Chapter 16

1248 Words
Chapter 16 Charles Pov Dumaan ako sa bakery para bumili ng banana cake. Nabanggit kasi ni Pancho dati na paborito ng ate niya ang banana cake. Peace offering para sa nagawa ko kanina. Napangiti ako ng bahagya ng maisip ko na naman ang nangyari sa office ko. I cant wait to see her. Inabot ko ang bayad sa kahera ng bakery at umalis na din. Nagdrive na ako ulit papunta sa malapit na paradahan ng mga motorsiklo. Nakatshirt lang ako, basketball shorts at rubber shoes. Dinala ko ang maliit na bag na may laman na banana cake at pamalit ko na damit. Maganda ang lugar na tinatayuan ng bahay ng mga Guerrero. Magaling ang namumuno kaya naman palagay ako na hindi mawawala ang motor ko. May parking area sila malapit sa barangay na madadaanan papunta sa residence nila Clau at laging may nagbabantay. "Magandang hapon po Tay" bati ko sa Tatay nila Clau. Nasanay na ako na Tatay ang tawag dito dahil parang kapatid ko na din ang dalawang malilit na lalaki "Magandang hapon Charles, maglalaro ba kayo? " bati pa ni Tatay at tanong niya "Opo, pinarada ko lang po yung motor ko sa barangay. Ingat po kayo sa pamamasada." matipid kong sagot "Sige, dahan dahan ha. Saka pagkaluto ng hapunan sumabay ka na din sa amin bago ka umalis. " mabilis niyang sabi at umarangkada na gamit ang pamasada nyang motor Naglakad na ako papunta sa bahay nila. Nakasarado ang gate pero nakabukas ng bahagya ang pinto sa harap,marahil ay nakalimutan isara ng Tatay paglabas kanina. Nagvibrate ang cellphone ko 1 message received From Pancho Charles! Andito na kami sa likod bahay. Pakidaanan nalang yung bola sa taas ng mga kaldero sa kusina tapos diretso ka na dito. Nagtipa muna ako ng message. Kakadating ko palang. Sige, kukunin ko na muna tapos sunod na ako jan. Sent Dumiretso na ako papunta sa kusina. Nakita ko siya at dahan dahan na naman akong nabibingi sa lakas ng pintig ng puso ko. Nasa may pinto pa lamang ako, nakita ko siyang uminom ng gatas sa baso na ngayon ay hinuhugasan na niya. Nilapag ko sa mesa ang dala kong paper bag. Marahil ay narinig nya ang hakbang ko kaya naman napalingon siya sa gawi ko na medyo nagulat. "Ay palaka!" sabi pa niya na muntik na mabitawan ang baso na hinuhugasan niya kanina Agad kong inabot ang kamay nya para suportahan ang baso na muntik ng mahulog. "Sorry. Kung nagulat ka. Hindi ko naman sinasadya yung nangyari" mahina kong sagot habang nakatingin sa kanya I was like a tower to her. Nakatingala lang siya sa akin. Napansin ko na may naiwan na milk sa pang itaas nyang labi. Tinaas ko ang dalawang kamay ko para abutin ang bola na inutos ni Pancho kanina pero hindi pa din ako naglilihis ng tingin. Napapikit siya ng madiin sa ginawa ko. Akala siguro niya ay sasaktan ko siya. " Babe, may kinuha lang ako sa taas. You dont have to be afraid. I won’t hurt you" bulong ko pa sa kanya pagkatapos kong makuha ang bola Nakatalikod pa din siya sa lababo at nakaharap ako sa kanya. Nagmulat na siya ng mata at tumingin ng napakadilim sa akin. "Ganyan ba talaga kayong mga halimaw? Gagawin niyo ang gusto nyong gawin?" masungit pa nyang sabi Mas lalo pa akong nachallenge ngayon sa sinabi niya. "Tinawag mo ba ulit akong halimaw para halikan kita? o sinadya mong mag iwan ng gatas sa labi mo para tanggalin ko yan para sayo" ? I find her cute pag lagi syang nagugulat "Hah?" nakita ko sa mga mata niya ang bakas ng pagkagulat niya Akmang pupunta siya sa sala para ikompirma kung may gatas nga siya sa labi. Agad ko naman hinila ay kamay niya at ako na ang nagkusa. "I'll do it for you Clau" mahina kong sabi at muling naglapat ang mga labi namin. I sip her upper lip to make sure no excess milk will show. It was just a quick kiss. Her eyes were widely open at tinatapik nya ako sa dibdib para patigilin sa ginagawa ko. "You are welcome Babe. There it is now clean. Siguro naman hindi mo na ako tatawagin monster o kung ano pa man. You can also call me Babe. Una na ako sa likod. See you" mapanukso ko pang sabi bago dumiretso sa likod at baka maghinala pa ang mga mokong na wala pa din ako Claudia's Pov Naiwan akong nakatingin sa paperbag na iniwan niya kanina. Hindi pa man nagsisimula ang laro ang dami ko na agad gustong gawin sa halimaw na to. Nakita ko na naman ang pagmumukha nitong damuho na to. Nakaramdam ako ng konting hiya ng sabihin niyang may naiwan na gatas sa labi ko. Hindi ko inaasahan gagawin niya iyon. Feeling niya talaga ay boyfriend ko siya. Natawa ako sa isipin. Nagngingitngit ako sa galit pero bakit ganoon? Gusto ko ang mga pagdampi ng labi niya sa akin. Ibig kayang sabihin non ay gusto ko na din siya? Masyado naman general ang paghingi nya ng sorry. Yung ipinagsosorry ba niya ay yung ginawa niya sa office o dahil nagulat talaga ako kanina? Nakaramdam ako ng kilig at kiliti sa aking tiyan. Banana cake pala yung dala niya sa bag na nasa mesa. Nilagay ko muna yun sa ref at iniwan ang mga damit sa paperbag. Kasama ko itong dinala sa likod bahay para makapagsimula na ang laro. Humanda siya. Hindi hindi ko papalampasin ang pagkakataon na to para makaganti sa kanya. Nakalabas na ako sa pangalawang pinto ng kusina na direkta sa likod bahay. May half court na itinayo dito si Tatay kaya naman ang mokong na kaibigan nila Pancho at Miguel ay laging dumadayo dito. "Ate, ang tagal mo. Kanina pa kami nag aantay" sabi ni Miguel na halos umiyak na sa pag aantay "Ang oa nyo no, naghugas lang ako ng baso. Saka naglinis ng konti sa kusina" depensa ko naman kaagad " O sige na, laro na tayo. Kampi kami ni Miguel ha. Kayo kampi ni Charles." sabi pa niya na itinuro ang halimaw Napatingin naman ako sa kanya. Hinubad niya ang kaninang damit na suot niya at nakabalandra ang abs niya na naghuhumiyaw na hawakan sila. Napatakip ako sa mata ko. "Charles! Magdamit ka nga, basketball ang laban hindi modelling. OKay? " utos ko pa sa kanya Napatawa naman ang mga kapatid ko. " Parehas kasi kaming tatlo na naka white tshirt. Kaya baka malito ka ate kung kanino mo ipapasa ang bola" dagdag pa ni Miguel "Edi kayong dalawa ang wag mag tshirt. Miguel at Pancho, hubadin nyo na tshirt nyo at pagsuotin nyo na yang isa ng damit" mabilis kong utos " Mamaya may mga kapit bahay pang makakita sa atin baka sabihin kinukunsinti ko pa kayong paghubadin yang kaibigan nyo" Pero ang totoong dahilan ay ayaw kong may ibang makakakita sa mala greek God nyang katawan. Mukhang alaga ito sa exercise at sa gym. "O ayan na ate! okay na? may iba ka pa bang gusto para makapag laro na tayo?" si Pancho na halatang ayaw maghubad ng damit Hindi naman ganun kalaki ang mga katawan nila dahil nasa teen stage palang ang mga ito. Pero hindi rin papadaig ang mga itsura nila. Masasabi kong gwapo din ang mga kapatid ko. Ready Play! Sabay sabay kaming apat na nagsabi. Charles Pov Napangiti ako sa tinuran ni Clau. Nagtakip pa siya ng mata ng mapansin niyang wala akong pag itaas na damit. Hindi naman ako naasiwa sa katawan ko because i am maintaining it. Nagsuot na ako ng damit at si Miguel at Pancho naman ang nagtanggal ng pang itaas na damit. Ready Play! Sabay sabay kaming apat na nagsabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD