Chapter 2
Clive is carefully studying the architectural plan on the monitor. Walang kasindilim ang kanyang kwarto at wala sa kanyang nakakakita, pero ang mga ka-meeting niya ay kitang-kita niya ang mga mukha.
His eyes squinted.
He likes the plan. Malaking pera ang gagastusin sa planong iyon pero gusto niya ang malawak na catwalk para sa negosyo niya. Iba ang magiging hatak nun at siya ang magkakaroon ng pinakamalaking catwalk sa industriya ng fashion modeling. He’s willing to spend money for the new project and he’s into it.
“I like the plan,” Clive said and the presenter abruptly stopped from talking.
“C-Come again, sir?”
“I said, I like it and I want the complete costing for the project. I want to start it as soon as possible.”
“Sir, we haven’t discussed yet the establishments built inside the perimeter of the prospected catwalk.”
Agad siyang nabwisit, “I don’t care about those establishments. I am willing to spend money for it and buy those properties, whoever the owners are. Talk to them immediately and I’ll tell the finance officer to release the fund right away. Tell the title holders that I’ll pay them in cash. Meeting adjourned. I want an update tomorrow afternoon,” aniya na daig ang hari na nag-utos.
He cuts his line and sighed. Once he said it, it has to be done. Mainipin siya ngayon, hindi tulad ng dati na nakakapaghintay siya ng resulta hanggang tatlo o higit pang araw.
Nilaklak niya ang alak mula sa bote at saka siya pumikit. Matutulog ulit siya matapos magpakalasing. Ganoon naman ang routine ng buhay niya at kung wala nga lang siyang negosyong mini-maintain baka mas ginusto na lang niyang matulog habambuhay. Nabubuhayan lamang siya ng dugo ay kapag negosyo ang pinag-uusapan at doon nagiging aktibo ang utak niya.
☆☆☆
Kandahaba ang leeg ni Leigh na nakatanaw sa salaming bintana ng kanyang maliit na building, nakasilip sa venetian blinds.
“Ayan, may papalapit na customer, mga nakaporma,” mabilis siyang umalis doon, nakangiti sa kaibigan.
Unang araw niya sa negosyo, matapos ang blessing nang nakaraang araw. Kung tama siya na ang building niya ang sadya ng lalaking naka three piece suit, baka ang laki ng ipapa-cash in o cash out nun.
Kumatok iyon sa pinto at pagkatapos ay pumasok.
“Good morning,” bati ng lalaking yayamanin.
Nagkatinginan sila ni Jillian at sabay silang ngumiti.
“Good morning po!” sabay din nilang sabi sa customer.
“Where’s the owner of this money changer?”
Napamaang saglit si Leigh sa lalaki. At bakit siya nito hinahanap? Hindi naman niya ito kilala.
“Bakit po?”
“Well, I have an important matter to discuss with her. I’m Xavier dela Costa from GRE.Co.”
She blinked many times but never leaves an eye on the man in front of her. Gre.Co? Parang narinig na niya iyon o nakita na niya simula nang maopera ang kanyang mga mata, hindi lamang niya matandaan kung saan at ano iyon. Para iyong isang Trademark.
“Maupo ho kayo,” aniya kay Xavier dela Costa.
Pormal naman itong naupo sa kanyang malambot na upuan.
“I was here the other day but I guess it wasn’t the right time to talk to you, Miss Sandoval. Don’t be afraid if I know you. I had you background checked.”
Medyo umangat ang mga kilay ng dalaga sa narinig.
“Wala na po pala akong itatago kung ganun,” sarkastiko niyang sagot at medyo napangiti ito.
“Well, hindi naman masama ang sadya ko. I said I am from Gre.Co,” may dinukot ito sa bulsa ng coat at iniabot sa kanya. It’s a calling card.
Gre.Co nga ang nakalagay doon, kasama ang pangalan nito, telephone number at cellphone number.
“Gre.Co is an international fashion company, manufacturing apparels, shoes, perfumes and also a modeling company.”
Ayun! Naalala na niya kung ano iyon at iyon ang kumpanya ni Clive Greco, ang nagbigay sa kanya ng mga mata para muling makakita. Sa card niya nakita ang trademark na iyon, card na may message noong araw na tanggalan siya ng eye pads.
“A-Ano hong kailangan niyo sa akin? Hindi ho ba si Mister Clive Greco ang may ari ng kumpanya niyo?” kinakabahan niyang tanong.
Tumango ang lalaki.
Jusmi!
Nagkatinginan ulit sila ni Jillian.
“Jusko friend, baka babawiin niya ang mga mata ng misis niya!” bulalas ng kaibigan sa kanya kaya nanghihilakbot niyang nasalat ang mga mata.
“Pero bigay na niya ito sa akin!” anaman niya at natawa na nang mahina si Xavier.
“Jesus, no. Don’t panic. It’s not about that. Ikaw ba ang batang pinagbigyan niya ng cornea ng namatay niyang asawa?”
Tumango ang dalaga at ngumiti.
“Well, I’m glad to hear that. Actually, here’s the reason why I’m here. I have another offer to make. Salamat naman at kahit paano may koneksyon pala kayo ni Mister Greco. Tingin ko ay hindi na tayo magtatagal pa sa paliwanagan.”
“Sige lang po, kahit ano.”
“Do you have the title of this land, complete papers I mean.”
“I have po. Sa akin na ito nakapangalan. Maayos po ang lahat ng papel nito at wala akong lapse sa tax. Bakit po?”
“The company wants to buy this.”
Tigalgal si Leigh sa narinig at parang ice cream na nalusaw ang ngiti niya sa labi. Xavier's words echoed in her head. The company wanted to buy her property, the one her dear father left to her and told her that no matter what happens, never ever sell it. Iyon daw ang kaisa-isang alaala ng ama niya sa kanya na hindi niya dapat na iwala, kapalit ng pera o ano pa man.
That piece of land is her father’s legacy. Pawis at dugo ang puhunan ng ama niya para mabili ang lupang iyon kung saan iyon nagtrabaho, saan nakilala ang ina niya at saan siya nabuo bilang tao.
“Lahat ng nanditong establisyemenyo pumayag na, Miss Sandoval. Ito na lamang lupa mo at building ang nakaharang sa proyekto ng kumpanya.”
Anong nakaharang? Kasalanan ba niyang nakaharang ang lupa at building niya? Bakit hindi humanap ang mga ito ng ibang mapagpu-pwestuhan ng sinasabi nitong project.
“Name your price. Our current offer for this one hundred and fifty meters piece of land and building is eleven million pesos.”
Pansin ni Leigh na napakapit si Jillian sa kanto ng counter, “Eleven million?”
Not enough. Kahit magkano pa ay hindi sapat. Kung siya lamang ay sige na kaya lang hindi pwede. Hindi lamang basta lupa iyon para sa kanya, iyon ang ama niya.
Saglit siyang natilihan at para siyang nalito. Ang laking pera ng eleven million at ang dami niyang magagawa roon.
“Pakidala na lang ang mga papeles Miss Sandoval at tawagan mo ako sa number ko. The lawyer will check it and after that, no more discussions, we’ll proceed to the p*****t, in cash.”
“In cash?” namamangha ulit na tanong ni Jillian sa hangin.
Tumango-tango ang dalaga nang tumayo na ang lalaki at tila sigurado na dadalhin niya ang lahat ng kailangan na dokumento.
Inilahad nito ang palad sa kanya.
If this man is more than sure that she’ll agree to his proposal, she’s also more than sure that she’s not going to sell her property.
Leigh held the man’s hand and smiled, “Thank you for the offer sir but no.”
Ito naman ang tila itinulos sa kinatatayuan at hindi nakapagsalita. Kahit na ang tangka nitong pag-alog sa kamay nila ay nabitin pa sa ere.
“W-What?”
“Sabi ko po ay hindi ko po ipagbibili ang lupa at building,” nakangiti niyang sabi rito saka niya binitiwan ang kamay nito.
“B-But eleven million is not a small amount.”
“I know po but I have my personal reasons.”
“Hindi na uso ang ganyn ngayon, Miss Sandoval. Pera na ngayon ang mahalaga at kikita ka pa sa pagbebenta mo nito. Marami kang magagawa sa eleven million,” hikayat pa nito sa kanya na tama naman talaga.
Kung pagiging praktikal ang pag-uusapan, talaga naman milyonarya na silang mag-ina, kung siya lang ang masusunod ay oo kaagad ang sagot niya pero hindi. Hindi niya nakapiling ang ama niya sa halos buong buhay niya at iyon lamang lupa ang naiwan nun para sa kanya. Kapag pinalitan niya iyon ng pera, parang nawala na rin ang bilin ng tatay niya sa kanya.
“It’s still a no, Mister dela Costa. Salamat po sa offer, pakisabi po kay Mister Greco.”
Hindi umimik ang lalaki at pinakamasdan lang ang mukha niya. After a while, he nodded and turned his back on her. Lumabas iyon at sinilip pa niya sa blinds. Sumakay iyon sa kotse, hawak ang cellphone at parang may tinatawagan na kaagad.
“Jusko, gaga ka ba?” biglang tanong ni Jillian sa kanya kaya natawa siya sa kaibigan.
“Leigh, eleven million yun bakit naman tumanggi ka pa? Bakit ka tumanggi sa grasya?” anitong tila dismayado at akmang mahihimatay, “in cash! Haaaaaaay.”
She giggled and shook her head.
“Mas lalaki pa ang value nito, Jill pero wala akong balak na ipagbili. Bigay ito sa akin ni Papa. Dito niya sinimulan ang lahat ng pangarap niya kaya pinahalagahan ko ang bilin niya sa akin at kay Mama. Kung darating ang araw na kailangan kong umalis dito sa Maynila, saka ko ito ibibenta pero sa ngayon, hindi.” Aniya sa kaibigan na parang hinayang na hinayang habang nakatingin sa mukha niya.
“Pero galing sa bumibili ang mga mata mo. Baka kung anong sabihin nun.”
Kumurap siya at medyo nalungkot. Totoo naman iyon at handa naman siyang magbayad ng kahit ano, huwag lang ang isang bagay na mahalaga para sa kanya. Humingi na lamang yun ng iba, wag lang ang lupa. Kung ganoon lang sana kadali na ibigay, kahit libre ibibigay niya kaua lang ay hindi. Alam naman ng Diyos na sobra niyang ipinagpapasalamat ang mga mata na bigay sa kanya ng asawa ni Mister Greco, pero kung kapalit naman nun ang pagkawala ng kaisa-isang bagay na mahalaga hindi lang para sa kanya kundi sa nanay niya, sana hindi na lang siya binigyan ng mga mata. Mayaman naman si Mister Greco at sigurado naman na makakahanap iyon ng bagong mapagtatayuan ng sinasabing project, hindi ang isang lugar na may kapiranggot na building at lupa ang nakakaharang sa sabing plano.
…
Nakangiting pumanhik si Adela sa itaas ng building nang dumating ito galing sa pinagkakaabalahang trabaho. Taga-hanap ang nanay ni Leigh ng mga gustong magpagawa ng tricycle at owner type jeep sa Casa Milano. Kahit may edad na ito ay kumakayod pa rin para sa kanila dahil ayaw naman daw magmukmok sa bahay.
Kakalipat lang nila kahapon sa building, mula sa boarding house. Hindi na sila ngayon nangungupahan dahil ang itaas ng money changer niyang negosyo ang tirahan na nila ngayon. Kahit paano ay malaking katipiran na ang magagawa nilang mag-ina. Iba ang bilihin sa Maynila, kumpara sa probinsya. Sa tulad niyang wala pa namang stable na income, mas mabuti na ang magtipid sila.
“Kumusta ang unang araw, anak?” nakangiting tanong ng Mama niya sa kanya, nagbibilang siya ng kita.
Inilapag ng Mama niya ang dalang ulam sa mesa.
“Maganda, ‘Ma. Karamihan estudyante ang nagpacash-in at cash out sa'kin. Ikaw, ma kumusta ang raket?”
“Nakakuha naman ako ng mga gustong magparepair. Lima yata ang nakuha ko, dalawa at magpapagawa ng tricycle. Binigyan na nga ako ni ma'am ng unang komisyon ko,” nakabungisngis na sabi nito sa kanya.
“Mama, may pumunta pala na lalaki kanina,” aniya habang patuloy sa pagbibilang pero ramdam niyang natilihan ang ina niya.
“Lalaki? Wala naman akong boypren.”
Ang lakas ng tawa ng dalaga dahil sa sinabi nito. Komikera rin talaga ang Mama niya. Alam naman niyang wala itong boyfriend dahil bukod tangi nitong mahal ang Papa niya, kahit na ang relasyon ng dalawa noon ay masasabing, iligal.
“Hindi, ma. Sira ka talaga. May lalaking pumunta nag-aalok na bibilhin itong building at lupa sa halagang eleven million lang naman, barya.” Kunwari sabi niya pero mabilis si Adela na tumabi sa anak sa sofa.
“A-Ano?” kunot noo ito at tatango-tango naman siya rito.
“Eleven million?”
“Oo, mama at sabi basta ihanda ko ang mga papeles ay cash na magbabayad. Gusto mo ba, ma?”
Saglit itong naglipat ng tingin at napako ang mga mata sa center table nilang may flower vase. Hindi si Leigh nagtanong dito ng kahit na ano kung payag ba ito, basta naghihintay siya ng sasabihin nito sa kanya.
Nakakasilaw ang eleven million talaga at hindi na nila paghihirapan na hanapin pa.
Tumingin si Adela sa kanya at parang malungkot ang mukha, “Paano ang sinabi ng Papa mo?”
Bumuntong hininga na lang siya at nagkibit balikat, “Yun din nga ang iniisip ko, ma. Parang ang sakit sa loob baliin ng bilin ni Papa dahil sa pera. Kung ako lang, oo na ako sa milyon kaya lang…yun pakiusap ni Papa sa akin parang mas pa sa milyon. Baka kaya sa akin niya binigay ito mama kasi alam niyang hindi ko ipagpapalit sa pera ang kaisa-isang pundar niya. Ikaw mama?” tiningnan niya ang mama niya na tumango sa kanya at ngumiti.
“Kung anong desisyon mo anak, doon ako. Ako naman papunta sa pagtanda at maiiwan ka. Kung ano ang gusto mo doon ako kasi mahalaga din sa akin itong lupa na ito.”
“Hayaan na natin yun nag-aalok, ma. Hindi na yun babalik dahil sinabi ko na hindi. May titulo naman ako, di nila tayo mapapatalsik dito, saka atin ito. Wala silang magagawa kung ayaw naman natin na ipagbili.”
Tumango tango ang Mama ni Leigh sa kanya, “S-Sinong bumibili anak?”
Saglit niyang itinago ang mga labi bago nagsalita, “Si Mr. Greco, Mama.”
Medyo napaangat ang mga kilay ni Adela pagkarinig sa sinabi niyang apelyido.
“M-Mister Greco kamo?”
“Oo ma,” tango niya sa ina, “Si Mister Greco na nagdonate ng mga mata ng asawa niya.”
“Sa iyo?”
“Oo ma, alangan naman sa'yo,” natawa siya rito at ito naman ay natawa rin sa sinabi niya.
“B-Bakit niya raw binibili, anak? Parang nakakahiya.”
Napakibit balikat si Leigh, “Hindi ko naman siya nakausap, ma. May representative lang ang kumpanya niya. Nakakahiya nga mama kaya lang ayoko naman sirain ang pangako ko kay Papa. Wala naman sa usapan namin na babayaran ko ang mga mata ng asawa niya gamit ang pagbenta ng lupa na pinaghirapan ni Papa. Pwede ko siyang bayaran sa ibang paraan o tulong.”
Tumango tango si Adela sa kanya, “Sabagay, negosyante siya at malamang malawak naman ang isip niya. Hayaan na natin. Makahahanap din sila ng ibang lupa na pwede nilang bilhin. Di naman nawawala ang utang na loob natin sa kanya at alam naman ng Diyos iyon.”
“Tama, Mama kaya kumain na tayo at hayaan na natin si eleven million pesos na isang panaginip. At least may lupa tayo na ganoon ang halaga at lalaki pa sa hinaharap.”
Aniya habang nakatayo at naglakad papunta sa mesa. Praktikal na kung praktikal pero sa ngayon ay wala pa siyang balak na ibenta ang lupa. Malabo pa sa mata ng isang bulag ang tyansa na ibenta niya sa hinaharap.