***
[Travel]
PAGOD na iminulat ni Miggue ang sarili niya nang maramdaman ang mahinang pagtapik ni Mikee sa kaniya.
"C'mon, andito na tayo sa seaport. Let's go to the yacht.." Sabi pa ng kakambal niya habang bitbit ang kanilang mga gamit. Napahikab pa si Miggue habang inaayos ang buhok na noo'y parang si Sadako sa ayos.
Halatang-halata na wala itong tulog dahil sa pag-gala nito kagabi. "Buttercup, are you fine?" Narinig pa nilang dalawa sa kanilang Inang si Windy. Tinutukoy nito si Miggue na noo'y wala sa ayos at halatang may tila jetlag na mukha.
"She's fine, mom. No worries." Agap naman ng kakambal niyang si Mikee.
"Oh well, paki-alalayan mo na lang sila hon." Pakikisuyo pa ni Windy kay Cloud na noo'y maangas na bitbit ang lahat ng kanilang kagamitan. Tumalima naman ang kanilang ama na noo'y nauna nang ilagay ang mga gamit nila sa yate at doon nga'y tinungo ang gawi ng kambal at effortless na kinarga ang mga ito sa magkabilang braso. For they all know that their daddy Cloud is a solid muscle man, na kahit malalaki na silang dalawa ay tila benebeybe pa rin nito.
"Ahh dad!" Tili pa ni Kisses.
"Dada—!" Tili naman ni Miggue na kumapit lang sa braso ng ama na tila hinihilig pa ang ulo nito. They're like that. Kahit pa minsa'y abala ang ama nila ay hindi pa rin nawawala ang pagiging mapagmahal nito sa kanila.
"Ang bibigat na ng nga prinsesa ko." Impit na sambit ni Cloud sa kanilang dalawa nang malapag na sila sa couch ng yate. Sabay namang hinalikan nila Miggue at Mikee ang magkabilang pisngi ng ama nila.
"Thanks Dad!" Halos sabay na litanya ng kambal sa ama nilang si Cloud. Ngumiti lamang ang ama nilang si Cloud at gaya ng nakasanayan nila'y tag-iisa silang hinalikan sila nito sa punong noo.
Kasunod n'on ay ang kanilang Ina na niyakap mula sa likod ang kanilang ama. Nakangiti silang tiningnan ang masayang mga mukha ng kanilang mga magulang. Alam nilang nagmamahalan ang mga ito na gaya ng nakagisnan nila simula pa noon.
Ni minsan nga ay hindi nila ito nakitang nag-away. They raised with sweet and caring sorroundings by their parents. At iyon ang kinaiingitan ng lahat sa kanilang pamilya. Simple lang at nagmamahalan silang lahat, iyon lamang ay sapat na.
Mayamaya pa'y umandar na ang yate nila at doo'y tabi-tabi silang umupo sa couch habang tanaw ang magandang tanawin ng karagatan. Nag cheers pa sa harapan nila sina mommy Windy at daddy Cloud nila. Uminom rin ang kambal ng cocktail drinks habang tanaw ang masayang mukha ng kanilang mga magulang.
"Cheers!" Pag-uunlak pa nila sa mga ito.
Tumalima naman ang lahat at sabay-sabay na itinaas ang kanilang kopita at wine glass. Masaya silang nagchi-chill sa ganoong ayos habang tinatahak ang distansya papunta sa eksaktong lokasyon ng isla ng Hawaii.
Hahigit isa't kalahating araw ang paglalayag ng yate nila papuntang Hawaii. Si daddy Cloud nila ang nagpaandar ng naturang sasakyan na iyon habang si mommy Windy naman nila ang sidekick locator ng daddy nila.
Maingay na nagtitilian sina Mikee at Miggue sa deck ng yate habang naglalaro ng ping-pong sa kanilang gaming area. "Habol—!" Tawa pa ni Miggue sa kakambal niyang si Mikee na noo'y tagaktak ang pawis habang trying-hard na humahabol na maka-score sa nilalaro nilang game.
Hanggang sa sumandal sa may railings si Mikee at naghahabol ng hininga habang inabot ang bottled water. "Time!" Singit pa nito sa kakambal niya.
"Okey ka lang?" Ani Miggue na halatang nag-aalala sa kakambal.
Tumango-tango lang si Mikee at ngumiti.
"Game.." Pagbabalik pa ni Mikee sa kakambal niya habang pasimpleng tinapik ang balikat nito.
Nagsibalikan ang dalawa sa paglalaro sa mga oras na iyon nang bumungad ang mommy Windy nila. "Pumpkins..snack muna kayo." Anito habang dala ang isang tray ng muffins at baked macarons na specialty ng mommy nila.
"Thanks mom!"
"Salamat po.." Sabay-sabay na sambit ng dalawa sa kanilang Ina. Agad namang dinamdahan nila ang tray at naupo sa center metal table na nasa kalapit na couch ng deck.
Sabay na naupo ang mag-in habang sinisimot ang bagong lutong snack.
"Uhhmm.. Ang sarap mom, the best ka talaga!"
Bibong sambit ni Miggue sa Ina habang hindi magkamayaw sa pagkain na hawak niya.
"You're the best cook ever, mom." Dugtong pa ni Mikee sa Ina habang hindi rin magkamayaw sa hawak-hawak niyang macaron.
"Thanks, pumpkins." Ani Windy sa mga anak na napapangiti na lamang habang sinisipat ang kanyang mga anak na kambal. Kay bilis kasi ng panahon at heto nga't malalaki na ito ngayon. Windy staired Miggue like her same type vibe teen, may pagka boyish ang galaw at medyo outregeous sa kaniyang pananalita at galaw. Habang si Mikee naman ay may pagka-Claudio o si Cloud na ama nila. Napapangiti na lamang si Windy habang napapaisip sa kaniyang mga anak na magkapareho halos ng mukha at pangangatawan pero parang isang milya ang pagkakalayo ng kani-kanilang mga attitude at mga gusto sa buhay.
Hindi alam ng mga magkapatid na may mga plano na sila ni Cloud sa kanila sa susunod na pagkakataon. They aren't capable for suiting themselves to whom they wanna be. Para kasi kina Cloud at Windy, mas mainam na ang makakatuluyan ng kanilang mga anak ay ang mga malalapit na pamilya at kaibigan ng kanilang pamilya. At dalawa doon ang nakatakda na kina Miggue at Mikee.
"Pumpkins.. Please remember na mahal na mahal namin kayo ng papa ninyo. Okey?" Ani Windy na kapwa inabot ang mga mahahabang buhok nila Miggue at Mikee habang sinuklay-suklay iyon ng kaniyang kamay.
"We know, mom." Halos sabay na bigkas nila Mikee at Miggue. They have that solemn moment together until they heard the yacht signal through radio voice from their dad.
"Babies.. We're here already. Please be prepared." Si Cloud na naririnig nila sa signal radio na nakalagay sa may beywang ng sinturon ng kanilang inang si Windy.
Kinuha naman iyon ni Windy at sinagot. "Copy, captain.." Nakangiting sambit ng kanilang Ina sa kanilang ama sa kabilang linya.
They're now exactly at Hawaii, ang kanilang gateaway vacay place—sa resort ng mga Driblim.
..itutuloy.