit noon pa kaya walang magiging problema roon. After her birthday, she planned to talked with him again. She needed to start something for herself dahil twenty-eight na siya. Hindi na siya bumabata at hindi na rin siya dapat umasa pa sa mga ito. Marami na silang naitulong sa kanya. It's time to stand up on her own now. ----- Her birthday came and they were at Loui's restaurant now. Actually siya palang kasama ang kanyang mga kaibigang sina Matteo at Irmish. Her parents wasn't here yet dahil pinuntahan ng mga ito sina Irene at Ryland at magkakasabay na ang mga itong darating. Si Rohan at Joyce naman ay nasa opisina pa raw pero papunta na rin. Hindi niya alam kung sino pa ang darating na mga kaibigan ng mga kapatid. Loui, on the other hand was in the restaurant assisting them personally. Kasama nito ang kanyang asawa na nasa loob ng opisina nito. As the night deepened, they started coming. Tamang-tama dahil mag-aalas-otso na rin naman. Her parents came together with Ryland and his wife, Irene, their son, Khalil. Sumunod na dumating sina Rohan at Joyce kasama si Bryan. Wala rin sina Stanley at Brandon. Hindi niya alam kung bakit wala ang mga ito. "Happy birthday to our daughter," panimula ng kanyang mommy pagkatapos nilang basbasan ang pagkaing nasa harapan nila. "You know we love you, hija. Isa lang ang hinihiling ko, magka-boyfriend ka na sana." Natawa ang mga naroroon sa sinabi ng kanyang mommy. Maging siya ay napangiti at napailing na rin. "You're already twenty-eight. And with that, may I also remind the two of you," Tumingin ito sa kanyang mga kapatid. "Hayaan niyo na ang kapatid niyo. Huwag naman kayong bakod nang bakod. Tatandang dalaga 'yan kapag patuloy niyong ginagawa iyan. Again happy birthday, hija." "Thanks, Mom. Pero sana noon niyo pa iyan sinabi sa kanilang dalawa. Baka may asawa at apo na kayo ngayon," sagot niya sa sinabi ng ina na ikinatawa naman ng mga naroroon. Nauwi tuloy ng kantiyaw ang dalawa niyang kapatid sa mga naroroon. They started enjoying their dinner at hindi nawala roon ang pagkantiyaw sa kanya na masaya at game na game naman niyang sinasakyan. Her birthday was blessing. Masaya siya. "I hope I am not yet late," wika ng baritonong boses na iyon na alam na niya kung kanino nagmamay-ari. She looked up and confirmed her suspicion. It was really him and he was holding a box, a gift. Lumapit ito sa kanya at tahimik lang ang mga ito habang nakasunod ng tingin kay Francis hanggang sa maiabot nito ang regalo sa kanya. Actually dalawa ang regalo nito sa kanya na ipinagtataka niya. "It's from me," wika nito sabay abot sa isang paper bag. "This one..." Nagkibit-balikat ito sa kanya at iniabot niya ang regalo. Nakaupo na si Francis sa bakanteng upuan at nakikipag-usap na ito sa mga naroroon ngunit hindi pa rin siya naka-get over sa biglaang presensiya nito. She put down the paper bag he gave to her then looked at the other gift on her lap. Hinanap niya ang tag nito at binasa ang mensahe roon. Hope you are enjoying your birthday, hija. -Uncle Elijah Iyon ang nakasulat sa papel na nakakabit doon. Napakunot siya ng noo kung bakit ito ang nagbigay ng regalo ng kanyang Uncle Elijah then she heard Loui called Francis. "Elijah? I am glad you're here," bati ni Loui na kalalabas lang mula sa kusina. Dumako ang tingin niya kay Francis. Elijah? Bakit Elijah ang tawag nito kay Francis?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD