30

2991 Words

Napagpasyahan ko na lamang na magpahinga na kung kaya't inuna kong hinubad ang suot na bota habang nakaupo sa gilid ng kama. Samantalang si Nip sa kabilang kama ay naupo sa ibabaw ng kama na nakabaluktot ang dalawang tuhod. Pinagmamasdan niya ang pagkilos ko kaya pakiramdam ko ay hindi magtatapos ang gabing iyon na hindi niya malalaman ang gumugulo sa akin. Mayamaya nga'y nagtanong na nga siya habang sinipa ko ang bota patungo sa paanan ng kama. "Ano ang pinagdadaanan mo ba ngayo't nagkakaganiyan ka?" ang nag-aalala niyang tanong. Inalis ko na rin ang pantalon at pang-itaas ko dahil sa init na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong dinudulot niyon gayong may kalamigan naman ang gabi. "Wala. Naalala ko lang ang isang bagay na gusto kong kalimutan," ang sabi ko naman nang ipatong ko

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD