“I have a mission for you,” seryosong sambit ng aking ama habang magkaharap kami ngayon dito sa kanyang opisina. “This is an off-the-record mission, Miracle. Walang maaaring makaalam nito kaya direkta kang magre-report sa amin ng iyong ina.”
Tumango ako. “I understand.”
Huminga siya ng malalim pagkuwa’y inilapag niya ang isang folder sa harap ko. “Iyan ang misyon mo.”
Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang larawan ng isang babaeng kilalang-kilala ko dahil sa dami ng kanyang nagawa para sa mamamayan ng bansang ito.
“Asper Reign Dahlia,” banggit ng aking ama sa pangalan ng babaeng nasa larawan. “Ikalawang anak ng duke ng Axia Region na siyang humahawak sa mahigit kalahating porsyento ng rice production ng buong bansa at ang apo ng dating namamahala sa pinakamaimpluwensyang charity institution.”
“Anong problema ng angkan natin sa kanya?” tanong ko. “Hindi ba’t wala naman siyang ibang ginagawa kung hindi ipagpatuloy lamang ang legasiya ni Madam Astrea? Bakit iniisip niyo na may kakayahan siyang sirain ang pamumuno ng angkan natin sa bansang ito?”
“Maraming espekulasyon ang kumakalat ngayon tungkol sa kanya,” sabi niya. “Alam mo naman ang sitwasyon ng relasyon sa pagitan ng mga Azaria at Dahlia, hindi ba?”
Tumango ako.
“May ilan sa mga ministro ang naniniwala na ginagamit ng babaeng iyan ang impluwensiya niya at ng Rain Foundation upang pabanguhin ang pangalan ng kanyang angkan upang muling maibalik sa kanila ang dating kapangyarihan na mayroon sila dito sa palasyo.”
I know all about that.
Itinuturing na malapit na kamag-anak ng angkan ng Azaria ang mga Dahlia. Kaya malakas ang kanilang boses sa loob ng palasyo. Malaya silang makakalabas-pasok dito nang hindi dumadaan sa mahigpit na seguridad. Mayroon silang karapatan na makialam sa pamamalakad ng palasyo at ganoon din sa mga batas na inilalabas dito.
Ngunit nawala ang lahat ng iyon dahil ilang mataas na angkan din ang kanilang naapakan nang piliin ng duke ng Axia Region na pakasalan ang kasalukuyang asawa.
Pinagbawalan na silang pumasok sa palasyo at maging ang karapatan nilang makialam sa pamamahala ng hari at sa mga bagong batas ay inalis din sa kanila.
At mula noon ay tahimik na lang silang nananatili sa rehiyon na nasasakupan nila.
Binuklat ko ang ilang papel na nasa folder at kumunot ang noo ko nang makita ang isang kasunduan na naganap sa pagitan ng kapatid kong si Hector, ang tagapagmana ng trono, at ang ama ni Asper na si Reiner Dahlia, ang duke ng Axia Region.
“Hector entered a marriage agreement with the Dahlia Clan?”
Tumango siya. “Hindi malinaw kung sino ang nagbigay ng ideyang ito sa kanya kaya naman kapag nagkataon, ang babaeng iyan ang susunod na reyna ng bansang ito.”
Tumingin ako sa kanya. “And what do you want me to do with her?”
“I want you to observe her,” sabi niya. “Alamin mo kung nararapat ba siya na maging susunod na reyna ng bansang ito at kung may katotohanan ba na ninanais ng angkan nila na muling makabalik dito sa palasyo.”
“Hmm…” Isinara ko ang folder. “It will take time before I can give you an accurate conclusion about her, Dad.”
“I can hold off on the arrangement of their marriage for a while,” aniya. “So, you can take your time doing this mission”
Tumayo ako bitbit ang folder at bahagyang iniyuko ang aking ulo. “Then, I have to go.” Akma na akong tatalikod sa kanya ngunit agad din natigilan nang muli niyang tawagin ang pangalan ko. “May kailangan pa kayong sabihin sa akin?”
Tinitigan niya ako tsaka bumuntong hininga. “Hindi ka pa din ba babalik dito, anak?” malambing ang kanyang boses ngunit nananatiling walang ekspresyon ang mga mata kong nakatingin sa kanya. “Miss na miss ka na ng iyong ina.”
“Mas maayos ang buhay ko sa labas kumpara dito, Dad,” sabi ko. “Tatawag ako sa kanya para ipaalam na nasa maayos akong kalagayan.” Muli akong yumuko at sa pagkakataon na ito ay agad na akong lumabas ng opisina niya.
It has been three years since Rajiv and I broke up.
Clea brought me back here that night. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak. Halos napabayaan ko ang sarili ko dahil hindi din ako kumakain at pilit iniiwasan ang sinumang magtatangkang kumausap sa akin.
Makailang beses kong sinubukan na balikan si Rajiv upang kausapin siya ngunit lagi na lamang akong bigo. Hindi ako nakahanap ng pagkakataon upang muli kaming magkaharap kaya sa huli ay wala din akong ibang nagawa kung hindi ang sumuko.
Doon ko lang kasi na-realize na ginagawa niya ang lahat ng paraan upang iwasan ako. At ako naman itong tanga na patuloy pa din sa paghahabol sa kanya kahit na malinaw na ayaw na talaga niya sa akin.
So, I finally gave up on him. And started building my life back.
Clea once told me that aside from the reason that Rajiv gave me on why he broke up with me, may kinalaman din ang angkan ko kung bakit hindi na niya ako ipinaglaban pa.
Kaya makalipas lang ng apat na buwan mula nang iwan ako ni Rajiv ay agad din akong umalis ng palasyo at nanirahan sa malayo.
Sa tulong ni Hector, nagawa kong maka-survive nang ako lang mag-isa. Kahit sira ulo ang kapatid kong iyon ay siya ang sumalo sa akin mula sa bahay na tinitirhan ko hanggang sa panggastos ko sa araw-araw.
At upang makaganti sa kabutihan niya sa akin ay nagdesisyon akong tanggapin ang posisyon na kanyang inalok sa akin.
He told me to become the shadow of our family. My job is mainly gathering information that we can use against the people who want to take down our family. Background check to the people that we are taking in our clan and securing the main branch’s safety against the other family branch that wants to take the throne for themselves.
At doon nabuo ang Black Swan.
Dalawang taon pa lang naman ang grupo kong ito ngunit marami-rami na kaming napatunayan kaya naman tumatanggap na din kami ng direktang misyon mula sa aking ama.
At heto nga ang bago niyang misyon para sa akin.
Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa babaeng kanina pa natataranta habang nasa harap ng isang vending machine.
Tatlong linggo ko nang sinusubaybayan itong si Asper Dahlia at sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit nga ba naisip ng mga ministro na may kakayahan itong maging susunod na reyna ng bansa?
Eh simpleng paggamit lang ng vending machine ay hindi niya magawa.
Noong nakaraang araw, nakita ko din na natataranta siya sa loob ng grocery store na hindi kalayuan sa bahay na inuupahan niya. At muntik pa siyang gumawa ng eksena sa isang restaurant na kakainan niya sana dahil mayroong nakakita ng picture niya sa isang social media post at namukhaan siya.
Wala siyang aalam-alam kung paano mamuhay ng mag-isa at lalong wala siyang alam kung paano magpaka-low key para walang makakilala sa kanya.
Bakit ba niya naisipang maglayas sa bahay nila at magpakalayo-layo?
Bumuntong hininga ako at inis na ginulo ang buhok ko. Kung magpapatuloy pa siya sa ganito ay mawawalan ng silbi ang paglalayas na ginawa niya. Wala ito sa plano ko pero tingin ko ay higit ko siyang mao-obserbahan kung malapit ako sa kanya.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. At nang mapatingin siya sa akin ay agad akong ngumiti. “Hi, I am Miracle Ryedale. Do you need help?”