(33) Find Her

1575 Words
Stone's POV Unti-unti kong inimulat ang aking mga mata bago ko kinapa ang kabilang parte ng aking higaan. Nang wala akong ibang makapa ay kaagad akong napatingin doon ng deretso. "Diane?" The other side of my bed was empty. Where is she? Tsaka anong oras na ba? I usually wake up earlier than her. Biglang sumakit ang aking sentido dahilan upang mapahawak kaagad ako doon. Where the hell is Diane? Madiin akong napapikit bago unti-unting bumangon atsaka napasandal sa headboard ng aking kama. The last time I remembered, something happened between the two of us again last night. Kinapa ko ang aking cellphone sa bedside table atsaka kaagad na tinignan ang orasan. I groaned when my head hurts again like I was being pounded by a mallet. Inihawi ko ang kumot na nakatakip sa aking katawan bago tumayo atsaka kinuha ang aking roba upang takpan ang aking sarili. I opened the curtains of my window to let light passes through my room as I pour a pitcher of water inside my glass. Matapos kong inumin ang aking tubig ay kaagad akong napalingon sa aking pinto atsaka lumapit doon. My room is completely empty now that it was just me. Parang naninibago ako na wala rito si Diane dahil medyo nasanay na ako na makikita ko siya kaagad sa pagdilat ng aking mga mata. I twisted the doorknob and storm out my room to check Diane on her bedroom. Sa sobrang kalasingan ko kagabi, hindi ko na nakita ang mga kaibigan kong umalis sa aking bahay. Kinusot ko ang aking mga mata atsaka walang ganang naglakad dito sa pasilyo ng casa papaunta sa silid ni Diane. "Aling Cena, tahan na po." "Diyos ko, Diane bakit ginawa mo 'to?" Nakarinig ako ng paghagulhol na ikinaderetso ng aking tayo. "Tahan na po," isang panibagong tinig ng babae na naman ang aking narinig. Kumunot ang aking noo nang makita kong nakabukas ang pinto ng silid ni Diane. Galing sa loob ang mga boses. Nang marinig ko ulit ang pangalan ni Diane ay dali-dali akong nagtungo papunta roon atsaka napahawak sa doorframe ng kanyang pinto. With a confusion all over my face, I roamed my eyes in the entire room. Halos andito sa loob ang lahat ng mga tagapagsilbi ng casa. "What the hell is going on?" Namayani kaagad ang aking boses dahilan upang sabay-sabay silang mapatingin sa aking direksyon. "Nasan si Diane? Bakit kayo andito sa loob ng kwarto niya?" Salubong ang kilay kong tanong sa kanila. Kaagad na napayuko ang ibang mga tagapagsilbi at ang iba naman ay hindi ako sinagot. Napatingin ako kay Aling Cena nang marinig ko itong sumighot. She's sitting on Diane's bed while holding something. Napako ang aking paningin sa dala niyang papel na halos yakapin na niya. "Aling Cena, anong nangyayari rito? Where is Diane?" I asked as I stepped forward. Yumuko sa akin ang ilang mga tagapagsilbi bago isa-isang umalis mula rito sa loob. Hindi ako sinagot ni Aling Cena hanggang sa tuluyang kaming na lang ang nanatili rito sa loob. Nang maisara ng isang tagapagsilbi ang pinto ng kwarto ni Diane ay mas lalo kong napansin ang malawak na kwarto ni Diane. Weird. Why does it feel so empty? Parang may kulang. Ganito rin ang pakiramdam ko kanina nong matuklasan kong wala si Diane sa aking tabi. "Sagutin mo 'ko, Aling Cena, nasan si Diane?" Tinignan ako ng matanda atsaka dahan-dahan na tumayo sa aking harapan. Napatingala ito sa akin bago pinunasan ang panibagong luha na kumawala mula sa kanyang mga mata. "Totoo ba, ang lahat ng nakasulat dito Señorito?" Naiiyak niyang sambit atsaka itinaas ang papel na hawak-hawak niya. Napatingin ako doon at mas lalong kumunot ang aking noo. Aling Cena gave me the paper and made me read it. Nang makita ko ang sulat-kamay ni Diane ay dali-dali ko itong binasa kaagad. Nang nasa gitna na ako ng kanyang sulat ay bigla na lang akong naestatwa sa aking kinatatayuan. Ilang beses akong napalunok at hindi maiwasang maikuyom ang aking kamao matapos kong basahin ang huling pangungusap. Hindi na ako babalik sa casa, Aling Cena. Maraming salamat sa pag-aalaga sa akin sa loob ng halos isang dekada, hindi ko po kayo malilimutan. Sana mapatawad ninyo ako sa bigla kong pag-alis. Nagmamahal, Diane I crumpled the piece of paper. Nagulat si Aling Cena sa ginawa ko dahilan upang kunin niya kaagad mula sa aking sulat na ginawa ni Diane. "Señorito! Anong ginagawa ninyo!" Kaagad akong naglakad papasok sa walk-in-closet ni Diane atsaka marahas na binuksan ito. The moment I turned the switch on, I almost drop my jaw on the floor when I found some missing clothes and shoes. "No, no, no..." Umiiling ako bago napasuklay sa aking buhok atsaka lumabas mula sa kanyang closet. I checked her bathroom, and it was empty which made me furious. "Señorito! Tama na po!" Inis kong winasak ang mahabang kurtina ni Diane rito atsaka binasag ang ilang mga gamit dito sa loob ng kanyang silid. "WHERE IS SHE?! Where is Diane?!" Nanlilisik ang aking mga matang hinarap ang matanda na ngayon ay bakas na ang takot sa kanyang mukha. "H-Hindi po namin alam. I-Itong sulat lang po ang aking nadatnan nang pumasok ako r-rito atsaka isang gintong singsing." Nauutal na sambit ni Aling Cena. Ipinakita niya sa aking ang isang gintong singsing na kaagad kong kinuha mula sa kanya. I clenched my jaw when I saw Diane's wedding ring. Hindi ko maiwasang magalit ng todo atsaka magwala dito sa loob ng kanyang silid. Panay na ang pagsigaw ng matanda at pagpapatigil sa akin pero hindi niya magawa. Biglang bumukas ang pinto atsaka roon iniluwa ang isang guard ng casa. Galit ko siyang nilingon matapos niyang libutin ang kanyang paningin sa buong kwarto. It was a complete mess. Diane's room is a complete mess. "Ikaw." Matigas kong wika atsaka kaagad siyang nilapitan. Napalunok ito nang makita ang galit kong mukha bago ko siya kinuwelyuhan. "S-Señorito..." "What's your job?" I asked with a gritted tooth. "T-Trabaho ko pong bantayan ang casa at ang... ang Señorita po tulad ng i-inutos ninyo." Bakas ang takot sa kanyang mukha at boses. Kulang na lang ay iangat ko siya sa ere. "Nasan na ang sinasabi mong Señorita ngayon, ha?" Napalunok ito at hindi na makatingin sa akin ng deretso. "NASAN NA! NASAN SIYA! NASAN!" Iniyugyog ko siya habang hawak-hawak sa kwelyo. "Señorito, tama na po!" Napapansin ko na ang ibang tagapagsilbi na nakatingin sa akin mula sa labas ng silid ni Diane. Inis kong binitawan ang guard atsaka isa-isa silang tinignan na may matinding galit sa aking mukha. I can't stop myself. Halos manginig na ang aking buong katawan dahil sa matinding galit. Sinong lalakeng hindi magagalit kung isang araw ay bigla na lang niyang malaman na umalis sa sarili niyang pamamahay ang asawa ne'to? Ha?! Sino?! "Hanapin niyo si Diane... hanapin niyo ang asawa ko..." Utos ko sa kanila habang nakakuyom ang aking dalawang kamao. Rinig kong napasinghap si Aling Cena sa aking likuran at kita ko rin ang gulat sa mukha ng mga tagapagsilbi rito sa casa. Kung kanina ay takot na takot sila sa akin, ngayon ay mas nanaig na ang pagkagulat dahil sa sinabi ko. Wala na akong pakialam kung alam na nila ang totoo tungkol sa aming dalawa ni Diane. I don't give a damn about it and their f*****g opinions. "I want you to bring Diane back to my house!" Halos mapatalon sa gulat ang gwardiya bago sunod-sunod na napatango. Kaagad kong kinuwelyuhan muli ang gwardiya atsaka tinignan siya sa mata. "Walang babalik hanggang hindi niyo makikita ang asawa ko, maliwang?" Napalunok ulit ito. "Maliwanag?!" Pag-uulit ko. "O-Opo! M-Masusunod, Señorito." Padabog ko siyang binitawan. Awtomatiko itong tumalikod atsaka tumakbo paalis, halos madapa pa ito sa pasilyo sa pagmamadaling lumabas. Nang tignan ko ang mga tagapagsilbi ay kaagad silang napayuko atsaka dali-daling umalis sa aking harapan. Naikuyom ko ang aking mga kamao bago hinarap si Aling Cena na ngayon ay gulat na gulat parin. "S-Señorito, tama ba ang narinig ko kanina? A-Asawa mo si--" "Do I still have to repeat myself?" Natigilan ito sa aking sinabi atsaka dahan-dahan na umiling. "Then leave this room." I commanded which made her nod in response. Nang maisara na niya ang pinto ay bigla akong nanghina. I almost crawled myself up to Diane's bed and sit above it. Napahilamos ako sa aking mukha atsaka napalunok bago tinignan ang maliit na gintong singsing sa aking palad. Napapikit ako bago hinilot ang aking sentido. Jesus, this is the worst morning of my life. Napatingin ako sa nightstand table ni Diane kung nasan ang isang picture frame. It was her on her graduation day. Inabot ko 'yon atsaka tinitigan ang nakangiti niyang mukha sa litrato. She had a medal and a diploma with a wide smile plastered on her face. Napalunok ako bago dahan-dahan na hinaplos ang kanyang mukha sa litrato. I gripped the picture frame as hard as I can. Don lang ako tumigil nang may marinig akong munting pagcrack. Tinitigan ko ng maige ang magandang mukha ni Diane sa litrato bago napatingin sa singsing na pagmamay-ari niya. "You won't escape from me, Diane. You won't ever escape from me." Naikuyom ko ang aking kamao. Leaving me is the worst decision you've ever made. Mahahanap din kita, kahit saang sulok pa 'yan ng mundo, mahahanap at mahahanap kita. "Til death do us apart, sweetheart..." I whispered while looking at her picture for the last time before storming out of her room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD