PARANG gustong manuntok ni Harris ng mga oras na iyon. Hindi siya makapaniwalang napahiya siya ng ganoon lang. How dare that girl humiliate him? Hindi ba talaga siya nito kilala?
"Pft!" Sinamaan niya ng tingin si Keir na nagpipigil ng tawa. Natahimik naman ito. Inilibot niya ang kanyang paningin, buti na lang kaunti lang ang nakakita. Siyempre nagkunwaring walang nakita ang mga ito. Takot lang nila sa kanya.
"Ginagalit talaga ako ng babaeng 'yon. Humanda siya sa'kin," nanggagaliiting wika niya.
"Dude, bago mo siya gantihan isarado mo muna zipper mo," anas ni Kristof. Napatingin naman si Harris sa kanyang ibaba. Tiim-bagang niya itong isinara bago nagmartsa pabalik ng kanilang building.
Bakit kasi nakalimutan niyang isarado iyon? Nabuko tuloy siya. Eversince, Harris has an unusual liking in pink-colored stuffs. Not that he is a gay, he just find pink hygienic. Kahit ang shower gel nga niya sa bahay ay pink din. Wala namang masama doon, sabi ng mommy niya. Ika nga, real man wears pink.
Harris, Keir, and Kristof are known for being the notorious bully in their campus. Wala silang sinasanto at walang pinipili. Ang lahat nang bumabangga sa kanila ay nakakatikim ng kanilang hagupit. Ganoon pa man ay hinahangaan at tinitilian pa rin sila ng mga kababaihan.
"What are you planning to do, dude?" Pagkuwa'y tanong ni Keir. Harris grinned.
"Mukhang masasampulan si Miss Amasona ah," Kristof stated as a matter fact. Oh, well may naiisip na naman sigurong sorpresa ang kanilang kaibigan.
"Watch out," Harris said mysteriously. That made Kristof and Keir shook their heads. This must be an exciting show.
Sisiguraduhin kong mahuhulog ka sa bitag ko, backpack girl. Iyon ang naglalarong ideya sa isipan ni Harris. Sisiguraduhin niyang siya ang mananalo sa susunod nilang pagkikita ng babaeng 'yon. Itatanim niya sa kukote ng babaeng 'yon na isa siyang Hidalgo, at hindi dapat kinakalaban.
NASA loob na ng kanilang classroom sina Pinky at Fuschia. Ikinuwento lahat ni Pinky sa kaibigan ang nangyari sa guidance office. Naiiling naman ang kanyang kaibigan. Hindi na naman nagtataka si Fuschia kung iyon ang kinahitnan ng pag-uusap ng mga magulang nito at ng mga professor. Si Pinky pa ba?
"Grabe ka talagang babae ka. Hindi ka ba natatakot sa Harris na 'yon?" Tanong ni Fuschia. Hindi pa rin siya makapaniwalang ginawa niya iyon kay Harris. Truth to be told, siya ang natatakot para sa kanyang kaibigan. Siguradong hindi palalagpasin ng lalaking 'yon ang ginawa ng kanyang kaibigan.
"Bakit naman ako matatakot? Hindi naman 'yon multo," inosenteng sagot ni Pinky. Napabuntong hininga naman si Fuschia. Bakit kasi nagkaroon siya ng kaibigang pang-ten years old ang utak? Hindi niya maiwasang itanong iyon sa sarili.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Kray. Para sa kaalaman mo, kilalang bully dito sa campus ang kanilang grupo."
"Bully?"
"Yes, at siguradong pag-iinitan ka ng Harris na 'yon dahil sa ginawa mo."
"E di subukan niya, hindi ako natatakot sa kanya" Fuschia sighed in defeat. Sana lang ay hindi mangyayari ang kanyang kinakatakutan.
Ito ang ikalawang semester ni Pinky sa Montejo Institute of Technology. Ang unang dalawang taon niya kasi ay sa sariling eskwelahan na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Pero nitong nakaraan ay ipinasara nila ito at naisipang mag-invest na lang dahil sa dami ng inaasikaso sa kanilang negosyo.
"Pag ikaw napahamak sa pinaggagawa mo, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa'yo." Iyon na lang ang tanging nasabi ni Fuschia bago tumahimik dahil dumating na ang kanilang professor sa kanilang major subject.
Dahil last period nila ang subject na 'yon ay nagpaalam na agad si Pinky sa kaibigan pagkatapos ng klase. Wala siyang balak tumambay sa campus dahil isa siyang endangered specie. Anong koneksyon? Sa kanya na lang 'yon.
"Ingat ka, lampa ka pa naman." Wika ni Pinky sa kaibigan. At dahil dyosa siya ay agad nagdilang-anghel ang kanyang sinabi.
"Aaah!" Tili ni Fuschia nang mauntog siya sa poste ng ilaw.
"Ha-ha-ha-ha-ha!" Tinuro-turo pa ni Pinky ang kaibigan habang natatawa. Naglalakad sila palabas ng eskwelahan dahil sasakay siya ng taxi. Si Fuschia naman ay mag-aabang ng jeep.
"Peste kang babae ka! Hmp!" Ani Fuschia at tuluyang sumakay ng jeep. Naiwan naman si Pinky na tawang-tawa.
Pagkarating sa bahay nila ay namataan ni Pinky sa garahe ang kotse ng kuya Asul niya. Siguro namasyal ulit sila ni ate Allenda niya. Mayroon ding hindi pamilyar na kotse. May bisita yata sila.
"I'm home!" Masiglang sigaw niya pagpasok pa lang ng pinto.
"Baby Pinky!" Agad siyang humalik sa pisngi ng kanyang inang reyna. Namataan niya sa sala ang kanyang daddy, kuya Asul, tito Silver niya at ang asawa nito.
"Mommy? Bakit po nandito sila tito Silver?" Kunot-noong tanong niya. Si Silver ay ang nakababatang kapatid ng kanyang daddy Skeet.
"Hindi ko alam, baby Pink. Pambihira ka naman, e di sila ang tanungin mo."
"Ay! Oo nga pala, pasensya na po." Mabilis na lumapit si Pinky sa tiyuhin at tiyahin nito.
"Tito! Tita Patie, you're here!"
"Hi, Pinky!" Bati ng tiyahin niyang si Patricia. Agad namang inilahad ni Pinky ang kanyang kamay para humingi ng pasalubong. Batas na kasi iyon sa kanilang mansyon. Dapat may pasalubong na something pink para kay Pink.
"Oh, ito lang ang nakita kong pink sa mall kanina," nakangiting iniabot sa kanya ng tita Patricia niya ang isang garapon ng potchie sa kanya. Siyempre lumapad ang ngiti ni Pinky.
"Thank you po!" Masayang sambit ni Pinky. May ilalagay na naman siya sa refrigerator niyang pink. Yes, she has her own pink refrigerator in their house.
"I need to find her as soon as possible, tito. Baka kung ano nang nangyari sa kanya," wika ng kanyang kuya Asul sa nanginginig na boses.
"Huwag kang mag-alala, ako nang bahala. Mahahanap din natin ang girlfriend mo," sagot naman ng kanyang tito Silver.
Kumunot naman ang noo ni Pinky sa kanilang pinag-uusapan. Totoo ba ang narinig niya? Nawawala ang kanyang ate Allenda?
Oh well, ayaw namang sumali ni Pinky sa kanilang usapan kaya minabuti na lang niyang umakyat sa kanyang kuwarto. Excited na siya para bukas. Bibigyan niya ng pasalubong ang kanyang kaibigan.
PALINGA-LINGA si Pinky sa kanilang building. Hindi kasi niya mahanap si Fuschia. Ang sabi nito sa text ay nasa school na siya.
"Nasaan na kaya 'yon?" Tanong niya habang patingin-tingin sa paligid. Nasa second floor siya ng ICT building dahil nandun ang kanilang first period.
Sinadya niyang magpaaga dahil mangungopya pa siya ng assignment kay Fuschia. Siyempre dinala niya ang garapon ng kanyang potchie.
Naisipan niyang itext na lang ulit si Fuschia 'tsaka sumandal sa railing ng corridor. Napansin niya sa kanyang gilid ang dalawang timba na parang may laman na malansa.
Dahil sa kyuryusidad ay tiningnan ni Pinky ang laman ng dalawang timba. Namilog ang kanyang mga mata nang makitang dilaw na malapot ito. Parang itlog ang amoy nito.
"Bakit may ganito dito?" Tanong niya sa sarili. May tali ring naka-konekta dito. Trip siguro ng mga janitor na binyagan ng binateng itlog ang mga halaman sa baba.
Dahil wala pa naman si Fuschia ay minabuti na lang ni Pinky na pagtripan ang tali na naka-konekta sa dalawang timba.
"Hihihi." Humagikhik siya 'tsaka hinila ang tali. Mabuti nga tumutulong siya sa mga janitor eh. Di tulad ng ibang estudyante na pasarap sa buhay. Hindi niya kaya malilimutan ang turo ng inang reyna niya, maging matulungin sa kapwa.
Napangiti si Pinky nang makitang naubos na ang laman nito. Pumalapak pa siya at tuwang-tuwang dumukwang sa railings para tingnan ang halaman sa ibaba.
Ngunit nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang tinamaan ng itlog. Nakatingala ito sa kanyang direksyon at base sa kanyang nakikita, mukhang babarilin siya.
"Waaah! Takbo Pinky Pinky!" Anas niya at saka kumaripas ng takbo. Sa kabilang hagdan siya dumaan para makababa.
HARRIS grinned like an idiot. Hinding-hindi na siya makapaghintay na makita si backpack girl. Sinigurado niyang mahigpit ang tali ng dalawang timba. Sinuhulan din niya ang isang estudyante na siyang hihila ng tali pagdating ng tamang oras. Kailangan lamang nitong hintayin ang kanyang tawag.
Bumaba na rin siya at pinuntahan ang dalawa niyang kaibigan.
"Dude? Ayos na ba?" Tanong ni Kristof. Tumango naman si Harris.
"Baka umiyak 'yon pag maligo ng itlog. Sana nilagyan mo ng mantika para kulang na lang apoy." At nagtawanan silang tatlo sa sinabi ni Keir. Umalis sila ng ICT building para mag-abang sa harap nito. Kukuhanan nila ng video ang live show na magaganap.
Samantala, mabilis ang bawat hakbang ni Fuschia papuntang ICT building. Hindi kasi siya nakapagreply sa text ni Pinky dahil wala siyang load. Wala naman siyang pambili dahil sakto lang ang allowance niya. Mahirap lang kasi siya, hindi kagaya ni Pinky na buhay-prinsesa.
Malapit na sana siya sa entrance nang makasalubong niya ang tatlong magkakaibigang lalaki. Napakagat-labi siya nang magtagpo ang kanilang paningin ni Keir. Yes, she has a crush on him. Matagal na.
"Wait, I remember you. Ikaw ang kaibigan ng babaeng 'yon, 'di ba?" Maangas na tanong ni Harris.
"B-Bakit?" Kinakabahang tanong niya.
"Nasaan ang kaibigan mo?" Biglang kinutuban nang masama si Fuschia. Tiyak may gagawin na naman ang mga ito sa kaibigan niya.
"H-Hindi ko alam, k-kararating ko lang," mariin niyang tanggi. Ito na nga ba ang sinasabi niya kay Pinky. Hinding-hindi siya titigilan ni Harris. Nilukob ng takot ang kanyang dibdib nang ngumisi si Harris, ganoon din ang kaibigan nitong si Kristof. Si Keir naman ay tahimik na nakikinig.
"Sabihin mo sa kaibigan mo na hindi pa ako tapos sa kanya."
"T-Tigilan niyo na ang kaibigan ko. H-Hindi naman niya sinasadya kung anuman ang nagawa niya sa inyo."
"Na ah. Hindi ako makakapayag na---"
Hindi na natapos ni Harris ang kanyang sasabihin nang biglang bumuhos sa ulo nito ang isang malapot at malansang bagay. Parang itlog. At dahil magkatabi silang tatlo ay nadamay pati sina Kristof at Keir.
"What the hell!" Malutong na mura ni Keir. Bigla namang tumahimik ang paligid. Nagmistulang na-freeze ang lahat ng nakasaksi.
Fuschia felt sticky as well dahil may mga tumalsik din sa kanya. Hindi nagsalita si Harris. Dumilat ito ng kanyang mga mata at marahas na tumingala sa taas. Ganoon din ang ginawa nilang lahat.
Nagulat si Fuschia nang makita si Pinky sa itaas na nakadukwang sa kanila sa ibaba. Nakatakip din ang isang kamay nito sa kanyang bibig.
"T*ngina" Harris cursed angrily.
"P*cha! Ayoko na dude! Hindi pa man nangyayari ang krimen, kinarma na tayo!" Sabi naman ni Kristof na diring-diri sa sariling katawan.
"Humanda sa'kin ang babaeng 'yon!" Dumagundong ang boses ni Harris bago tuluyang umalis. Sumunod naman ang dalawa nitong kaibigan.
Napatampal na lamang sa kanyang noo si Fuschia. Natagpuan na lamang niya ang sariling tumatakbo nang makitang tumakbo din pababa si Pinky habang sumisigaw ng...
"Waah! Takbo Pinky Pink!"
Ano na naman 'tong gulong napasukan ni Pinky?
♕GreatFairy♕