"CONGRATULATIONS, Miss Buenaventura. You are on your first trimester of your pregnancy," masayang pahayag ng doctora na umasikaso sa kaniya.
Kaso dahil sa kasiyahang lumukob sa kaniyang puso ay hindi siya agad-agad nakasagot. Kaya't marahil ay inisip nitong hindi siya masaya.
"Hmmm... Are you not happy to have babies on your belly, Ma'am? I know it's still blood, but as a doctor, I can say now that you are carrying three babies. Again, are you not happy to have them in your life?" tanong nito.
Tuloy!
'Sipain kaya kita riyan! Aba'y sino ang nagsabi sa iyong hindi ako masaya sa kaalamang nagbunga ang gabi naming iyon ng mahal kong si Raven Andrew. Tsk! Tsk!' Lihim siyang napangitngit dahil sa pahayag ng doktora.
"I'm sorry if I didn't answer you that fast, Doc. The truth is I'm so happy to know that I'm pregnant, which makes me speechless. By the way, how are my babies? Are they doing well inside my tummy?" saad na lamang niya.
"Oh, I must say I'm sorry as well. I just jumped into conclusions without thinking. About your question, you are all in good condition. But as a mother, take care of yourself so that you can take care of your babies. Here, take the list of the vitamins that you need to drink."
"Thank you so much, Doc. I'm going now and have a nice day."
Nagpasalamat na lamang siya rito pagkatapos tinanggap ang reseta ng mga vitamins.
'Ama, alam kong bunga ito ng kalokohan ko pero sana ama gabayan ko ako upang mapalaki ko sila ng maayos.' Taimtim niyang panalangin.
BAGUIO CITY
"ANAK, huwag mong sabihing aalis kang hindi nagpapaalam sa Mommy mo? It's been almost four months since you are not in good terms with her. Sa panahong iyon ay tapos na rin ang mga papeles mo. Kaya't kako, wala ka bang balak kausapin ang iyong ina?" patanong na pahayag ni Ginoong Phillip sa anak na tahimik sa veranda ng sariling kuwarto.
Pinuntahan naman kasi niya ito upang kausapin. Kaso mukhang magkarugtong ang isipan nila sa pagkakataong iyon dahil kusa itong nagwika.
"Daddy, sa ngayon ay masasabi kong patawarin ninyo ako ni Mommy sa aking pagkakamali. Kaya siguro ipinahintulot ng Diyos na hindi ako agad nakaalis para sa training ko as navy seal. Dahil kailangan ko kayong makausap.
We are family, after all, but I tried to overcome the crisis by myself, which it can not be done. Again, I'm so sorry for acting strangely this past few months."
Pahayag ng binata saka yumakap sa kaniya na parang batang nakahanap ng kakampi.
"Sa lagay na iyan ay nauunawaan mo na kung bakit galit na galit at nasampal ka ng left and right ng Mommy mo, anak?"
"Yes, Daddy. Nang araw na iyon ay alam at nakukuha ko ang dahilan kung bakit galit si Mommy. O mas tamang sabihing ganoon ang reaksyon ninyo. At sa pagkakataong ito ay bukal po sa aking kalooban ang pagpapaalam ko na tutulak sa training ng mga navy seal."
Subalit ang usapang iyon ng mag-ama ay naudlot dahil lumitaw ang pinag-uusapan.
"SINCE that you are adamant and sincere in asking our forgiveness and blessings for you in going to navy seal training, right here, right now, you have my full support and blessings. At huwag mong hayaang pagsisisihan mo ang iyong desisyon o ang pagbitaw bilang isang chief inspector. Good luck, son," saad ng Ginang.
Kaso bago pa sila makasagot ay sinundan naman nito ng hindi nila inaasahang nasa kabahayan.
"I heard it on my way home, 'lil brother. Alam kong nasabi na nina Mommy at Daddy pero hayaan mo rin akong magpahayag ng aking saloobin bilang kuya mo not as a priest.
Bro, walang masayang buhay ang hindi dumadaan sa mga paglubok. Dahil sa katunayan ay diyan tayo nasusubok bilang tao. So, instead of running away from those problems, you must face it bravely in a right way.
Again, kung talagang mahal mo ang dalagang Buenaventura ay kahit ilang tao ang lumipas, ilang bagyo man an darating, kung kayo ang para sa isa't isa ay malalampasan n'yo ang mga pagsubok na iyan at magsasama balang-araw. Just keep her deep into your heart an soul.
And now, as a priest, wala akong ibang masabi kundi huwag mong kalimutang nagdasal para sa iyong kaligtasan kahit saan ka man mapadpad. Dahil wala tayo rito sa mundo kung wala ang Poong Maykapal. Good luck, 'lil brother."
Ayun!
Pak na pak!
Tuloy!
"Mommy!"
"Kuya!"
Hindi tuloy malaman ng binata kung kanino ibabaling ang paningin sa oras na iyon.
"Yes, Hijo. Kami nga ng Kuya Prince Phillip ninyo. Total alam naming pursigido ka sa pagyakap sa pagiging navy ay wala na rin kaming magawa kundi ang ibigay ang blessings. Go and pursue your dream, son," pahayag ng ina.
Kaya naman ay patakbo siyang yumakap dito.
"Aba'y, si Mommy lang ba ang may yakap? Wala bang group hug? Well, ikaw din, 'lil brother. Nasa akin ang fully blessed rosary na maging gabay mo---"
Pero hindi na iyon pinatapos ni Raven Andrew. Mula sa pagkayakap sa ina ay lumipat siya sa panganay na kapatid. Ngunit dahil sa usaping group hug ay nagkaroon nga sila bago ipinagpatuloy ang masayang pag-uusap.
LATER that night...
"Thank you for what, Honey?" maang na tanong ni Ginang Princess Ann sa mahal na asawa.
"Honey, alam kong hindi madali ang naging desisyon mo lalo at kailanman ay hindi lumabas ng bansa ang ating anak. Maaring naging lagalag siya noon dahil sa trabaho ngunit dito lang din sa ating bansa. Kaya't kako maraming salamat dahil ibinigay mo ron amg blessings sa kaniya," pahayag nito.
Dahil na rin sa naging paliwanag ng asawa ay unti-unting bumalatay ang ngiti sa kaniyang mukha.
"Mother's reaction lamang iyon, Honey. Tama, nagalit ako dahil na rin sa biglaan niyang pag-resigned. Pero personal na niyang buhay iyon. Kaya't kako hindi rin siya magiging masaya kung iba ang susundin niya. At sana nga ay matagpuan niya ang kulang sa kaniyang pagkatao sa pamamagitan ng pagsanib sa nga navy's."
Well, siya ang ina. At ang anak ay anak. Kahit ano man ang mangyari ay dugo at laman niya ang binata.
"Tama iyan, honey. Kaya't bago pa mangalampag ang living dictionary natin dahil sa ingay ay mas mabuting matulog na rin tayo. I love you, Hon." Masuyong niyakap ng Ginoo ang asawa.
Kaya naman ay tumingala rin ang Ginang kasabay ng pagngiti.
"Hindi tayo nagkaroon ng apat na anak, honey, kung hindi kita mahal. Ikaw ang mag-iisang tutubing pulubi ko na nagkatawang tao. I love you so much my dearest husband, Phillip Sandoval," she said while a huge smile was covering her face.
Dahil dito ay nagkaroon sila ng mainit-init na yakapan portion bago tuluyang nahilata sa kanilang higaan.
LUMIPAS ang ilang buwan. At dahil na rin sa kaniyang pagbubuntis ay nag-file na ng maternity leave si Scarlette. Nasa last month of pregnancy na siya. Ayaw niyang may magkaroon ng rason upang mawala sa kaniya ang living proof ng taong pinag-alayan ng pagkatao.
"Ma'am, mukhang manganganak ka na po. Dadalhin na po ba kita sa hospital?" dinig niyang tanong ng kinuha sa agency.
Local naman itong Spanish woman pero alam at ramdam niyang mapagkatiwalaan ito. Lalo at sa isang kilalang agency naman nagmula.
"Thank you. Pero hindi pa sa ngayon---"
"Kaso, Ma'am, sa palagay ko ay mas mabuting magtungo na tayo sa pagamutan. Kasi may spotting ka na po." Giit at pamumutol nito.
Dahil sa tinuran nito ay napayuko siya. Doon niya napagtantong may fresh blood na umaagos sa kaniyang binti.
"Hmmm... Pakisamahan ako sa aking kuwarto, Ate. Nandoon pa ang kakailanganin natin papuntang hospital. Hindi ko pa naman kasi due date kaya't wala akong kakilos-kilos," pahayag na lamang niya.
"It's my duty to serve you, Ma'am. Kaya't huwag kang mahiya sa akin. Halika na, Ma'am, at makapaghanda na tayo." Ngumiti ito saka siya inalalayan patungo sa kaniyang silid.
So it be!
Nang araw na iyon ay nagtungo silang mag-amo sa GONZALEZ HOSPITAL sa Madrid Spain.