PROLOGUE
Seventeen years ago:
"P-Paanong ikinasal ka na, Arturo, gayong ako ang kasintahan mo?" tanong ni Nerissa sa lalaking nasa kanyang harapan.
Halos magdikit pa ang kanyang mga kilay habang nakatitig siya sa mukha ng lalaking naging isang malaking parte na ng buhay niya.
Arturo Montealegre has been her boyfriend for eight months. Nakilala niya ito sa maliit na restaurant kung saan siya nagtatrabaho bilang isang serbidor.
Nerissa is twenty-one years old. Dahil sa hirap sila sa buhay ay napilitan siyang huminto sa pag-aaral at maghanap na lamang ng trabaho para panustos sa mga pangangailangan nilang mag-iina. Two years ago, her father left them for another woman. Naiwan na lamang ang kanyang ina para buhayin silang dalawang magkapatid.
Dahil sa siya ang panganay ay nagboluntaryo na lamang si Nerissa na tulungan sa paghahanapbuhay ang kanyang ina at ang pagpaaralin ang kanyang bunsong kapatid na si Clarissa na ngayon ay labing-siyam na taon na at nasa kolehiyo na rin.
Kahit papaano ay madali siyang nakahanap ng mapapasukan sapagkat nakatungtong din siya ng kolehiyo. Since then, she started being the breadwinner for her family.
She did not like to have a distraction. Hanggang maaari ay nais niyang pagtuunan ng pansin ang pagtatrabaho para mapatapos niya ang kanyang kapatid at makapag-ipon na rin para makabalik siya sa kanyang pag-aaral.
But Arturo came in her life.
Kasama nito ang mga kaibigan na kumain sa restaurant kung saan siya nagtatrabaho. Una pa lang ay humanga na siya sa pisikal nitong kaanyuan. Arturo was a handsome man. Matikas ang pangangatawan nito at masasabi niya na kahit sinong babae ay maaakit sa binata.
And she was really one of them.
Makailang ulit pang bumalik sa restaurant na kanyang pinapasukan ang binata hanggang sa mamalayan na lamang niya na nakikipagkilala na ito sa kanya. Arturo intentionally kept going back at the restaurant just to see her and eventually introduced himself to her.
And one thing led to another. Paglipas lamang ng apat na buwan ay nag-umpisa itong manligaw sa kanya at kalaunan nga ay tinugon niya ang pag-ibig nito.
It has been eight months since then. Maayos ang relasyon nilang dalawa. And at the same time, maayos din ang trabaho niya na siyang bumubuhay sa kanilang mag-iina.
At ngayong araw nga ay day-off niya sa trabaho. She went to see Arturo. Nasa isang kilalang coffee shop sila. Isang linggo din silang hindi nagkita sapagkat ayon sa kanyang nobyo ay kinailangan nitong dumalo sa isang business seminar sa bayan ng Cebu.
It should be a happy day for her sapagkat nagkita silang muli ng binata. But shocked was an understatement on what she felt as she heard what he has said.
"Pinaglaruan mo lang ba ako, Arturo?" nahahabag sa sariling wika ni Nerissa dito.
"Mahal kita, Nerissa. Alam mo iyan---"
"Kung ganoon, bakit? Ano ito? Isang malaking biro?"
"How I wish na oo nga, Neri," malungkot nitong saad sa kanya. "Pero hindi. I needed to marry Norma. S-She is pregnant with my child and---"
Hindi na nito nagawa pang tapusin ang mga sinasabi nang dumapo na ang isa niyang palad sa kaliwang pisngi nito. Kulang ang salitang sakit sa nadarama niya ngayon. She loves him, trusted him and even gave him everything.
Pero pinaglaruan lamang pala siya nito.
"Patawarin mo ako, Nerissa. Pero maniwala ka sana na ikaw ang totoong mahal ko."
Iiling-iling na tinitigan niya sa mukha si Arturo. Hindi niya alam kung sinseridad ang nakikita niya sa mukha nito o sadyang magaling lang umarte ang binata.
"Akala ko ay iba ka," aniya na nag-umpisang manubig ang mga mata. But she held her tears. Ayaw niyang ipakita dito ang kanyang pag-iyak. "Katulad ka lang ng aking ama, hindi makontento sa iisang babae."
"Nerissa..."
Hindi na niya ito pinatapos pa sa pagsasalita. Agad na siyang tumayo at dali-daling iniwan ang binata. Naririnig niya pa ang pagtawag nito sa kanyang pangalan ngunit hindi na siya lumingon pa.
Literal na naninikip ang dibdib niya dahil sa mga sinabi nito. At halos gusto niyang hilingin na mamatay na lang kaysa danasin ang ganoong sakit.
Pero hindi maaari. Hindi siya maaaring maging mahina. Kailangan niyang magpakatatag dahil sa isang rason.
Huminto si Nerissa malapit sa isang poste ng kalapit na establisimiyento. Marahan siyang sumandal doon at hinayaan ang ilang butil ng luha na pumatak mula sa kanyang mga mata.
She was excited to see him that day. Sa bawat araw na katagpo niya ang binata ay laging espesyal para sa kanya. But this one could have been more special because of the news that she was planning to tell him.
Banayad niyang inilapat ang isa niyang kamay sa kanyang tiyan. Doon ay dinadala niya ang bunga ng relasyon nila ni Arturo. She was not able to tell him about it anymore. Nauna na nitong inamin na ang pagtungo nito sa Cebu ay hindi talaga dahil sa trabaho, kundi para pakasalan ang babaeng, katulad niya, ay nagdadalang-tao rin sa magiging anak nito.
"Hinding-hindi kita mapapatawad, Arturo..."