PAGKATAPOS ni Jester maligo ay bumalik na agad siya sa higaan upang mapadede ang kanyang sanggol. Umupo siya sa higaan na nakatalikod sa pintuan, at ibinigay naman ni Divlen ang bata at nagsimula siyang magpasuso. Samantala dumating sila Collin sa hospital. Pinaparada muna nila ito sa parking area at naglakad sila patungo sa kuwarto ni Jester. Hanggang sa makarating sila at kasalukuyang nasa labas ng kuwarto. Binuksan ni Collin ang pintuan at pumasok na silang dalawa. Ngunit bigla namang tumunog ang phone ni Tom, napahinto ito saglit sabay tingin sa kaniyang phone. Galing kay SPO2. Herrera ang tawag kaya alam niyang importante ito. Dahil mahalaga ang tawag kaya bumalik siya sa labas upang sagutin ang tawag ng kaibigan,at isinara niya ang pinto. "Collz, sino 'yon?" tanong ni Divlen, da