***
[SIMULA]
MAYABANG na hinubad ni Miggue ang kaniyang helmet na noo'y dahilan upang malaglag ang kaniyang mahaba't alon-alon na buhok. Nagsisigawan ang lahat ng kaniyang tropa sa kabilang banda habang walang humpay naman na umuugong ang ibang motor na hindi pa nakakarating sa finish line.
As always, Midnight Green Romero trash her dirt to those trying hard riders who wanted to beat her down. Walang panama ang lahat ng nasabing kalahok sa three minutes and six seconds na flash elapse niya sa one hundred meter dash na pagpapaharurot ng kaniyang BMX black phoenix na motor na minana pa niya sa kaniyang amang si Cloud Romero. As a Romero dominant blood, she had all the criteria to nudge in her fist those low-profiled folks in all terms. Mapa-karera, sa studies at sa kaniyang personal stuffs na isang alta-society heiress. Nasa kaniya na ang lahat. Yaman, kagandahan, katalinuhan at pamilyang halos sinasamba sa pulo ng Cebu.
Her daddy Cloud owned the largest seaport in the said island. Habang ang mommy Windy niya ay isang philanthropist na tumutulong sa kahit anong kawang-gawa mapalabas o loob man ng bansa. They are just like that. Well, sabi kasi ng lolo Storm at Lola Summer nila noon, mas mabuti raw na magtanim ng mabubuting binhi para raw may aanihin rin na positibong tagumpay balang araw.
Bilang isang Romero, Midnight Green had to elevate herself to someone na dapat may mapatunayan, gaya ng mga pinsan niyang sina Avery at Ashley na may mga magaganda nang trabaho ngayon. Samantalang ang anak naman ng tita Cali at Tito Ace nilang sila Anna Lyse at Anna Rose ay may kaniya-kaniya na ring diskarte sa pag-abot ng mga pangarap nito. All their comrades are step higher beyond perfection, so they were.
Sila ng kakambal niyang si Mikee ay may kani-kaniya ring landas na tinatahak, at heto nga siya bilang isang sikat na karerista ng bansa. She is more prone to that lifestyle.
Mausok, maputik, magulo at pinapalibutan ng iba't ibang engine ng motor o sasakyan. She's a graduate of Mechanical Engineer and she proceed to master some Exterior Engine Chemist. Wirdo mang pakinggan na ang isang dilag na gaya niya ay nasa ganoong bucket of list, well, ganoon lang talaga siya.
She's out of sweet-flavoured na kinasanayan ng angkan nila. Mas ang kakambal niyang si Mikee ang nasa ganoong style. Tipid, mahinhin at binibining-bini kung kumilos. Siya naman ay spicy and hot, she's more outrageous at pakawalang dalaga na mas nanaisin na masugatan at madumihan.
The more it hurts, the more it's cooler to endure. Nasanay na kasi siya sa ganoong bagay. Siya lagi ang inaasahan noon sa kanilang dalawa ng kaniyang kambal. Mas brusko at palaban siya kung maituturing at mismong nagtatanggol sa kaniyang may pagka-prone sa bullies na si Miggue. She's her knight in shining armour sa kakambal niya.
Kung may ayaw man si Miggue sa tanang buhay niya, iyon ay ang inaapi at sinasaktan ang kakambal niyang si Mikee, mahal na mahal kasi niya ang kapatid niyang iyon. Sabi nga dati ng momy Windy niya sa kanila noon muntik na raw silang mawala na tatlo dahil sa kumplekasyon sa panganganak ng mommy nila. Pero himalang nabuhay sila dahil sa dasal ng kanilang mapagmahal na amang si Cloud. And that's why they treasured each other, aside sa pagiging kambal, kakosa rin kasi niya si Mikee sa lahat ng trip niya at isa na doon ay ang pagtakas niya sa mansion nila para lamang makipagkarera sa dis-oras ng gabi.
Nang makuha na ni Miggue ang kaniyang trophy ay masaya niyang itinaas ito at sinipat ang kaniyang budbro na si Shigoy.
"Shin! Panalo!" Sigaw pa niya sa tropa na naka-thumbs up pa.
Tanging pagsipol lamang ni Shigoy ang narinig niya at malakas na palakpakan ng kanilang grupo. "Ang galing mo 'tol!" Sigaw pa ni Shigoy sa kaniya na ikinukumpas pa sa ere ang kaniyang hinubad na T-shirt at tila pinagyayabang sa madla na tropa siya nito.
Shigoy Dela Cuesta is Midnight's tropa since elementary to high school to college. Kung may nananalaytay siguro na dugong Romero ang kaibigan niyang iyon, siguro'y triplets na maituturing sila ng kapatid niya at kaibigan niyang iyon. Pero, siya lang ang close ni Shigoy. Hate na hate kasi ni Mikee o Morning Kisses si Shigoy dahil mahangin daw ito at may pagka-hambog. They aren't qualified to fit each other's trip.
Manang kasi ang turing ni Shigoy sa kakambal niyang si Mikee, which is true. May pagka-sinti rin kasi minsan iyon at hindi ma-spelling ang ugali. But aside of that fact, mahal na mahal ni Miggue ang dalawang tao na malapit sa puso niya. They are her treasure na hinding-hindi niya ipagpapalit sa kung anuman.
Isa-isang nilamano ni Miggue ang mga hurado sa contest na iyon at masayang nagpasalamat sa kaniyang mga kaibigan. Pasado alas dos na ng madaling araw natapos ang karerang iyon na siyang muntik nang makalimutan ni Miggue. Dapat kasi'y ala-una pa lang ng madaling araw ay naroroon na siya sa kanilang mansion dahil maaga silang mag-a-outing ng kaniyang mommy at daddy, she'll be with a blast now sa kakambal niyang si Mikee, alam na niyang nag-aalburuto na ito ngayon sa galit.
Patakbong tinungo ni Midnight ang tropa niyang si Shigoy. "Shin! Dalian natin, ihatid mo 'ko sa bahay dali!" Aligagang sambit pa ni Miggue na nagpapalit ng damit sa harapan ng binata. Wala nang malisya sa kanila ang ganuong bagay dahil halos magkapatid na ang turing nila sa isa't isa.
"Bat ba kasi nagmamadali ka?"
"Tangena 'tol! 'Diba sabi ko mag-a-outing kami ngayon nila daddy. Kapag nakita nila si Mikee na nag-iisa ngayon sa kwarto namin, lagot ako 'don!"
"Hindi mo pa rin ba sinasabi?"
"Ayoko pang sabihin.."
"Ha? Bakit ba kasi?" Wala sa isip na tanong ni Shigoy sa kaibigan.
"I just want to be known anonymously and let my achievement makes the roar.." Sabi pa ng dalaga na tinatapik ang balikat ng kaibigan.
"Sige na, ihatid mo na ako. Tapos ikaw na ang bahala ni Bebe ko." Sabay pasa sa susi ng kaniyang motobike kay Shigoy.
"Fine. Masusunod kamahalan, kung 'di lang kita bossing, siguro'y inupakan na rin kita." Ngising sambit ng binata.
"Aba! Baka gusto mong mabugbog ng kapatid mo?" Pag-aalma pa ni Midnight kay Shigoy.
Kapatid kasi ni Shigoy ang boyfriend ni Midnight. At iyon ay si Sherwin Dela Cuesta. Maglilimang taon na silang mag-jowa at tanging si Mikee at Shigoy lang ang nakakaalam sa kaniyang pakikipag-nobyo kay Sherwin.
Sa edad niyang dalawampu't tatlo ay napaka-istrikto pa rin ng daddy Cloud nila sa mga ganoong bagay. Ang sabi ng daddy niya noon, ang pag-ibig daw ay nakakapaghintay at kusang dumadating. Hindi raw dapat minamadali ang mga ganuong bagay. That's how they learn on both parents they have.
Isang mahigpit ngunit sweet na daddy nilang si Cloud Romero at ang kanilang outrageous at supportive na mommy Windy nila. Masasabi nga nilang nagmana raw siya sa Ina nila na sobrang adventurous at palaban sa buhay, habang si Mikee naman ay may pagka-Claudio the second.
They're both balance and that's how they deal each things in order.
Nang makarating na sila sa mansion ng Romero ay dahan-dahang pinatay ni Shigoy ang makina ng motor niya at tinahak ang gate ng likod bahay nila Miggue. Inakyat niya iyon at binuksan sa looban. Nang mabuksan na niya ito ay agad namang pumasok si Miggue ay mala-ranger scout na naglakad sa harapan ng kanilang balkonahe. Nakasentro ito sa kanilang kwarto. Sumipol lamang si Miggue bilang secret sign nila ni Mikee na nandoon na siya. Agad namang pinagbuksan ni Mikee ang kakambal at noo'y padabog na ihinulog ang isang kumot upang maka-akyat si Miggue sa taas. Sa tulong na rin ni Shigoy ay maingat na naka-akyat si Miggue sa kanilang balkonahe.
"Salamat Shin!" Sabi pa ni Miggue sa mahinang boses.
"Basta ikaw kurog ko" [Basta ikaw, nanginginig ako..] Sabi pa ni Shin sa kanilang bernakyular na lengguaheng bisaya.
"Abno!" Hirit pa ni Miggue sa binata.
"Tch." Litanya naman Mikee sa kakambal niyang si Miggue. For she know that they're making some 'cheezy-pick-up' lines.
Pinandilatan lang ni Miggue ang kakambal at noo'y dumeretso na banyo.
Malayang nakabukas iyon kaya sinundan lamang ni Mikee ang kakambal at nag galit-galitan dito.
"Bat ang tagal mong umuwi ah?" Pagsisimula pa ni Mikee sa kakambal.
"Ugh. Don't be pissed off again 'lil sis, wait lang may good news ako." She happily said to her twin. Kasabay n'on ay ang paglahad niya sa kaniyang trophy at mayabang na naglakad papunta sa kaniyang tokador.
"I won," she said proudly while raising her arms infront of her sissy na animo'y gustong magpa-yakap.
Lumapit naman si Mikee sa kaniya at noo'y niyakap siya ng mahigpit. "You're awesome sis.. Congrats!" Sabi pa ni Mikee sa mababang boses habang yakap-yakap ang kakambal.
A few minute later ay sakto namang may pumasok na kung sino sa kwarto nila.
"Good morning pumpkins!" Si mommy Windy nila na parang handang-handa na sa kanilang vacation trip.
"Mom.." Sabay na sambit ng kambal at noo'y niyakap nila ito ng mahigpit.
Agad namang tinago ni Miggue ang tropeo sa kung saan upang hindi mahalata ang bagay na iyon. Kasunod n'on ay ang pagdating rin ng kanilang amang si Cloud na nakaporma na rin ng Hawaiian shirt at shorts na pang vacay.
As of this time kasi, pupunta sila sa Hawaii to visit their uncle Flinn and tita Darlene. Nami-miss na rin kasi nila ang mga pinsan nilang sina Triz at Vio.
...itutuloy.