BRIX Hindi lamang nawasak ang puso niya, kundi nabalot ng poot ang pagkatao niya, na nag-udyok upang sundin niya ang plano ng lolo niya. Ang pagmukhaing tanga ang kawawang babae at si Amelia! Naikuyumos niya ang palad habang pilit paring sumasagi sa isipan ang maamong mukhang iyon ng dalaga. Nang nakaw na pumailinlang sa isip niya ang matamis na gabing iyon, ang maalab nilang napagsaluhan ay bigla siyang napatayo mula sa pagkaka-upo sa silya. “Lolo, sapat na siguro ang ginawa ko upang pagbayarin sila, huwag mo na silang gambalain pa,” matipid niyang tugon at malamig na napalakad papuntang kuwarto. “Hijo!” pigil sa kanya ng matanda na nagpalingon sa kanya, “kalimutan mo na ang pagmamahal sa babaeng yun, kung tangang ipagpapatuloy mo parin ang pagmamahal sa basurang babaeng iyon, kalimuta