Jhauztine's POV KANINA pa naganap ang mainit na sandali sa pagitan namin ni Nathan pero hanggang ngayon nasa utak ko pa rin ang eksenang iyon. Sa katunayan, hindi ko kayang salubungin ang mapanuring tingin ni Nathan sa akin. Kanina ko pa nararamdaman ang mga mata niyang nakatingin sa akin pero hindi ako nagtangkang tingnan siya pabalik. Kahit nang umalis kami sa Village ay hindi ko na siya kinibo, kahit nang makarating kami rito sa hotel na malapit sa airport. Hanggang ngayon na nakasakay na kami sa eroplano ay wala pa rin akog kibo. Mahigpit kong pinaglabanan na huwag mapatingin sa kaniya kahit sulyap man lang. Sinadya kong huwag siyang kausapin hindi dahil galit ako sa kapangahasan niya kanina, kun'di natatakot akong ipagkanulo ang sarili kong damdamin. At aaminin kong natatakot a