Chapter 17

1143 Words
Chapter 17 Pancho's Pov Ready Play! Sabay sabay kaming apat na nagsabi. Sa amin ni Miguel ang unang bola. Dahil half court lang naman ito raise to 5 ang first round at raise to 8 ang second round. Natuto na din sa amin makipag laro ng basketball ang ate. Hindi din naman niya gusto ang mga typical na babae na mahilig mag make up at mahilig sa mga mamahaling gamit. Kaya masaya din kami ni Miguel na magkasundo sila ni ate Anna dahil hindi nagkakalayo ang mga hilig nila. Mga simpleng bababe lang kumbaga. Ipinasa sa akin ni Miguel ang bola, si Charles ang nakabantay sa akin. Binilisan ko ang pag dribol at pagtakbo at Shooot! Unang point sa amin ni Miguel. "1-0 " Ngisi pa ni Miguel "Wag kayong magsaya dahil simula palang" sabi ni ate habang inilalabas ang bola Pinasa nya ito kay Charles na ngayon ay binabantayan ko. Dahil malaki ang katawan niya hindi umuubra ang pag screen ko at pang hahawi ng bola. Dumiretso lang siya sa pagsagasa sa akin at na ishoot din nya ang bola. "Yes!1-1" sigaw pa bigla ni ate sabay hawak sa pisngi ng pang upo ni Charles "woahh!" nagulat si Charles at napatingin sa kanya "O bakit? ganun naman diba yung mga basketball player pag nakaka shoot? Hinahawakan yung pwet nung kakampi nila?" mabilis na palusot ni ate "Ate! sa mga lalaki lang yun, gusto mo ba hawakan din ng kakampi mo yung sayo?" maktol pa ni Miguel Napansin kong namula na si ate. "Game na! Wag mong ipahalata na gusto mo Charles! Para kang kamatis. " mabilis kong sabi Inilabas ko ulit ang bola, hanggang sa mag dire diretso na ang laro. Mukhang mananalo kami dahil laging naagawan si ate ng bola ni Miguel. "Okay! 4-2! Paano ba yan isang point nalang mananalo na kami sa first round? " sabi ko ng may pagyayabang "Wag kang kampante masyado Pancho. Hindi pa namin ginagalingan. Bumawi ka naman Charles, parang lampa ah" with confidence pa na sabi ni ate "Hehehe" Si Charles na napakamot lang sa ulo "Ate, wag kang mayabang masyado. Eh si Charles pa nga lang nakakapoints sa inyo eh." pamumuna ni Miguel "Tahimik! Game na ulit." Tumayo na si ate at inilabas ang bola Sakto naman na nag aayos ng sintas si Charles at napalingon kay ate na naipasa na ang bola. "Awwww...." ang tanging nasabi ni Charles, napayuko siya at sandaling hinawakan ang ilong "Oh My God! Charles! " napasigaw si ate " Okay ka lang ba? " Iniangat ni ate ang mukha ni Charles at nakita na dumudugo ang labi nito. "Sorry, sorry . Akala ko ready ka na. " Halika, gamutin natin yan. " Itinayo niya si Charles at isinama sa loob ng bahay "Ituloy nyo nalang muna yang laro ninyo Pancho. Ako na bahala dito. " sabi pa ni ate na may halong pag aalala sa boses Charles Pov Tumama na ang bola sa mukha ko bago pa ako makatayo. Medyo masakit ang bibig ko at nalasahan ko ang likido sa loob ng bibig ko. Iniangat ni Clau ang mukha ako at nakita ko ang mukha nyang may halong pag aalala. "Sorry, sorry . Akala ko ready ka na. " Halika, gamutin natin yan sa loob" Itinayo nya ako "Okay lang ako. Kaya ko naman maglakad. " Napangiti lang ako sa pag aalala niya. Pinupunasan ko lang ng bahagya ang dugo na lumalabas pa din sa labi ko Hinila niya ako paakyat sa kwarto niya at pinaupo sa kama. Pamilyar ang amoy ng kwarto niya. Ganito din ang pabangong lagi nyang suot. Madaming nakasabit na picture sa dingding at nakita ko ang kaledaryo niya na may markang bituin sa petsa ng araw ngayon. May kinuha siya sa banyo niya at may tangan na siyang medicine kit pagbalik nya sa kinauupuan ko. "Pasensya ka na, hindi ko sinasadya " hinawakan niya ang baba ko at sinipat sipat kung ano ang gagawin "Dont be sorry Clau. I know you did not do it on purpose. Not unless gusto mo lang talaga akong dalhin dito sa kwarto mo." sabi ko pa na may halong panunukso "Charles, I promise hindi ko talaga yun sinasadya. Wala akong balak sugatan yang mukha mo no" bawi niya habang nililinis ng bulak ang mga tumulo na dugo Hinawakan niya ang labi ko. Nakita kong nalungkot siya ng bahagya ng makita ang sugat dito. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko dahil kaming dalawa lang ang nasa kwarto na ito at ang lapit na naman namin sa isat isat. Nakatitig lang siya sa labi ko habang idinadantay ang basang bulak para maalis ang mga dugo. Pagkatapos ay may kinuha siyang panibagong bulak at nilagyan ng kung anong gamot at nagkulay brown iyon. "This will sting a bit" itinaas pa nya ang bulak sa kanang kamay at muling bahagyang hinawakan ang labi ko. Pinigilan ko ang kanan niyang kamay. Tiningnan ko ang mata nyang punong puno ng pag aalala. Ibinaba ko din ang kaliwa nyang kamay and i lifted her chin so she can look straight into my eyes. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong angkinin ang kanyang mga labi. "Charles.." Tinawag nya ako at nilagay niya ang kaliwa nyang kamay sa kanyang bibig. Marahil ay alam na niya ang gagawin ko. "Alright. I won’t do it. I just wanted to say sorry sa nangyari sa office kanina. " mahina kong sabi sabay tayo na at lumabas na ako ng kwarto niya I texted Pancho na hindi na ako makakasabay sa dinner and i will treat them instead sa pagkatalo sa laro today. Agad naman akong naglakad sa kinaroroonan ng motor ko at nagdrive. Claudia's Pov Kinuha ko ang medicine kit sa banyo para linisin ang sugat ni Charles. "Pasensya ka na, hindi ko sinasadya " hinawakan ko siya sa baba at hinanap kung saan nanggagaling ang dugo. Nahawakan ko ang malalambot niyang labi. Mas nangingibabaw ang pag aalala ko sa damuhong ito kesa sa kaba na lagi kong nararamdaman kapag magkalapit kaming dalawa. "This will sting a bit" kumuha ako ng bagong bulak at nilagyan ng betadine Palapit palang ang kanan kamay ko ng pigilan niya ito at ibinaba ang kaliwa kong kamay. He lifted my chin at alam ko na ang susunod na gagawin niya. I called his name at tinakpan ang mga labi ko. This time, hindi ako papayag na makuha niya ang gusto niya. "Alright. I won’t do it. I just wanted to say sorry sa nangyari sa office kanina. " He walked out of my room, leaving me hanging. There was a side of me na sana ay nag effort pa siya at baka ako na mismo ang humalik sa kanya. Niligpit ko na ang medicine kit. Nag ayos ako ng konti dahil magluluto pa ako para sa hapunan. Mabilis kong tiningnan ang cellphone ko sa tabi ng lampshade. May email akong nareceive from PMAC. Kaninang tanghali pa iyon na nagsasabing natanggap ako sa trabaho at bukas na ang start ng orientation. There was a little joy in me na makikita ko ulit si Charles bukas at sa mga susunod pa na araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD