Chapter 6:

2136 Words
              Mag-iisang linggo na siyang hindi lumalabas ng bahay. Nahihiya siyang magpakita sa mga tao hanggang makatanggap ng tawag mula kay Lawrence.               "Hello."              "Harvey, I saw Jackie." Alanganing tinig nito.             "Saan?" Agad na tanong.             "Dito sa mall—may kasamang lalaki," alanganin pa ring wika nito.            "Kita mo ba sila? Wait pare, hintayin mo ako. Pupunta ako diyan," aniya saka mabilis na nagbihis at tinungo ang mall na sinabi ng kaibigan.             Nang makita si Lawrence ay kasama na nito sina Cazandra at Alfred. Agad siyang hinawakan nina Lawrence at Alfred.            "Relax lang pare. Tinawagan kita para malaman mo. Pero please lang huwag kang gumawa ng eskandalo." Pakiusap ng mga ito.            "Ako na muna ang kakausap," ani ni Cazandra saka lumapit sa pares na tinitignan.             Nakitang nabahala si Jackie ng makitang papalapit si Cazandra. Nakitang nag-usap ng mga ito at nakipagkamay pa ang lalaki kay Cazandra at saka napasulyap si Jackie sa kinaroroonan nila. Doon ay hindi na napigilan nina Alfred at Lawrence si Harvey.            "Good to see you Jackie. Kaya pala umatras ka sa kasal natin ay dahil may iba ka nang kinakalantaring lalaki," aniya.           "Harvey dude. Relax ka lang," ani Lawrence.           "Hindi! Ito ba?" Sabay turo sa lalaki. "Ito ba ang ipapalit mo sa akin?" Aniya duro sa lalaking nasa tabi ni Jackie.            Ngumisi siya. "Sayang minahal kita ng labis pero sinaktan mo rin ako ng higit pa. Sana maging masaya ka!" Aniya saka umalis na.            "Hooooooooooyyyy!" Yugyog ni Cazandra sa kaniya. "Grabe, akala ko natutulog ka nang nakadilat ang mata mo. Kanina ka pa kinakausap ng babaeng nasa harapan mo. Kilala mo ba?" Tanong ni Cazandra sa kaniya. Agad siyang napatingin sa babaeng sinasabi nito at ganoon na lamang ang gulat ng makilala ang babaeng naroroon.              "Sabinah!" Gulat na turan.               "Grabe sir, lakas noon ah!" Hagikgik ni Sabinah. Matapos kasi ng movie na pinanood ay napagpasyahan nila ni Marian na dumaan sa bar tutal ay sabado bukas.              "What are you doing here?" Gagad na tanong.           "Ikaw sir, what are you doing here?" Balik tanong niya rito.          "To unwind?"         "Mismo! Iyon din ang sagot sa tanong mo," ani ni Sabinah sabay ngiti.          "Ahemmmm! Ahemmmm," tikhim ni Alfred at Lawrence na mukhang nagpapahalata upang ipakilala sa dalawang babae.           "Ah sila nga pala ang mga kaibigan ko. Si Cazandra, si Alfred at si Lawrence. Siya si Sabinah, empleyado sa opisina ni papa." Aniya sa mga ito.           "Ahhhh," chorus ng tatlo.            "Hi sa inyong lahat. Sabinah." Sabay lahad ang palad sa mga ito. "Ang best friend kong si Marian," pakilala sa kasama.             Nakipagkamayan ang mga ito.             "Come join us," yakag ni Cazandra sa mga ito.             Nagtinginan pa sina Sabinah at Marian pero sa huli ay pumayag din. Masarap kasama ang mga ito dahil likas na matabil ang dila nilang magkaibigan ay ginawa pa yata silang clown ng mga ito. Tawa ng tawa ang mga ito at hindi na rin namalayang napadami na pala ang inom nilang magkaibigan.             "Shabe koh saiyow kaya koh pa," lasing na wika ni Sabinah kay Harvey.               "Ihahatid ko na kayo." Awat naman ni Harvey. Si Marian na tahimik na at tila doon an matutulog.                 "Hoy beshieeee—gishing na," gising rito.                "Uhmmm," anito na pinilit magkakad ng pasuray suray.                 Agad na inalalayan ang mga ito upang ihatid na. Ngunit bago pa siya makasunod sa dalawang babae ay hinawakan pa siya sa braso ng kaibigang si Cazandra.                "Okay siya pero ingat lang sa puso," paalala nito. Hindi niya nakuha ang nais ipakahulugan nito. "Basta! Kapag nagmahal ka, alalay lang." anito saka kumaway.              Habang naglalakad sina Sabinah at Marian ay hindi maiwasang mapahagikgik si Marian sa ginawang pagwalwal. Hindi naman sila masyadong nalasing pero nagustuhan lang nila ang ideyang ihahatid sila ng lalaki.              "Ang yummy besh," ang lasing na wika ni Marian.            "Magtigil ka besh baka makahalata," bulong na sabad rito.           "Kung ganyan mapapangasawa ko besh, baka minu-minuto maghububad ako sa harap niya." Saad pa ng kaibigan.          "Akala ko beks siya?"            Ngumisi ito. "Besh, hindi ko naamoy pero mukhang hindi naman,"  saad pa ni Marian. Doon ay napangiti siya.          Aminin mo, kanina ka pa natatakam sa kaniya," dagdag pa ni Marian ng marinig si Harvey sa likuran.          "Beshy magtigil ka baka mahuling naglalasing lasingan ka lang," sabay batok rito.          "Ahhhh—ray. Awwww!" Palahaw ng nabiglang kaibigan.          Habang inaalalayan ang dalawang babae ay hindi niya maiwasang pagmasdan si Sabinah. Dahil inawat pa siya ni Cazandra ay naunang naglakad ang dalawang babae kaya mabilis na sumunod.         "Hey, are you okay?" Agad na tanong ni Harvey sa kaibigan ni Sabinah.          "Ah—ummmmm...yah, I okay." Anito na pumikit pikit pa.         "Ah—sorry sir, lashing na iyang friend ko. Papikit-pikit na ang mata." Awat sa boss saka siya na ang umalalay sa kaibigan. "Umayos ka. Ano iyon, may pa-twinkle-twinkle ka pa ng mata." Bulong rito para hindi marinig ng lalaki.            "Where's your car?" Tanong nito at agad na tinuto kung saan nakaparada.              Sa backseat silang umupong magkaibigan. Para tuloy nilang naging driver ito at tila pinanindigan na nga ng kaibigan ang pagiging lasing-lasingan nito. Nakarating na sila ay ayaw pa rin nitong magising.              "Marian! Marian!" tapik rito. Tila malalim na ang tulog nito.          "Mukhang tulog na," puna ng boss niya.          "Marian, hoy! Gising," yugyog rito. Ngunit hindi pa rin nagising ito.          "It's okay, kakargahin ko na lamang siya papasok sa apartment niyo,"  presinta nito.           "Ah eh—." Alanganing wika.           'Aba! Uunahan mo pa talaga ako ah.' Aniya sa isipan sabay tingin sa tulog na kaibigan.           "Naku—okay lang boss. Tignan mo magigising ito." Sabad rito. Saka tinapat ang bibig sa tainga ng kaibigan.           "Marciana! Gisingggggg!" malakas na wika.          "Ay! Marciana!" Biglang bigkas ng kaibigan.           "See? Sabi ko sa'yo sir magigising siya," aniya pa.            Natawa si Harvey sa ginawa ni Sabinah. Hindi matatawaran ang kakulitan ng magkaibigan. No doubt kung bakit magkaibigan ang mga ito. Parehong kalog at alam na sabayan ng bawat isa ang tupak ng isa.           "Beshy naman, manggigising ka lang kailangan pa bang ipangalandakan mo ang makaluma kong pangalan." Angal ni Marian.           "Kanina pa po kaya kita ginigising eh hindi ka nagigising. Sorry na ha! Pero bumaba na kaya tayo. Nakakahiya na kay sir," aniya rito.           "No, it's okay." Sabad ni Harvey.           "Salamat sir sa paghatid. Baka gusto mong pumasok at magkape muna." Yakag pa ni Sabinah sa amo.            Agad siyang binundol ni Marian.            "Akala ko ba pagod ka na, bakit nagyaya ka pa ng kape." Bulong nito.             "Hayaan muna, baka pumayag. Ayaw mo noon, baka maka-tyansing." Kindat rito saka bumaling sa amo.          "Thanks but I have to go. Getting late," anito.         "Okay sir," wika na hindi na nagpumilit.          Nang magpaalam ito ay pumasok na rin sila.          "Oh akala ko pililitin mo pa siyang pumasok para makapanantsing." Anito na natatawa.         "Naalala ko. Three in one lang pala kape natin. Buti na lang di pumayag." Sabay bawi at tawa sa kagagahang nagawa nila.          Napagkatuwaan lang nilang pumasok sa bar na iyon. Hindi naman inaaasahang makikita roon ang boss niya.        "Beshy, kapag yumaman ka na ay huwag mo akong kakalimutan ah," saad ni Marian.       "Anong mayaman na pinagsasabi mo. Besh, hindi naman totoo iyong kasal. Well, iyon lang babayaran daw niya ako ng kalahating milyon pero pagkatapos pa ng trabaho." Aniya rito.        "Ah basta! Kapag yumaman ka beshy. Always remember me ha." Giit nito.         "Oo na. Best friend kaya kita," aniya saka sila pumasok sa apartment ng mabigla sila sa naabutan.          "Mama!" Gulat na saad.          "Anong ginagawa ninyo dito?" Agad na tanong rito.         "Wala naman anak. Na-miss lang kita. Mukhang inumaga na kayo ah," tanong nito.         "Ah—tita," sabad ni Marian. "Nag-birthday kasi ang isa naming kaibigan. Tutal walang pasok bukas ay naki-party muna kami."          Ganoon ba? Okay, buti at ligtas kayong nakauwi. Hala siya, magbihis na muna kayo at makapagpahinga na. Bukas na tayo mag-usap anak." Anito. Agad na niyaya ang ina sa silid at doon ay nakapagpahinga na.           Tanghali na nang magising si Sabinah. Wala na rin sa tabi niya ang kaniyang ina kaya nag-imis na siya at lumabas. Nasa sala ito habang nanonood. Saktong palabas lang din ni Marian sa silid nito.           "Good morning tita." Bati sa kaniyang ina.          "Oh gising na pala kayo. Dali na sa mesa bago lumamig ang mga niluto ko." Yakag ng ina. Mabilis naman silang dumulog ni Marian.           "Salamat tita, ngayon lang ako nakatikim ng masarap-sarap na almusal." Bulalas ni Marian na sarap na sarap.          "Bakit, hindi ba kayo nagluluto nitong si Sabinah!" Tanong ng ina.         "Nagluluto naman Ma pero minsan tinatamad na kami at kape na lang talaga." Sagot sa ina.           "Naku, kayo talagang mga bata kayo. Dapat magluto pa rin kayo para masustansiya ang pagkain niyo. Kaya pala pumapayat na kayong dalawa." Sermon ng ina.           "Ah Ma, bakit nga po pala kayo napunta rito?" Tanong niya sa ina.            Batid niyang may nais itong sabihin dahil nagbiyahe pa ito mula Cavite papuntang Makati. Ibig sabihin ay importante ang sasabihin nito.           "Ah, anak ikakasal na kasi ang kuya Samuel mo." Bungad ng ina.            Napakunot noo siya. Ang kuya Samuel na sinasabi nito ay ang kapatid niya sa ama sa totoong pamilya ng kaniyang ama. Sa madaling salita ay kabit ang ina niya at anak siya sa labas.          Mayaman ang pamilya ng papa niya. Noong bata siya ay akala niya sila ang orihinal. Pero noong nagkakamalay na siya ay doon niya unti-unting nalalaman ang totoong estado nilang mag-ina. Idagdag pa ng malaman ng totoong asawa ng kaniyang papa ang tungkol sa kanila ay biglang hindi na nagpakita ang ama.            "Ano kung ikakasal na siya Ma?" Baliwalang saad.           "Nagpunta ang kuya Samuel mo at pinapasabing pumunta raw tayo." Wika ng ina.          Tumitig siya sa ina. Seryoso ba ito. Pupunta sila sa kasal ng kapatid niya. Baka hindi pa nga sila nakakarating eh binabato na sila ng mura ng totoong asawa ng papa niya.           "Mama, alam mong hindi tayo welcome sa mama ni Kuya. Well, siguro medyo maayos-ayos si kuya makitungo sa atin pero ang mama niya. Mama, hinamak-hamak tayo baka nakakalimutan mo." Saad sa ina. Kaya nga mula noon ay hindi na sila humingi ng kahit anong tulong sa ama. Nagself supporting siya makatapos lamang.         "Nakiusap ang kuya Samuel mo at ang mapapangasawa nito. Kahit ikaw lang daw, kukunin kang abay." Dagdag pa ng ina.          Ang maganang pagkain ay unti-unting nawalan ng gana. Ayaw na niyang magkaroon ng ugnayan sa papa o sa sinumang parte ng pamilya nito. Anong ginagawa ng papa niya noong panahong hinamak-hamak sila ng asawa nito. Ni hindi nga siya nagawang piliin nito noong pinapili ito ng asawa.           "Mama, ayoko. Marami pa silang makukuhang abay. Ayaw ko nang magkaroon ng koneksyon sa kanila." Aniya saka tinapos na ang pag-uusap nilang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD