Rajiv is a monster!
Tulad ng banta niya, hindi niya ako tinigilan ng magdamag.
He f****d me in all positions, in different areas in this condo, at different angles. And he made sure that all of his sperm would shoot deep inside me.
Sa tuwing magpapahinga kami, abala naman siya sa pagre-research ng mga article tungkol sa mga magandang position para masiguro na mabubuntis ang partner. At agad niya iyong ginagawa sa akin.
Maliwanag na nang tantanan niya ako at hinayaang matulog. Masyado ngang mahaba ang tulog ko at hindi pa sana ako kakain ng tanghalian kung hindi niya ako ginising.
At dahil alam niyang pagod ako ay sinubuan na lang niya ako. After kumain, pinanood ko lang siyang mag-asikaso dahil kailangan niyang pumasok sa trabaho at muli na akong natulog nang umalis siya.
We had to cancel all of our schedules for this day because of what we did last night. But he took care of some of it, together with the organizer that he contacted to help me with our wedding.
Madilim na nang magising ako.
Patay pa ang lahat ng ikaw kaya siguradong hindi pa nakakauwi si Rajiv. Kinuha ko ang phone ko at ang huling text na natanggap ko sa kanya ay kaninang hapon pa.
He just said that my parents wanted to meet him so he will go to see them and will be home soon after.
Kaya naman bumangon na ako at agad na nagtungo sa banyo para maligo.
It was just a quick bath since I had to cook for our dinner. Baka sa mga oras na ito ay nasa byahe na si Rajiv pauwi dito.
Nagsuot lang ako ng sando at short pagkuwa’y lumabas na ako ng kwarto. At halos matumba ako sa sahig dahil sa gulat nang makitang nandito na pala si Rajiv.
Nakaupo siya sa sofa at tanging ang ilaw lang ng lamp shade ang nagsisilbing liwanag dito.
“You are already here,” sabi ko. Binuksan ko ang ilaw sa buong kabahayan at lumapit sa kanya. “Kanina ka pa nakauwi?”
Hindi siya sumagot at napakunot ako ng noo. Doon ko napansin na para bang may kakaiba sa kanya. Masyadong seryoso ang kanyang awra at diretso lang siyang nakatingin sa television na nasa harap niya kahit nakapatay naman iyon.
“Raj?” Naupo ako sa tabi niya at hinaplos ang likod niya. “Is there something wrong?”
Huminga siya ng malalim tsaka tumingin sa akin. “Let’s break up.”
Nabitin sa ere ang kamay ko na hahaplusin sana ang pisngi niya dahil sa pagkabigla ko. “W-what?”
“Miracle…” Huminga siyang muli ng malalim. “I am calling off the wedding and I am breaking up with you.”
Shit!
I gasped some air and forced myself to laugh, trying to ignore the pain that I was feeling in my chest. “D-don’t joke like that, Raj.” Tumayo ako. “Hindi nakakatuwa ang gan–”
Hinawakan niya ang kamay ko at bahagya akong hinila para muling mapaupo sa tabi niya. “I am serious, Miracle.”
“Raj!” sigaw ko. “What the hell are you even talking about?” Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at tumayo ako. “Anong break ang sinasabi mo? Ano ba ang nangyari?”
Nag-iwas siya ng tingin sa akin. “I… I don’t love you anymore.”
“Bullshit!” I slapped him. “Kagabi lang ay paulit-ulit mong sinasabi sa akin na mahal mo ako kaya tingin mo ba kapani-paniwala ang dahilan mong iyan?”
Inis niyang ginulo ang buhok. “Yes! It is better for you to believe that I don’t love you anymore!” Tumayo siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. “You see, I cheated on you! I f**k another woman and impregnated her because I can’t do that to you without getting married first! I can’t be with you anymore, Miracle.”
I don’t know what to say anymore.
Pakiramdam ko na lang ay tumigil ang lahat, maging ang paghinga ko at ang tanging nararamdaman ko na lang ay ang sakit sa dibdib ko.
I don’t understand. I have known him for years and I certainly know that he will never betray me. Yet, he is saying this now.
What the hell is happening?
“You need to go back to your family,” he said, which pulled me back to reality. “I already called your sister. She is on her way here.” Binitiwan niya ako at doon ko lang din napansin ang mga maleta na nasa tabi na ng pinto. “I also packed your things. May mga naiwan pa sa drawer pero ipapadala ko na lang iyon sa inyo.”
“Raj!” Hinawakan ko ang braso niya nang akma siyang lalayo sa akin. “I… I don’t know what is happening but… if…” I gulped. “If what you said is true, willing naman ako na alagaan ang anak niyo. I can be the step-mother of your kid.”
Hindi siya makapaniwala na tumingin sa akin. “Are you hearing yourself, Miracle?”
“Raj.. please don’t make me leave.” I hugged him tight. “I love you. I love you.” s**t! Hindi ko akalain na darating ako sa ganitong pagkakataon.
I feel like my heart shattered into a thousand pieces. Making my whole body shake because of the pain. I want to cry but I can’t.
I can’t even think right. Ni hindi ko magawang maproseso sa utak ko kung dapat ba akong maniwala sa kanya o dapat ay panghawakan ko kung ano ang pagkakakilala ko sa kanya.
We were happy and in love up until earlier and now, everything is a mess.
“I… I will do everything,” I said. “Just don’t make me leave. You… you still love me, Rajiv. That is one thing that I know. There is just…”
“Tama na!” Itinulak niya ako palayo sa kanya. “Leave my house, Miracle. Get the f**k out of my life! It is better for both of us.” At agad siyang lumabas ng condo.
Hahabulin ko pa sana siya pero agad na siyang nakasakay ng elevator.
At doon lang nagsimulang bumuhos ang luha ko. s**t!
Imposible ang sinasabi ni Rajiv.
He has been good to me since we met despite the conflict with my family and his group. Kailanman ay hindi iyon naging hadlang sa relasyon namin at lagi niyang pinaparamdam sa akin na walang kahit anong makakasira sa amin.
Sinisiguro niya na araw-araw kong mararamdaman ang pagmamahal niya. Hindi siya nagkulang, sobra-sobra pa nga.
Kaya bakit? Bakit bigla na lang naging ganito?
“Miracle!”
Napatingin ako sa babaeng patakbong lumapit sa akin mula sa dulo ng hallway. Bakas ang matinding pag-aalala at lumuluha na ang mga mata “Clea?”
“Miracle!” Dinaluhan niya ako sa sahig na kinauupuan ko at agad akong niyakap.
At dahil sa ginawa niyang iyon ay doon ako lalong naiyak. “Is… is it true?” mahina kong tanong habang mahigpit na nakakapit sa likod niya. “Is it true, Clea? Is it really the end for us?”
“Umuwi na muna tayo,” aniya. “Ipapaliwanag ko sayo ang lahat.”
Lalo lang akong naiyak sa naging sagot niya.
She didn’t deny it! Ibig sabihin ay totoo ang lahat ng sinabi ni Rajiv. Mayroon nga siyang ibang babae at dahil nabuntis nya iyon bago ako ay ito ang pinili niya.
Shit!
Bakit naman ganito? I give my all to him. Buong puso ko, isip, katawan hanggang kaluluwa ko, ibinigay ko sa kanya pero bakit ganito ang ginawa niya sa akin?
“Please, Miracle.” Kumalas siya ng yakap sa akin at hinaplos ang mukha ko habang pinupunasan ang luhang patuloy na tumutulo sa mga pisngi ko. “Let’s go home.
Ibinaling ko ang tingin sa pinto ng condominium ni Rajiv.
This is my home. I have been living here for the past six months and I intend to live here forever with him.
Pero siya na mismo ang nagtaboy sa akin paalis dito kaya wala akong ibang pagpipilian kundi lisanin ito.
Pero babalik ako.
Alam kong mahal niya ako at hindi ako titigil hangga’t hindi siya bumabalik sa akin. Kung anuman ang nangyari kanina ay sabay naming haharapin iyon ng magkasama.
Kahit pinili niyang iwan ako ay hindi ko siya iiwan. Iyon ang itatatak ko sa utak niya!