"Tawagin mo na lang ang driver, siya ang isama mo. At binabalaan kita Jamela, tigilan mo si Divlen, dahil hindi mo siya kilala. Baka mabugbog ka lang ulit." At sabay talikod nila sa babae. "I'm not scared, Collin! Just look at what I do, I won't stop until she rots in jail!" Pahabol niya, ngunit hindi na siya pinakinggan ng dalawang binata. Pagkaalis nila ay tinawag naman ni Janela ang katulong. "Maid! Maid!" Ngunit hindi siya pinansin ng katulong, kaya nilapitan niya ito sa kusina. "Hoy! Kanina pa kita tinatawag bakit hindi ka lumapit?" pasinghal niyang tanong kay Lovely. "Ako ba ang kausap mo?" turan nito at nagpalinga-linga pa ito sa paligid. "May tao pa bang iba dito?!" "Aba! malay ko sa 'yo!" "Ikaw ha! Huwag mong painitin ang ulo ko! Baka hindi ako makapagpigil sa 'yo." "E