GUSTONG maiyak ni Bernadette dahil siya na nga ang nawalan siya pa ang sinisi ni Fernan sa nangyari sa kanilang dalawa. Sobrang nasaktan siya sa mga sinabi nito laban sa kanya. Pero ano nga ba ang magagawa niya kung kahit ano’ng gawin niya mabuti man o masama siya pa rin ang lalabas na may kasalanan.
Saka hindi naman siya ang may-ari ng bahay na ito dahil nakikitira lang siya sa bahay ni Fernan. Kaya may karapatan itong sigawan siya o sabihan ng masasakit na mga salita. Ano’ng karapatan niyang magreklamo?
Naiinis siya sa kanyang sarili dahil sa kabila ng pagpapakita niya sa kanya ng masama ngunit siya pa rin ang itinitibok ng kanyang puso. Tanga nga ako dahil nagmamahal ako sa taong mapanakit ng damdamin at manhid.
Napatingin siya sa Mommy ni Fernan. Masayang ito habang tinuturuan niyang magluto. Niluto niya ang paboritong ulam ni Fernan. Ang pochero. Naalala niya bigla ang kanyang ina noong nabubuhay pa ito. Iyon ang palaging niluluto sa tuwing dumarating si Fernan galing ng manila. Nagbabakasyon lamang ito kapag wala ng klase. Tumira siya sa Manila. Tuwing weekend dito siya sa Laguna naglalagi.
“Thank you, hija sa pagtuturo sa akin ng mga secret recipe mo. Magluluto ako sa bahay at ipatitikim ko sa mga amiga ko,” nakangiting wika ni Mommy Lilly.
“Hija, alam mo bang na-miss ko ang mga luto mo. Salamat at tinuruan mo ako sa pagluluto. Nagpapasalamat rin ako sa pag-aalaga mo sa anak ko. Pasensya ka na kung sinusungitan ka niya palagi. Alam mo naman na nagmo-move on pa ‘yun sa breakup nila ni Isabella. Sa totoo ayoko sa babaeng iyon. Ikaw ang gusto ko para sa anak ko. Mabuti kang babae at hindi mo lolokohin ang anak ko.” Napangiti ako sa tinuran niya.
“Salamat po, Tita, sa lahat ng tulong mo sa akin mula ng mamatay si Nanay. Tumatanaw lang po ako ng malaking utang na loob sa kabutihan niyo sa akin.” Umiling si Tita sa sinabi niya.
“No, hija. Wala kang dapat ikatanaw ng utang na loob sa ginawa ko. Itinuring na kitang anak kahit naman noong buhay pa ang Nanay mo. Naging mabuti siya sa amin kaya sinusuklian ko lang ang mga ginawa niyang kabutihan.” Nilapitan siya at hinaplos ang buhok niya. Hindi man siya kamag-anak kung ituring siya ay parang tunay na anak.
Nangilid ang luha niya nang maalala ang namayapang ina. Sariwa pa din sa kanya ang pagkamatay nito. Wala siyang magawa ng iwan niya siya. Wala na siyang ibang kamag-anak dahil nasa visaya ang ilang kamag-anak ng kanyang ina.
“Bago mamamatay ang Nanay mo ibinilin ka n’ya sa akin.” Pinahid niya ang luhang pumatak sa pisngi.
Hindi niya alam kung paano sila mapasasalamatan. Nahihiya nga siya dahil pakiramdam niya’y nagagalit sa kanya si Fernan dahil sa kanya binubuhos ng ina ang pagmamahal na dapat sa kanya.
Wala kaming ginawa ng Mommy ni Fernan kung hindi magkwentuhan at magluto ng kung ano-ano kaya hindi namin namalayan na gabi na. Nagpaalam na rin ito na uuwi na. Hindi na hinintay pang dumating si Fernan. Alam na daw niyang gabi na makakauwi. Hihintayin niya na lang sa sala si Fernan. Pinagkaabalahan niya ang panonood ng TV.
Hindi niya mapigilan ang mapapikit ng mga mata dahil kusa ng sumasara ang kanyang mga mata. Hindi na niya maintindihan ang pinapanood dahil sa matinding antok.
Nakarinig siya ng paghinto ng sasakyan kaya tumayo siya upang silipin kung si Fernan na ba ‘yon. Binuksan niya ang pinto. Nakita niya si Fernan na pababa ng sasakyan at mukhang lasing base sa paglalakad nito na pagewang-gewang. Ano na naman kayang pumasok sa utak ng lalaking ito naglasing na naman?
“Bakit ngayon ka lang umuwi? Sana hindi ka uminom, lasing na lasing ka. Delikado pa naman ang magmaneho ng nakainom,” sabi ko. Hindi ito nagsalita at napangisi lang habang mapungay ang mga matang nakatingin sa akin.
Kahit nabibigatan inalalayan niya itong maglakad papasok sa loob ng bahay.
“Hindi ako lasing, hon. Masaya ako dahil nakita kita,” napaiiling na lang siya sa sinasabi nito.
Paanong masaya siya na nakikita ako? Panay niya akong binubulyawan. Lasing na talaga s’ya.
Pinahiga niya sa kama ang lasing na si Fernan nang makarating sa loob ng silid nito. Inalis niya ang sapatos nito at pati ang long sleeve. Papalitan ko na lang ng t-shirt. Kumuha siya ng damit sa closet. Kait hirap inalis niya ang sinturon upang makaginhawa ito sa pagtulog. Nagdadalawang isip pa siya kung aalisin ang pants nito. Nagpasya siyang hindi na lang at baka mahirapan lang siya.
“I love you so much. Don’t leave me,” sabi ni Fernan kaya napatitig siya sa kanya.
Ako mahal niya?
“Why did you choose that jerk over me, Isabella? You didn’t deserve him! I have to be the one you choose because I will truly love you. I will not make you cry or cause you pain. I will accept your children as well. I will love them as if they were my own child.”
Napaiyak si Fernan. Kita ni Bernadette ang paghihirap ng kalooban nitong nasasaktan. Hindi niya maiwasang mainggit kay Isabella dahil mahal pa rin siya ni Fernan kahit iba ang pinili nito. Bakit hindi niya siya kayang mahalin? Hindi niya ito sasaktan dahil mahal niya ito.
Tumulo ang luha niya.
Hanggang kailan mo matatanggap at mamahalin ako Fernan? Hindi kita sasaktan kahit sobra mo akong sinasaktan. Ibibigay ko ang lahat kahit walang kapalit. Kahit magpakatanga ako ay ayos lang, basta nasa tabi lang kita. Mahal na mahal kita Fernan.
Napahawak siya sa kanyang dibdib, nasasaktan siya ng sobra. Pumatak ang masagana niyang luha.
NAGISING si Fernan na parang pinukpok ng martilyo ang kanyang ulo sa sakit. Naalala niyang naglasing siya sa bahay ng kaibigang si Gavin at sina Delfin at Hanz. Ang wala lang si Leonardo.
Napatingin siya sa katawan niya. Nagtaka siya dahil iba na ang kanyang damit. Parang alam na niya kung sino ang nagpalit sa kanya. Napabuntonghininga siya. Tumayo na siya upang pumasok sa bathroom upang maligo. Kahit hindi maganda ang kanyang pakiramdam ay nagpasya siyang pumasok. Kailangan niyang pumasok dahil madaming naka-schedule na meeting.
Nang pumasok siya sa kusina upang kumain. Nadatnan niya si Bernadette na naghahain ng almusal. Hindi niya ito pinansin at umupo sa silya. Kinuha niya ang kape na nasa tapat ko at ininom iyon. Tahimik lang siyang kumain.
“F-Fernan m-magpapaalam lang sana ako mamaya. May pupu -”
“I don’t care kung umalis ka. It's much better I can’t see your f*****g face! You don’t have to say when you leave. Leave if you want!” sigaw niya rito na ikinabigla nito. I stood up and did not even look at her. She was ruining my day.
Napakamanhid talaga ng babaeng iyon. Hinding-hindi niya ito mamahalin. Tanging si Isabella lang ang nasa puso niya!
Gustong maiyak ni Bernadette dahil sa sinabi ni Fernan sa kanya. Wala ba siyang kuwenta para sa kanya? Ano bang ginawa niya at gayon na lamang ang galit niya sa kanya?