(20) Changed

1384 Words
Diane's POV Napabalikwas kaagad ako sa aking hinihigaan ngunit napangiwi rin kaagad nang maramdaman ang labis na pananakit ng aking katawan. Naipikit ko kaagad ang aking mga mata dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa aking bintana nang may humawi roon. Isang matangkad at malaking pangangatawan ng lalakeng nakatalikod sa akin ang nakatayo sa harap ng aking malaking bintana. Siya rin ang humawi ng mga kurtina ko. "Wake up and take this." Ang malalim niyang boses ang una kong narinig sa umagang 'to. Napatingin ako ng deretso sa kanyang mukha atsaka sa isang bagay na inilagay niya sa ibabaw ng aking kama. He then gave me a glass of water with his hand. Bagong gising pa lang ako at hindi ko alam kung ano ang dapat na magiging reaksyon ko sa ngayon. Masyadong mabilis ang lahat ng pangyayari at medyo pinoproseso pa ng aking utak ang lahat ng 'to. "Bingi ka ba? Inumin mo na kaagad 'to." Utos niya sa akin atsaka tinuro ang isang gamot na inilagay niya sa ibabaw ng aking tainga. "P-Para san 'to?" Mahinang tanong ko sa kanya bago kinuha ang maliliit na puting tabletas. Napalingon si Stone sa nakasarang pinto ng aking silid atsaka sa bintana bago siyang umupo sa ibabaw ng aking kama at tinignan ako ng deretso sa mukha. "That's an emergency pill. Remember what happened last night? Hindi dapat 'yon nangyari... I... I lost my control and accidentally release it inside you, okay? Now, drink it." Mahinang wika niya na halos ibulong na niya ang mga ito, parang natatakot na may ibang makakarinig kahit na kaming dalawa lang naman ang narito sa loob ng aking silid. Tinitigan ko ang gamot sa aking kamay bago nilingon si Stone na ngayon ay nakatitig lang ng deretso sa akin. "Do you want to get pregnant or not?" Natigilan ako sa sinabi niya atsaka napalunok. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. May pangarap pa ako at masyado pang maaga para sa bagay na 'yan. Ayokong isilang ang magiging anak ko sa mundong 'to na hindi pa ako handa dahil siya lang ang mahihirapan. Kaagad akong umiling sa sinabi niya kaya inilahad niya ang isang basong tubig sa akin. "Then drink it right away." Kinuha ko ang isang gamot atsaka ito inilagay sa aking bibig bago ininum ang tubig na dala-dala ni Stone. Nang mailunok ko na ang gamot, sinalubong ko ang mga tingin ni Stone sa akin. "Open your mouth." "H-Ha?" "I said, open your mouth." Biglang dumiin ang kanyang pananalita kaya sinunod ko na lang ang utos niya. Tinignan niya ang aking bibig bago tumango kaya sinara ko ito ulit. "Good," he said as he placed the glass above my nightstand table. Biglang tumahimik ang buong silid at ang paghuni ng ibon sa labas ng casa ang tanging naririnig naming dalawa. Binuksan ni Stone ang drawer ng nightstand table ko atsaka roon inilagay ang gamot na pinainom niya sa akin bago ako nilingon ulit. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay kaagad akong yumuko atsaka mas tinakpan ang aking katawan ng kumot. Ramdam na ramdam ko ang tingin ni Stone sa aking katawan kaya hindi ko maiwasang mapalunok. "Does it still... hurt?" Napatingin ako sa kanya nang marinig itong magsalita ulit. "M-Medyo." Tipid kong sagot atsaka yumuko ulit. Mula nong may nangyari kagabi, parang ang hirap nang labanan ng mga titig ni Stone sa akin. Hindi dapat ako mahiya dahil napatunayan ko na sa kanya na hindi ganong klaseng babae, pero hindi ko alam kung bakit ganito umakto ang aking katawan. Kung tutuosin, si Stone ang dapat na mahiya sa ginawa niya sa akin. "Do you need anything?" Unti-unting humihina ang boses niya sa pagkakataong ito. "Just to ease up the pain." Dagdag pa niya dahilan upang tuluyan ko na siyang tignan ngayon. Nang tignan ko siya ng mabuti sa mukha, ngayon ko lang napansin ang medyo puyat niyang mga mata na ikinapagtataka ko. Hindi ba siya natulog buong magdamag? Bago ako umalis sa kwarto niya kagabi ay natutulog na siya kaya imposibleng nagpuyat to. "W-Wala akong kailangan, Señorito." "Are you sure?" Tumango ako sa kanya bilang pagtugon. Biglang bumaba ang tingin niya sa aking leeg na may maraming marka na kagagawan niya kagabi. "Are you going to cover that or... not?" "Tatakpan ko po ito, w-wag po kayong mag-alala." Tumango-tango si Stone sa aking sinabi bago tuluyang tumayo atsaka inayos ang kanyang suot. Halatang paalis na ito ng casa dahil ayos na ayos na siya, hindi tulad ko na bagong gising pa lang kahit tanghali na. "I shall go." Tuluyan na itong tumalikod atsaka nagtungo sa pinto ng aking silid pero bago niya ito buksan, nilingon niya ulit ang aking direksyon na ikinabigla ko ng bahagya. "By the way, the food is ready... mag-ayos ka na para makakain ka sa labas." Tumango ako sa kanya atsaka niya ako tinitigan ng ilang segundo bago tuluyang lumabas sa aking silid. Kaagad akong napasandal sa aking higaan atsaka napapikit kasabay ng pagbuga ng hangin. Sa oras na iniapak niya ang kanyang paa sa labas ng aking silid, kaagad na gumaan ang aking pakiramdam. Nabunutan kaagad ako ng malaking tinik sa aking dibdib nang hindi ko na nararamdaman ang presensya niya sa buong paligid. Ngunit kaagad akong napaupo pabalik nang bumukas ang pinto ng aking silid atsaka pumasok ulit si Stone. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa huminto siya sa gilid ng aking kama. "I... I want you to get this and wear it this Sunday. I have--I mean, we have something to attend to." Kinuha ko ang kahon na inilahad niya sa akin atsaka ito inilapag sa ibabaw ng aking hita. Andon parin ang parte kung saan nasira niya dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya roon kagabi. "San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya atsaka tinignan ng deretso sa mukha. "Somewhere not so far away. Just look presentable and... and..." Mahina ang pagkakasabi niya sa huling salita kaya hindi ko 'yon narinig. Nakita ko siyang napalunok atsaka umiwas ng tingin. "I really have to go. I'll call you later, okay?" Kahit naguguluhan ay tumango na lang ako sa kanya. Lumabas na ito ng aking silid at nakiramdam pa ako ng ilang saglit. Nang lumipas na ang ilang minuto at hindi na muling pumasok pa si Stone ay kaagad na akong tumayo upang ayusin ang aking sarili bago tuluyang lumabas. Napatingin ako sa harap ng aking salamin at kaagad na napunta ang aking atensyon sa aking leeg at sa itaas na bahagi ng aking dibdib. Ang daming marka ni Stone... Sobrang dami talaga. Napabuga ako ng hangin bago kumuha ng bestidang matatakpan ang aking leeg pagkatapos kong maghilamos ng mukha. Binuksan ko ang kahon na ibinigay sa akin ni Stone atsaka nanlaki ang aking mga mata nang makita 'yon. It's a ruby necklace. Sobrang pula non na parang kakulay na ng dugo. Kung susuotin ko 'to, kaagad na mapapansin ang pulang bato dahil sa aking maputing leeg. I closed it before putting it inside my drawer. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa kahon bago tuluyang umalis sa aking silid. Nang nasa kusina na ako, kaagad kong nakita sina Aling Cena. Awtomatiko nila akong nilapitan atsaka nakangiting binati ako. "Magandang tanghali sa'yo Diane. Maayos ba ang tulog mo? Utos kasi sa amin ng señorito na hindi ka muna gisingin dahil buong gabi raw kayong nag-usap ni Stone." Natigilan ako sa sinabi ni Aling Cena. Sinabi ni Stone yan? Kami? Buong gabi na nag-usap? Parang saglit na sumakit ang ulo ko bigla. "Oh s'ya halika na't kumain na. Pinahanda 'yan ng señorito para sa'yo." Nakangiting wika ni Aling Cena atsaka ako kaagad na pinaupo. Maaliwalas ang mukha niya at ganon din ang mukha ng mga tagapagsilbi habang nakatingin silang lahat sa akin. "Masaya ako at mukhang nagkakamabutihan kayo ni Stone, Diane. Sana magtuloy-tuloy na, kung andito pa ang Don, paniguradong matutuwa rin 'yon." Wala akong ibang masabi kay Aling Cena sa pagkakataong ito. Isang ngiti lang ang isinukli ko sa kanya atsaka nagpasalamat nang lagyan niya ng kanin ang pinggan ko. Habang kumakain ako, hindi ko maiwasang isipin si Stone at ang bigla-biglang pag-iiba ng kanyang pagtrato sa akin. In just a snap, he did all of this. Nakakapanibago. Sobra. Kagabi lang ay nagmistula itong halimaw kung umasta sa harap ko pero ngayon ay dinaig pa ang isang tuta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD