SAMANTALA pinag-uusapan ng magpinsan kung kailan pabinyagan si Baby Clyde. "Baka next-month siguro natin siya pabinyagan, partner," pahayag ni Jester. "May naisip ka na bang kunin mo na Ninong at Ninang?" tanong ni Divlen. "Oo, pero dalawa lang ang naisip ko, si Collin, at Dra.Angel." "Ano?! Eh, paano naman ako?" Reklamo ni Divlen. "Bakit paano ka ba? Hindi ba ikaw pa rin ang second-mother ni baby Clyde?". Hindi alam ni Divlen, kung ano ang plano ng pinsan niya. Sinadya niya na hindi kuning Ninang si Divlen, upang walang hadlang para sa kanila ni Collin. "Hmm, kung sa bagay!" SUMAPIT ang araw ng binyag ni baby Clyde, tulad ng napag-usapan ng mag-partner, na si Collin at Dra. Angel lang ang Ninong at Ninang. Si Collin ang tumayong Ama ni baby Clyde. Pagkatapos ng seremonya ay dumi