CHAPTER 1
Mabilis ang mga kilos na kinuha ni Tristan ang kanyang bag na nakapatong sa ibabaw ng kanyang study table. Siniguro niya munang kompleto na ang mga gamit na dadalhin niya para sa pagpasok na iyon sa kanilang eskwelahan.
After checking all his things, isinukbit na niya ang isang strap ng kanyang bag sa kanang balikat niya.
Tinapunan niya muna ng isa pang tingin ang kanyang sarili sa salamin at siniguro na maayos na ang kanyang hitsura saka naglakad na siya palabas ng kanyang sariling silid.
Sa labas ay bumungad sa kanya ang mahabang pasilyo. Naglakad na siya patungo sa may hagdan para sana ay bumaba na.
But Tristan stopped on his track. Bago pa man siya makarating sa hagdan ay nahinto na siya sa kanyang paglalakad. Agad na napabaling ang kanyang mga mata sa direksyon ng silid ng kanyang mga magulang nang mula roon ay makarinig siya ng mga tinig na wari ay nag-aaway.
"Will you shut up, Norma? Hindi ka na ba napapagod sa palagi mong pagdududa?!" narinig niyang wika ng kanyang amang si Arturo. Halos mahinahon pa ang tinig nito ngunit dama niya ang diin sa bawat katagang binitawan nito.
"Oh really, Arturo?" tugon dito ng kanyang ina sa sarkastikong paraan. "Ang sabihin mo ay tama ang mga hinuha ko!"
"For goodness sake! I have a seminar to attend to in Batangas. Iyon ang ipupunta ko doon!" malakas na rin na sagot ng kanyang ama. Wari niya ay napigtas na rin ang pasensiya nito dahil sa huling sinabi ng kanyang ina.
"Seminar, my ass! Ang sabihin mo ay patuloy mo pa ring hinahanap ang babaeng iyon! You really think na hindi ko malalaman? Sinubukan mo siyang hanapin sa mga unang taon ng pagsasama natin, hindi ba?"
Naghintay siya ng isasagot ng kanyang ama. He was anticipating for his father's answer. Napako na si Tristan sa kanyang kinatatayuan at nakatitig na lamang sa nakalapat na pinto ng silid ng kanyang mga magulang.
Ngunit matagal bago nagsalita muli ang kanyang ama. Sa wari niya pa ay hindi nito nais sagutin ang mga sinabi ng kanyang ina.
"Paulit-ulit na lang ang pinag-aawayan nating dalawa, Norma. Nakakapagod na," Arturo said with resignation on his voice.
At halos maramdaman pa ni Tristan ang lungkot sa tinig nito. Kung bakit ay hindi niya alam.
Hanggang sa agad na lamang siyang mapatuwid sa kanyang pagkakatayo nang bigla ay bumukas ang silid ng mga ito at iluwa niyon ang kanyang ama. Rumihestro ang pagkagulat sa mukha nito nang makita siyang nakatayo roon at nakikinig sa usapan nito at ng kanyang ina.
Huli na rin para maglakad siya pababa ng hagdan. Nakita na siya nito.
Kung tutuusin ay hindi na bago sa kanya ang mga ganoong tagpo. Lagi na ay naaabutan niyang nag-aaway ang kanyang mga magulang. Sa edad niyang labing-pitong taong gulang ay saksi siya sa mga away nito. Sa wari niya pa ay mabibilang lamang sa kanyang mga daliri sa kamay ang mga pagkakataong maayos ang mga ito.
At sa ganoong mga pagkakataon ay mas dama niya ang galit sa kanyang ina. Ang kanyang ama ang mas madalas na nagpapakumbaba at umiiwas upang hindi na humaba pa ang sagutan ng mga ito.
Katulad na lamang ng ngayon. Ang kanyang ama ang muli ay umiwas. Mas kinaringgan niya pa ito ng mababang tinig kaysa sa kanyang ina.
Sa bawat away ng mga ito ay laging iisa lamang ang naririnig niyang dahilan. Iyon ay ang babaeng, ayon sa kanyang ina, ay iniibig pa rin ng kanyang ama hanggang sa mga sandaling iyon. Kung sino ang babaeng iyon ay wala siyang ideya.
He tried to ask his father about it before but he never answered him. Isang buntong-hininga lamang ang itinugon nito sa kanya noon. And he told him that his mother was just getting paranoid.
Though, Tristan can't blame his mother. Magandang lalaki ang kanyang ama. At forty-two, Arturo still managed to have a well-built body. Kahit sinong babae ay maaakit pa rin dito, idagdag pa ang estado ng buhay na mayroon sila bilang isang Montealegre.
"Where do you think you are going, Arturo?" galit na saad ng kanyang ina mula sa likod ng kanyang ama. "We are not yet done talking---"
Hindi na nito naituloy pa ang pagsasalita nang matanawan na siya sa may malapit sa hagdan. Agad na nawala ang bagsik sa mga mata nito at napalitan iyon ng malambot na ekspresyon.
"T-Tristan," wika ng kanyang ina.
"I am going," malamig niyang saad sa mga ito bago walang lingon na bumaba na ng hagdan.
Ni hindi na siya dumaan sa komedor at nagtuloy na sa kanilang garahe. Agad niyang binalingan ang driver nilang naroon na at naghihintay lamang sa kanya.
"Let us go, Kuya Rico," magalang niyang saad dito at naglakad na palapit sa backseat ng sasakyan para sumakay na roon.
Ngunit bago pa man niya mabuksan ang pinto ng kotse ay narinig na niya ang tinig ng kanyang ama.
"Ako na lang ang maghahatid kay Tristan, Rico. Idadaan ko siya sa SAU," tukoy nito sa unibersidad na kanyang pinapasukan. Kay Rico ito nakatingin habang nagsasalita.
Magpoprotesta sana siya ngunit nagsalita na ang kanilang driver.
"Sige ho, sir," tugon nito sa kanyang ama sabay lingon sa kanya at ngumiti.
Tristan heaved out a deep sigh. Wala siyang nagawa kundi ang maglakad patungo sa sasakyan ng kanyang ama at sumakay sa may passenger's seat.
Nang makaupo sa may driver's seat ang kanyang ama at buhayin nito ang makina ng sasakyan ay napalingon siya dito. Kanina niya pa napansin na nakasuot na ito ng business suit. Malamang ay paalis na rin ito nang umpisahang awayin na naman ng kanyang ina.
Yes, sa lahat ng pagkakataon ay alam niyang ang kanyang ina ang nag-uumpisa ng away ng mga ito. Ang kanyang ama ay kalmadong tao, kabaligtaran ng kanyang ina.
Sa kabila ng madalas na alitan ng mga ito ay ramdam niya ang pagmamahal ng kanyang ama sa kanya. His parents both love him actually. Ramdam naman niya iyon. Ngunit kung titingnan ay mas malapit siya kahit papaano sa kanyang ama.
His mother has always been stiff. Wari itong may sariling mundo at laging malamig ang pakikitungo sa lahat. Nag-iiba lamang ito pagdating sa kanya. Though, despite that, mas malapit pa rin siya sa kanyang ama.
Ilang minuto na silang nasa daan nang magsalita ang kanyang ama.
"Huwag mo sanang isipin ang nasaksihan mo kanina, Tristan," malumanay na saad ng kanyang ama. Nakatutok ang mga mata nito sa daan nang magsalita.
Hindi siya agad sumagot dito. Ibinaling niya ang kanyang mga mata sa labas ng bintana ng sasakyan nito. Hanggang sa mayamaya ay marinig niya ang pagpapakawala ng malalim na buntong-hininga ng kanyang ama.
"Your mom was just---"
"Sanay na ako, dad," wika niya sa mahinang tinig dahilan para mahinto ito sa pagsasalita.
Nakita niya mula sa repleksiyon ng salaming bintana ng sasakyan na bahagya siya nitong nilingon. He heard him sighed then focused on driving again. Sa loob ng ilang minuto ay namagitan sa kanila ang katahimikan.
Hanggang sa mayamaya ay si Tristan na rin mismo ang bumasag sa namamagitang patlang sa kanila ng kanyang ama. "Why did you keep your marriage, dad?"
Marahas ang ginawang paglingon muli ng kanyang ama sa kanya. Mistula pa ay hindi nito inaasahan ang naging tanong niya.
Tristan looked at him. Isa iyon sa mga bagay na labis na pinagtataka niya. Sa loob ng ilang taon na pagiging mag-asawa ng mga ito ay ramdam niya na hindi masaya ang kanyang ama. He does not like to sound unfair to his mom, pero mas ramdam niya ang bigat sa dibdib ng kanyang ama kaysa sa kanyang ina.
His mother, Norma, was a socialite. Sa maraming pagkakataon ay madalas itong maging laman ng mga pagdiriwang ng mga kilalang tao. And his father did not mind at all. Minsan pa ay gusto niyang isipin na ayos lang iyon sa kanyang ama, na wari ba ay mas gusto nitong nasa mga kaibigan nito ang kanyang mama nang sa ganoon ay naiiwasan ang bangayan ng mga ito.
And he can't help but to feel sad about it. Labis siyang nagtataka kung bakit nanatiling kasal pa ang mga ito gayong ganoong uri ng pagsasama lamang ang mayroon ang isa't isa.
"Why, dad?" pukaw niya sa pananahimik nito.
"Because of you, son," sagot nito sa mahinang tinig. "I love you. At hindi ko gustong lumaki ka nang may wasak na pamilya---"
"And you think, that is not what I have right now?" wika niya dito nang puno ng hinanakit ang tinig.
Ano mang nais isagot ng kanyang ama ay nabitin na nang iparada na nito ang sasakyang iminamaneho sa harap ng unibersidad na pinapasukan niya--- ang San Antonio University.
Ang nasabing unibersidad ang isa sa pinakakilalang eskwelahan sa buong San Antonio. Karamihan sa mga estudyanteng pumapasok dito ay pawang galing sa may-kayang pamilya. Sekondarya hanggang kolehiyo ang mayroon sa SAU.
And Tristan is now on his senior high school.
Nang huminto ang sasakyan ng kanyang ama ay agad na niyang binuksan ang pintuan sa may panig niya. He was about to get out of the car when his father talked again.
"Tristan," wika nito sa malumanay na tinig. Arturo looked at him intently. "You know that I care and I love you, remember that."
Hindi na niya ito tinugon pa. Ramdam niya ang sinseridad sa tinig ng kanyang ama ngunit hindi niya magawang sumagot sa mga sinabi nito.
Tipid lamang siyang ngumiti sa kanyang ama bago tuluyan nang bumaba mula sa sasakyan nito. Dire-diretso na siyang naglakad patungo sa may entrada ng unibersidad. Ramdam niya pa ang paninitig ng kanyang ama mula sa kanyang likuran ngunit hindi na siya lumingon pa.
Nang tuluyan siyang makalapit sa gate ng unibersidad ay saka niya pa lamang narinig ang tunog ng papaalis nitong sasakyan. That was when Tristan turned to look. Inabot pa ng kanyang paningin ang papalayong sasakyan ng kanyang ama.
He just heaved out a deep sigh.