GABI na, around 9 PM, nakaupo kaming magkakaibigan sa buhangin at nakapalibot sa bonfire habang may kani-kaniyang hawak na beer. Katabi ng mga kaibigan ko ang kanilang partner sa laro, at syempre ako rin katabi ko si Mr. SX, iyon nga lang ay katabi ko rin si Brain Damage, bale nakapagitna ako sa kanilang dalawa. Pero mula kanina pa ay napakatahimik nitong si Brain Damage. In fairness hindi na makulit, ’di katulad kanina. At parang hindi ako nito pinapansin dahil kahit magkatabi ay parang hindi man lang ako tinapunan ng tingin, basta napakatahimik lang. Pansin ko naman ang pangisi-ngisi ng mga kaibigan ko sa akin. Bago kasi kami lumabas kanina ay may mga usapan kami para sa gabing ito. They will help me to confess to my partner Mr. SX. Nakasuot ng two-piece ang iba kong kaibigan, pero ako