Khloe Amelia's POV "Doon tayo maupo!" turo ko sa isang bleacher na bandang gitna at siguradong maganda ang pwesto. Hinila ko agad si Misis Nirvana at Neandro papunta sa pwesto na gusto ko. Ang tahimik ni Neandro at parang kami lang ni Misiss NIrvana ang magkasama. Para sa kanila pa naman ang araw na 'to. "Ang dami yatang tao ngayon," nagtatakang tanong ni Misis Nirvana sa akin. Napakibit balikat na lang ako at naupo na sa bakanteng pwesto. Pinagtabi ko ang mag-ina kaya nasa gitna namin si Neandro ngayon. "Sa tingin mo sino ang mananalo, anak?" tanong ni Misis Nirvana sa anak niya. Napapangiti talaga ako sa tuwing maririnig ko na nag-uusap silang dalawa ng masinsinin. Masaya 'yon dahil kahit simpleng bagay lang ang pinag-uusapan nila, nagkakaroon sila ng komunikasyon