Chapter 45 TUW

2255 Words

Jhauztine's POV "NATHAN.." tawag ko sa asawa ko nang ihimpil nito ang sasakyan sa tapat ng Monreal Company. Kung ako ang masusunod ay ayaw ko na sanang sumama sa kaniya rito dahil sa totoo lang ay hindi ako kumportable sa maraming tao. Idagdag pang medyo naiilang ako sa mga tao sa kumpanya, hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin nakakalimutan iyong narinig kong usapan sa restroom nang minsan na akong magawi rito. Kaso wala akong choice dahil pagkatapos akong sunduin ni Nathan sa Laguna ay hindi man lang ito nagsabi na didiretso kami sa Monreal Company. "Nathan.." ulit na tawag ko sa kaniya. "Why?" tanong ni Nathan habang nag-aalis ng seatbelt. "Umuwi na lang tayo, puwede ba?" "Iniisip mo bang mangyayari pa ulit iyong nangyari noong huling punta mo rito?" seryoso niyang tanong sa aki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD