Chapter I

2056 Words
Chapter I ▪︎Leigh▪︎ Leigh is afraid to open her eyes after the pads were removed by her doctor, who conducted the corneal transplant. Hindi biro ang halaga pero talagang inilaan na iyon sa kanya ang ama niya sa bangko bago iyon namatay. Abot langit ang kasiyahan niya, ang pasasalamat na pagkatapos ng maraming taon, sa wakas ay natupad na rin ang pangarap niya na makawala siya sa dilim at makakita muli ng liwanag. Bata pa siya nang mabulag dahil sa isang aksidente. Tinamaan ang mga mata niya ng mga basag na bubog nang sumalpok ang van na sinasakyan nila ng Papa niya. Iyon na rin ang dahilan nang pagkapilay ng ama niya at dalawang taon ang makalipas ay namatay. Pinakinggan niyang mabuti ang mga salita ng duktor, ang mga bawal niyang gawin at mga normal na mararanasan niya ngayon, pagkatapos ng operasyon. Sa kabila ng takot ay dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata. Her eyes are still sensitive to light and Dr. Floyd said it’s normal. Blurry ang paningin niya pero may mga naaaninag na siya. Emosyonal niyang tiningnan isa-isa ang mga tao roon sa loob ng kwarto pero natatakot siyang lumuha. She’s so happy when she looked at a woman, her mother. Tumanda na ito dahil nasa siyam na taon na siyang bulag. Noong una ay nawalan siya ng pag-asa at gusto na lang niyang mamatay sana kaya lang nakasanayan niya at hindi siya pinabayaan ng ina niya. She still continued her studies and never stopped. College na siya ngayon at malapit na rin na maka-graduate. Nasira ang determinasyon niyang maging isang flight attendant dahil sa mga mata niya pero tumuloy pa rin siya sa kursong BS Tourism. Marami pa rin naman siyang pwedeng maging trabaho bukod sa pagiging attendant. Masakit man para sa kanya iyon ay tinanggap na rin niya ang kapalaran sa murang edad. Noong una ay hindi niya maintindihan pero nang lumaon at nagma-mature na siya ay unti-unti niyang niyakap ang katotohanan. That’s her fate and no matter how much she tries to reject it, it’s already there and happened. That’s the fact and that’s reality. Nakita ni Leigh ang pagluha ng ina niya, malabo man ang paningin. Umiiyak ito habang nakangiti dahil sa sobrang kasiyahan. “Mama,” aniya sa ina at agad itong napatutop sa bibig, lalong umiyak. Iginala pa niya ang paningin pero wala na siyang nakitang ibang tao. May hinahanap siyang tao na gusto niyang personal na pasalamatan. Akala niya, ngayon na naoperahan na siya ay personal nang darating si Mister Greco, pero wala pa rin. Si Dr. Floyd na lang din ang nagsabi sa kanya na may cornea donor na siya, si Mrs. Greco, na alam niyang patay na. Sabagay, bilyonaryo raw ang mag-asawa, iyon ang dinig niya at napakaswerte raw niya na siya ang sasalo sa mga mata ng isang bilyonaryo. Sino nga ba naman siya para pagkaabalahan pa ng isang Clive Greco? Bukod sa busy iyon ay hindi naman siya kilala, at kamamatay pa lang ng asawa. “I know you’re expecting him to come and see his wife’s eyes pero nagpaabot na lang ng note si Mr. Greco. You can read it once your vision gets a bit better. Don’t force yourself. I will not be going to read it so you’ll be the first one to do it. It’s for you anyway,” ani Dr. Floyd sa kanya. Iniabot nito ang isang maliit na card at inabot naman niya iyon. She’ll keep it forever. Ang isang simpleng note na iyon ang nagbigay sa kanya ng pangalawang pagkakataon na abutin niya ang mga pangarap at panibagong buhay. Napakalaki ng utang na loob niya kay Mr. Greco, at kung nasaan man ang asawa nun ay nagpapasalamat siya nang husto. ☆☆☆ 2 years later… ▪Leigh▪︎ Nakangiti si Leigh habang nakatingin sa maliit na building na katatapos lamang na i-renovate. It’s not a tall building and just a single-storey one hundred square meters. The other one hundred square meters is allocated for a parking area. Nakapameywang siya sa harap ng kanyang bagong negosyo, and mag cash in and cash out ng pera, magpalit ng Dolyar. Iniwan iyon sa kanya ng Papa niya, para raw sa future niya pero sinimulan na niyang gamitin nang matapos ang kanyang operasyon. Nakaipon siya at nadagdagan ang kanyang puhunan. Hindi naman malalaki ang ipinapalit sa kanyang halaga at kalakihan na ang fifty thousand. Dating talyer ng ama niya ang lugar na iyon. Ang ama niya ay isang latero, gumagawa ng mga tricycle, owner type jeep at nagrerepair ng mga kotse at iba pang private na sasakyan. Iyon daw ang naipundar nun nang mag-Saudi sa loob ng limang taon. Desi otso lamang daw iyon nang makapag-abroad at pag uwi sa Pilipinas ay nakapag-asawa ng babaeng may kaya naman sa buhay. Kaya lang, nakilala ng Papa niya ang Mama niya, na nag-apply naman ng trabaho sa talyer. Galing sa probinsya ang ina niya at high school lamang ang natapos. Tinanggap ng Papa niya ang Mama niya kahit na taga-resibo lang, mabigyan lang ng trabaho at matutuluyan, hanggang sa nagkagustuhan daw ang dalawa, dahil ang Mama niya ang nagiging takbuhan kapag ang totoong asawa ng Papa niya ay nagmamaldita at inaalipusta ang Papa niya ng mga magulang ng babae. At bago namatay ang Papa niya ay nakapagpagawa ng kasulatan na sa kanya ang lupa at building na nasa harap niya ngayon, kasama ang mga naipon sa bangko nang palihim. “Maganda na ulit ang building mo Papa,” aniya sa hangin, kausap ang namayapang ama. Ang masama ay kung sumagot iyon mula sa kabilang buhay. Ang linaw linaw na ng paningin niya. Her operation was so successful and day by day after that, her eyesight gets better and better until today. Hindi niya nireject ang cornea ni Mrs. Greco, at naniniwala siya na para talaga iyon sa mga mata niya. Ang tanong ng mga kaklase niya, hindi raw ba siya natatakot na paray na ang may-ari nun? Baka na lamang daw isang gabi ay mapanaginipan niya o di kaya ay multuhin siya, sabihin na babawiin na ang cornea, kasama pati buo niyang mga mata. Lalo na ang kaibigan niyang si Jillian. Sobra iyon sa kanya kung magbiro. Iyon ang naging kaagapay niya sa buhay simula nang mabulag siya dahil lagi naman silang magkaklase. Kumbaga sa pilay ay naging saklay niya ang taong iyon. “Leigh,” Napalingon ang dalaga nang marinig ang boses na iyon sa likod niya. Nakita niya ang kaibigan na si Jillian, kakamot kamot sa ulo at halatang pagod. “Wala talaga akong mapagbigyan nitong invitation para kay Mr. Greco. Ang hirap hirap pumasok sa building, ayaw akong papasukin dahil wala naman doon naliligaw na Mr. Greco. Puro lang daw sa telepono nakakausap ang boss niya. Ayaw naman sa akin ibigay ang address ng bahay. Confidential daw iyon lalo pa at yun ay isang,” Jillian quoted, “bilyonaryo.” Tinaggap niya ulit ang sobre na iniabot ni Jillian sa kanya. Naaawa na siya sa kaibigan dahil ilang araw na itong pabalik balik doon. Gusto niya sanang si Clive Greco ang mag-cut ng ribbon sa blessing ng kanyang maliit na negosyo pero mukhang mas malabo pa ang hiling niya kaysa sa mata niyang nabulag. Alam niyang mahirap iyon dahil sino nga ba naman siya? Hindi naman siya nun kilala. Siya lang yata ang nag-a-assume na matatandaan pa siya ng lalaki dahil nasa kanya ang mga mata ng namayapa nun na asawa. Gusto niya pa rin makapagpasalamat nang personal at hindi nagbabago iyon mula noon, hanggang ngayon. Ilang taon na siyang curious sa itsura ng lalaking pinagkakautangan niya ng lahat. Malimit siyang maghanap ng mga litrato sa mga sites pero mukhang burado na lahat at mas pinili na lang yata ni Mr. Greco na mag-private. Tumigil ka na, Leigh. Tiningnan niya ang sobre na hawak tapos ay inakbayan niya ang kaibigan. “Lika na, meryenda na tayo. Last attempt na natin ito di ba, kasi sa isang araw na ang blessing. Hayaan na natin si Mr. Greco kung ayaw niyang magpa-istorbo.” “Salamat naman, may pameryenda ka,” anito kaya ang lakas ng tawa ng dalaga. “Ako pa?” aniya naman saka ito akbay na ipinasok sa loob. Sa may side sila dumaan dahil maayos na ang dekorasyon sa main door. Simpleng blessing lang naman iyon. Ang bisita niya ay ang Mama niya, si Jillian at ilan pang mga dati niyang kaklase na hindi bully. Ang mahalaga sa kanya ay mawisikan ng holy water ang loob ng building. “Grabe ano, ang tagal mo ng hina-hunting si Mr. Greco, dalawang na taon na pero hanggang ngayon, wala pa,” ani Jillian nang maupo ito sa isang silya, habang siya naman ay inihahanda ang meryenda nilang dalawa. “Yun yata ang sinasabing hindi mo makikita ang ayaw magpakita, kahit anong hanap.” “Well, kung nasaan man siya, alam naman siguro niya na nakakakita ka na at maganda ang resulta ng operation. Sana isa ka sa mga bihirang tao na nag-undergo ng Keratoplasty na lifetime ng makakakita.” Ngumiti siya. Sana nga. Naiisip niya minsan ay baka pagkalipas ng sampung taon o mahigit ay manlabo ulit ang mga mata niya, pero ayaw na muna niyang problemahin ang hindi pa dumarating, dahil taon na ang binilang na nalugmok siya sa dilim. She wants positivity this time. She doesn’t want her fear to ruin her happiness today. Nakakakita na siya at iyon ang mahalaga sa lahat. “Pero ‘wag na muna natin isipin yun. Ang mahalaga ngayon ay graduate na tayo, may sarili lang negosyo at papunta tayo sa pagyaman,” anang kaibigan niya kaya naman tinanguan niya ito. “Tama. Last na beses ko na rin itong gustong makita si Mr. Greco. Kung magkita kami balang araw, salamat at kung hindi naman di hindi na. Basta alam naman ng Diyos ang pagpapasalamat ko sa kanilang mag-asawa. Ang pangit man isipin na kamatayan ng asawa niya ang kapalit ng pagkakakita ko ulit, ganun siguro talaga di ba?” Naupo na rin si Leigh sa upuan at tinabihan ang kaibigan niya. “Ganoon na nga. Ang mahalaga ay napakinabangan pa ng iba ang cornea ni Mrs. Greco at nakapagbigay sila ng bagong pag-asa sa ibang may kailangan. Baka sadyang hindi lang tayo pinapasin ni Mr. Greco dahil hindi tayo singyaman nila,” anito habang kumakain. Tumango siya bilang pagsang-ayon. Tama ito. Iyon na rin nga ang na-realized niya. It’s about time that she should stop thinking about Clive Greco. Whatever will be will be. ☆☆☆ ▪︎Clive▪︎ Mas lukot pa kaysa sa diyaryong kinuyumos ang mukha ni Clive nang tamaan ang mga mata niya ng ilaw. Hindi iyon galing sa kisame kung hindi mukhang galing sa labas. “What the f**k!!!” sigaw niya kasabay ng pagbalikwas at dismayado siyang tumingin sa bintana na hawal na hawal ang mga makakapal na kurtina. Of all the things that he doesn’t want to do in his room is to open the curtains and let the light in. He hates the light and he wants darkness! “Who the hell opened the curtains?” mainit ang ulo na pinaghihila niya ang mga mamahaling kurtina at inis na iwinasiwas iyon sa sahig. Bumukas ang pintuan, eksakto nang gawin niya iyon at napaatras ang dalawang kasambahay, na magkasamang pumanhik. Matatalim ang mga mata niyang ipinukol sa dalawa. He’s like a beast. He’s a monster in his own mansion. Daig pa niya ang nasa pelikulang Beauty and the Beast, ang pagkakaiba lang ay walang Beauru sa buhay niya. He is alone and the title of his story is just, The Beast. “S-Senyorito…” kandautal na sambit ng kasambahay na hindi pa niya nakikita kailanman. “P-Pasensya ka na iho. Nakalimutan ni Faustina na bawal hawiin ang kurtina. Papalitan ko na,” anang mayordoma na si, Clarita. Hindi ito magkandaugaga sa pagdampot ng mga iwinasiwas niya. “Tulungan mo na ako,” pagalit na sabi ng matanda sa kasambahay na baguhan malamang. “No need,” he declared in his normal icy tone. Napatigil ang mayordoma at napatingin sa kanya. “She better start packing her things now. She’s fired,” tumalikod siya at lumapit na bar counter na nasa loob mismo ng kwarto niya. He saw his reflection in the glass mirror of the cabinets. He looks like a damn beast.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD