CHAPTER 20 LUNA "Teka, saan ba tayo pupunta, Camille?" Tanong ko sa kanya. "Basta. 'Wag ka ng magtanong." Nakangiting sabi ni Camille habang nasa daan ang mata nito. Tumingin ako sa paligid. Madilim at halos puro puno ang aming dinadaanan. Parang hindi rin ito masyadong dinadaanan ng mga kotse dahil wala pa akong nakikitang nasasalubong namin. Kinakabahan tuloy ako. Hindi ko naman matawagan si Dylan dahil walang signal ang cellphone ko dito. "Camille, nililigaw mo ba ako?" "Napag-utusan lang ako, 'no." Sabi nito na nakapagpakaba sa akin. "Stop the car, Camille!" Huminto ang sasakyan at humarap sa akin si Camille. "Right on time. We're here. Get out now, Luna." Nagmamadali kong binuksan ang pinto at bumaba. Bago ko pa man masara ang pinto ay nagsalita pa si Camille. "You'll thank