"Pasalamat ka at walang nangyaring masama sa kasal natin kung 'di yari ka talaga sa'kin." Inambaan ko siya ng kurot sa pisngi na madali niyang naiwasan. Tumawa siya saka hinawakan ang magkabilang kamay ko. Nilapit niya ang mukha niya sa akin saka nagtanong nang pabiro, "bakit tingin mo ba may pipigil ng kasal natin?" "Oo, babaero ka kaya," biro ko. Yumakap naman agad siya sa bewang ko saka pinatong ang baba sa balikat ko. "Wow naman. Gwapo lang pero ikaw lang ang mahal." Parehas kaming natawa. Pinilit kong idilat ang mga mata ko. Hinang-hina na ko dahil sa hindi nila pagbibigay sa akin ng pagkain sa tamang oras. Hindi ko pa rin kilala ang may pakana nito pero bakit gano'n? Bakit ayaw niya na lang akong ipapatay? Kung may galit siya sa akin, hindi ba dapat tapusin niya na lang ang buh