CHAPTER 7 - LISA POINT OF VIEW

1100 Words
"Lisa, relax. Ba't ka iyak nang iyak? Mabuti nga at may chance ka pang makasama siya kahit ngayong araw na lang. Sulitin mo na 'to. Tama na ang kakaiyak." Pinilit kong lokohin ang sarili ko. Mapait akong ngumiti sa salamin habang tinitignan ang kabuuan ng suot kong damit. Bago ako lumakad para magsuot ng sandals ay pinunasan ko muna lahat ng luhang tumutulo mula sa mga mata ko. Nakakalungkot isipin na ito na ang huling beses na makakasama ko ang taong mahal ko. Ito na talaga ang huli at hindi ko mapigilang umiyak. Inenjoy ko muna ang pag-iyak bago ako tumingin ulit sa salamin at ayusin ang nagusot kong damit. Huminga ako nang malalim at pinilit na muling ngumiti. "Nandito na siya." Sumilip si Layla sa pinto ng kwarto, may dalang tray kaya nahiya ako nagmadaling lumabas. "Pababa na kamo ako," sagot ko. "Ang gwapo. Sure ka bang sasama ka? Baka hindi ka na makauwi." "At bakit naman?" "Baka kasi mamaya hindi ka na bumitaw sa kanya." "Ewan ko sa'yo. Bumaba ka na do'n." Pabiro akong umirap bago ko damputin ang maliit kong shoulder bag. Dumaan muna ko sa salamin bago tuluyang bumaba. Ito na ang huli naming pagkikita kaya naman dapat lang na maganda ko, 'di ba? Kahit hindi siya manghinayang na pinakawalan niya pa ko, basta magandahan lang siya. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko nang matanaw ko na si Jayson. Tama nga si Layla. Sobrang gwapo niya ngayong araw. Iba ang hawi ng buhok niya, pang malakasan ang dating. Bigla ko tuloy naalala 'yung araw ng kasal naming dalawa. Tapos nakasuot pa siya ngayon ng puting shirt. Hay, Lisa, paano ka na ngayon? Ikaw yata 'tong nagkamaling pinakawalan mo pa siya. "Hi." Pagngiti niya sa akin na ikinagulat ko. Muntik na kong mahulog sa hagdan, mabuti na lang at nakakapit ako. "Anong ginagawa mo?" "W-wala.. Minsan talaga ganito ko." "Tatanga-tanga?" masungit niyang tanong kaya nawala ang ngiti sa labi ko. Kunyari na lang akong tumawa nang muli niya kong tingnan. Inalalayan niya ko pababa at binitawan din agad. Nakakapanibago sa pakiramdam na magkasama kami ngayon sa loob ng sasakyan. Amoy na amoy ko 'yung pabango niyang gamit mula dati. Hindi ko maiwasang mangiti habang pasulyap-sulyap sa kanya. "Gusto mo bang kumain muna bago pumunta do'n?" Lingon niya sa akin. "Sige, ikaw ang bahala," nangingiti kong sagot. Dumaan lang kami sa drive thru kaya napatingin ako sa kanya. Akala ko kakain kami sa labas pero hindi pala. "'Wag kang tumingin nang ganyan," abala niyang sabi, kinukuha ang mga binili namin. "Paanong tumingin? Nagugutom lang ako," palusot ko. "May girlfriend ako. Hindi tayo pwedeng makita ng mga tao. Baka mamaya may makakita sa atin at mag-isip nang masama." "Grabe maka-explain, ako nga asawa mo, eh, pero nag-girlfriend ka," wala sa sarili kong sabi. Agad niya naman akong sinulyapan nang may pagkasuplado saka umirap na tila ba napikon sa sinabi ko. Syempre pagkatapos no'n tumahimik na ko. Takot ko na lang na hindi kami matuloy sa pupuntahan namin. Kilala ko 'yan, pikon. Pagdating namin sa amusement park, tinitignan-tignan ko siya kasi napakaseryoso tapos minsan kumukunot pa ang nuo na para bang iritable. Kaya nanahimik lang tuloy ako. Sumakay naman kami sa rides kaso ang pangit niyang kasama. Hindi man lang nagre-react kahit doon sa roller coaster. Ba't nag-aya pa siya dito, 'di ba? Mas pinapahirapan niya lang ang damdamin ko. "Ito na ang huling papasukan natin." Ngumisi siya sa akin kaya napalaki ko ng mga mata. Binalik ko ang tingin sa sinasabi niya at nakita ang horror house. "Halika na." Pilit niya at sapilitang hinawakan ang isang braso ko saka ako hinila papasok sa loob. Bigla kong pinagsisihan na sumama ko sa kanya dito. Agad akong kinilabutan. 'Di ko masabing ayoko sa mga horror house. Pero mahigpit ang hawak niya sa braso ko papasok kaya naman 'di na ko nakaimik at lumalakad na lang paabante. Ibang Jayson ang nakasama ko sa loob, nakapagtataka. Kanina pa ko sigaw nang sigaw pero siya, dahan-dahan lang siyang lumalakad habang nakapikit ang mga mata. Sa pagkakatanda ko, hindi siya takot sa ganito, ako lang kaya hindi ko maiwasang magtaka sa pagpikit niya. Halos nakayakap na ko sa kanya dahil sa takot pero hindi niya pa rin ako sinusungitan o kaya ay pinapagalitan. Dahil ba madilim at walang makakakita sa amin? "Ito na yata ang huling araw ko sa mundo," hingal kong reklamo, medyo paos dahil sa kakasigaw. "Ayos ka lang ba?" Ngiti niya naman sa akin habang inaabutan ako ng tubig. Agad ko 'yong kinuha at ininom. Pinaka ayoko talagang pumasok do'n. "Possible bang sa horror house tayo unang nagkita?" bigla niyang tanong sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya. Halos maibuga ko pa nga ang iniinom ko sa sobrang gulat sa tanong niya. "Paano mo nalaman?" "Oo o hindi lang naman ang sagot sa tanong ko." "Oo," alangan kong sagot kasabay ng mabagal na pagtango. May naaalala na ba siya? Bakit kung kailang pinalaya ko na siya saka siya nagkakaganito? May pag-asa pa ba talaga? "Bakit parang ang tahimik mo kanina pa?" tanong ko dahil sa katahimikan naming dalawa. Lumalakad na kami ngayon pabalik sa parking lot. Kanina pa tahimik si Jayson at ako naman ay walang masabi. "Wala naman." "May nasabi ba kong mali kanina?" taas kilay kong tanong. "Wala. . .wala.." mahina at mabagal niyang sagot. Huminto siya kaya naman napahinto rin ako. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinimas-himas na para bang may iniisip. "Lisa!" Napatingin kaming pareho kay Robi. "Bakit siya nandito?" taka kong tanong sa hangin. Nailang ako sa pagtingin ni Robi, bumaling siya ng tingin sa mga kamay namin ni Jayson kaya naman ako ang unang umalis sa pagkakahawak. "Halika na umuwi na tayo." Biglang hila sa akin ni Robi. Kaya naman kinawayan ko na lang si Jayson habang papasok ako ng kotse ni Robi. Wala namang expression ang mukha niya. Pumasok lang din siya sa sasakyan niya at sabay pa nga silang nagpaandar. Siguro nagi-imagine lang ako na may naaalala na si Jayson. Sabi nga ng doctor, imposible na raw na maalala pa ko ni Jayson. Kaya naman siguro tama lang na lumayo na ko para maging masaya na siya. "Bakit kasama mo siya?" "Hmm?" Napalingon ako kay Robi. "Inaya niya kasi ko." "Lisa naman, ex-husband mo na lang si Jayson, 'di ba? Saka sabi mo kakalimutan mo na siya? So, ano 'to ngayon? Kayo na ulit?" tuloy-tuloy niyang tanong na para bang boyfriend ko siya at nahuli niya kong nangangaliwa. "Siguro closure na lang namin 'yon. 'Wag ka namang magalit nang ganyan," pabiro kong sabi saka siya tinawanan. "Sobrang seryoso naman nito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD