"YOU want to do what, Chief Inspector Sandoval? Are you still on the right mind? My God, Sandoval!"
Kulang ang malakas upang ilarawan ang Chief Of Police sa oras na iyon. Subalit wala siyang pakialam. He's determined to quit from being Chief Inspector. Because he wants to do something else aside from that job.
"Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin, Hepe. Pero hindi na nagbabago ang isipan ko. Let me resign from it without any problem nor a red mark," pahayag niya.
"That's not the problem, Sandoval! Ano ba ang mayroon at bigla kang nagkaganyan! Simula noong nag-OJT ka hanggang sa ngayon ay nasaksihan ko na ang iyong dedikasyon sa pagiging alagad ng batas. Ngunit, ano itong gusto mong mag-resign? Hanggat hindi mo sinasabi ang dahilan ay hindi ko tatanggapin ang resignation papers mo!"
Malakas pa ring wika ng hepe na hindi pinansin ang pahayag niya. Kaya naman kahit alam niyang kabastusan ay tumayo siya at sumaludo.
"Wala akong balak magpapigil kahit kanino, Hepe. Dahil kahit isa ako sa alagad ng batas dito sa ating departamento ay hindi mo na saklaw ang buhay ko. Kaya nga ako nag-submit ng resignation papers dahil ayaw kong masira ang record ko. Bahala ka na, Hepe, kung tatanggapin mo iyan o hindi dahil walang makapigil sa akin," pahayag niya.
Nakahalata man o hindi ang kausap ay wala na siyang pakialam. Hindi niya ibinaba ang nakasaludong palad hanggat hindi ito tumugon. Kaya't nagmadali na rin siyang lumabas sa opisina nito.
Kaso!
"HEY, men! What the hell are you doing here?" Napalakas na nga ang boses niya dahil sa gulat.
Aba'y sino ang hindi magugulat kung sa tulad niyang nag-resign ay nadatnan niya ang mga tauhan sa labas mismo ng pinanggalingang opisina.
"Kahit ano man ang mangyari hindi ka maaring umalis at bumitaw sa ating trabaho, Inspector Sandoval."
"Bilang tauhan mo ng ilang ay karapatan naming malaman kung ano ang dahilan at gusto mong iwanan ang iyong trabaho."
"Alam naming hindi maaring ihalo ang personal sa trabaho natin, Sir. Ngunit bilang nga tauhan at co-workers mo sa iisang departmento ng ilang taon ay baka naman maaring malaman namin ang dahilan kung bakit bigla kang nag-resign."
Mga ilan lamang sa salitang binitiwan ng mga tauhan ni Raven Andrew. Akala nga niya ay tapos na ang mga ito. Kaso kung kailan sasagot na sana siya ay saka naman nagwika ang dalawa niyang kaibigan na kapwa inspector. Iyon nga lang ay napanganga siya. Dahil sa hindi niya inaasahang pahayag ng dalawa.
"SA ayaw at sa gusto mo ay sasamahan ka namin ni Jerry kahit saang sulok ka ng mundo magtungo, brod. Dahil kung ayaw mo ay mas mabuting sumunod ka sa mga kapwa nating inspectors sa pangangalinga mo."
"That's your ultimatum, brod. Yeah, we are doing these things as your friends, not as your subordinates."
Ayun!
Siya ang nag-resign pero gusto pa siyang samahan ng mga sira-ulo niyang kaibigan. Masaya sa kaniyang pakiramdam ang mga narinig mula sa mga ito. Dahil damang-dama niya ang kaseryusuhan. Ganoon pa man ay ayaw niyang samantalahin.
"To all of you, guys. Alam n'yo bang tagos sa aking puso ang mga binitiwan ninyong salita? Okay, let's say that you will come with me. Are you ready to face the consequences? Imposible namang hindi ninyo alam na bukod sa iiwan n'yo ang pagiging inspector ay wala ring kasiguraduhan ang inyong kinabukasan. And besides, you are all on the prime of your careers. Are you sacrificing yours for me?"
Patanong niyang sambit saka iginala ang paningin sa lahat ng nandoon lalong-lalo na ang mga kaibigan niya.
"Hindi na iyan itinatanong, Brod. Dahil hindi kami lalapit sa iyo upang sabihin ang mga bagay na iyan kung hindi kami handa. Let's go now. Alam ko namang naka-resigned ka na."
"Tsk! Tsk! Aba'y dinaig mo pa ang pusa sa likuran ng bahay ninyo na laging tulog dahil sa pagbubuntis. Natural, yes na yes ang sagot. Kaya't tara let's na."
Pahayag ng dalawa. Maaring susundan pa ito ng iba niyang tauhan ngunit nagmistula siyang nanunumpa dahil itinaas ang palad upang patahimikin ang mga ito.
"Thank you. Thank you very much for your unending loyalty toward me and our department. Bilang dati ninyong Chief Inspector ay ako na ang nakikiusap na huwag ninyong sayangin ang inyong buhay at career dahil sa akin. Don't make me a selfish man. Where am I going? I will join the navy trainings. The reason why I'm leaving? Aside from joining the navy seal, I want to heal my wounded heart. Hindi naman siguro lingid sa inyong lahat na namatay ang dati kong kasintahan at ang dalagang Buenaventura ay unknown ang whereabouts. Kaya't ako na ang nakikiusap na mas mabuting maiwan kayo rito sa kapuluan upang may magpatuloy sa nasimulan natin. Don't worry, guys. I'll be back in due period of time."
Mahaba-haba niyang pahayag saka ikinurap-kurap ang mga mata upang pigilan ang nagbabadyang luha. Hindi na rin niya hinintay na mayroong makasagot sa mga ito. Dahil hindi siya papayag na may masira ang buhay dahil sa kaniya. Dali-dali niyang tinungo ang sasakyan saka pinasibad pauwi sa kanilang tahanan.
SAMANTALA labis-labis ang pagtataka ni Ginoong Phillip dahil tumawag sa kaniya ang isa sa nga dating tauhan na nasa serbisyo o ang kasalukuyang hepe ng pulisya. Kaso mas nagulat siya dahil sa ibinalita nito. Kaya nga hindi niya namalayang nawala na sa eri ang kausap.
"Hey, honey. Aba'y mukhang bad news ang ibinalita ni hepe ah." Tinig ng mahal niyang asawa ang pumukaw sa naglalakbay niyang diwa.
Kaso imbes na sagutin ang tanong nito ay iba ang nanulas sa kaniyang labi.
"Akala ko noon ay si Susie ang naging dahilan ng pagbagsak ng anak natin. Dahil noong namatay ito ay naisipan nitong lumayo rito sa Baguio. But later as well we've known that it's for his job. Pero sa pagkakataong ito ay masasabi kong mas minahal niya ang dalaga ni Pareng Arnold."
Aniya na wari'y wala sa sarili kaso singhal naman ang napala mula rito.
"Ano ba?! Kapag ako ang tuluyang mainis sa iyo ay talagang hindi mo magugustuhan ang gagawin ko! Ngayon, magsalita ka ng maayos!" singhal nito.
Kaya naman ay umupo siya ng maayos sa tabi nito saka inakbayan.
"Honey, huwag ka ng magalit sa akin. Dahil sa katunayan ay iyon ang itinawag ni Hepe. Nag-resign na raw ang anak natin. Hindi nga raw inamin sa harapan nag dahilan pero sa mga tauhan naman nagawa. Bakit? Alam naman nating lahat kung gaano ka-loyal ang mga ito sa binata natin at nagsabing gusto raw nilang sumama at magbitiw din sa trabaho kung hindi maamin ang dahilan. Gusto raw nitong lumayo at sumabak sa navy seal training at higit sa lahat ay upang gamutin ang sugatang puso---"
Kaso!
Dahil unti-unting nanunuot sa kaniyang isipan ang nais sabihin ng asawa ay hindi na pinatapos ni Ginang Princess Ann.
"What?! Where is that son of yours?! Is he really doing that?!"
Kulang ang salitang malakas upang ilarawan ang boses niya sa oras na iyon.
Tuloy!
Ang mga apong nagsisipaglaro ay nagulat kaya't nagtakbuhan din palapit sa kanila.
At iyon naman ang nadatnan ng binatang si Raven Andrew. Dahil sa pag-aakalang may masamang nangyari ay naging mabilisan din ang kilos upang makalapit agad-agad sa mga ito.
Subalit bago pa may makapagsalitang muli sa kanila ay dumapo na ang palad ng mahal na ina sa kaniyang pisngi sa unang pagkakataon. Ang masaklap ay left and right pa!