"Sh*t, sh*t!" Agad akong pumasok sa kotse at pinagsusuntok ang manibela. Galit na galit ako. Feeling ko pinagkaisahan nila ako. Alam nilang may trust issues ako lalong-lalo na si Piggy. Pero bakit niya ito nagawa sa akin? She knows I hate secrets. Kaya kahit ako 'di ko siya pinaglilihiman. Siguro nga nakapaglihim ako sa kanya tungkol sa nararamdaman ko, but hell! Sinabi ko pa rin naman sa kanya iyon. Ito ba ang ganti niya sa pagtatago ko sa kanya tungkol doon? Kaya siguro 'di niya ako kinakausap these past few days kasi may tinatago siya. To think, alalang-alala pa naman ako sa kanya. I even did something so desperate para sa kanya tapos ngayon sila na pala? What the heck?! "D*mn!" Kinuha ko ang cellphone ko at din-ial ang number nina Alex, Matt at Drake. "Hello, mga Bro let's meet a