After noong incident sa mall, umuwi na kami sa bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto at nahiga sa kama. Sumunod naman sina Ashley at Kerby sa akin. Nakatayo lang ang dalawa sa paanan ng kama at nakatingin sa akin. 'Di ko mabasa kung ano ang naiisip nila and right now, I don't really care what they're thinking. Bahala na sila mag-isip ng kung ano 'Di ko alam kung bakit ganoon na lang ang reaction ni Jeremy. Is it because he thought I'm hiding something from him? Sabagay tama naman siya ng iniisip. Pero 'di ko kasi alam kung papaano sasabihin sa kanya. Siguro kung noon ko pa nalaman then maybe I could've told him the truth. Pero I know huli na ang lahat. Things are just so complicated right now. Napabuntong hininga nalang ako. Nagulat ako nu'ng may humawak sa paa ko. Nilingon ko 'yun para ma