Khloe Amelia's POV "Khloe, mag-usap tayo." Malamig na boses mula sa tatay ng magkapatid na Aceves at humarap sa akin paglabas na pagkalabas ko ng kwarto ko. Kinabahan ako pero sumunod pa rin ako kay Mister Hariente na naglakad papunta sa likod ng bahay. Napatingin pa ako sa gawi ng hagdanan at hiniling na sana bumaba na agad si Neandro para makaiwas ako sa Papa niya. Nakatatakot dahil mukhang seryosong-seryoso siya ngayon. Wala naman siguro akong nagawang mali? Maayos naman ang trabaho ko sa anak niya kaya bakit biglang kailangan akong kausapin ni Mister Hariente? Minsan lang kumausap ng trabahador si Mister Hariente kapag talagang importante lang. Pumasok kami sa harding ng mga lola ng Aceves. Malinis at malago ang bawat tanin dito. Hanggang ngayon inaalagaan pa rin i