I WAS so disappointed and pissed. Umuwi lang naman akong bigo at masama ang loob dahil sa mga nangyari. Hindi ako nakapagtapat kay Mr. SX dahil sa lintik na dare na nangyari, at nang magising ako kinabukasan ay hindi ko na ito nahagilap pa dahil nakauwi na pala. Kaya naman inis na inis ako sa mga kaibigan ko hanggang sa pag-uwi. Pero ang mga gaga ay pinagtawanan lang ako, tawang-tawa sila tuwing naalala ang paghalik sa akin ng siraulong si Brain Damage. Dahil sa sama ng loob ko ay hindi na muna ako pumasok sa trabaho ko. Nagpadala na lang ako ng excuse letter sa email na kunwari ay may sakit pa rin ako, at para mapaniwala ang manager ay nagpadala rin ako ng edited pic ko na kunwari ay nakahiga ako sa hospital bed. Well, masasabi kong magaling talaga ako pagdating sa pagdadahilan at p