Chapter 4

2102 Words
"I just want to die. Gusto ko ng mamatay." Sigaw ko habang nasa harap ng glass wall sa loob ng condo unit ko. Nakadipa ako habang nakatanaw sa buong syudad. "Gusto mo ng mamatay? Sige, itutulak kita." Natatawang sagot ni Uncle. "Isang linggo na akong tigang dahil kahit ayoko tinutupad ko ang gusto niya kasi naisip ko baka namiss niya ako pero wala... wala akong kwenta sa kanya! Masaya siya habang ako nahihirapan dito." Litanya ko. Isang linggo ko ng hindi nakikita si Intoy ko at para akong nauupos na kandila dahil sa pagkamiss sa kanya. Palagi ko siyang pinapadalhan ng bulaklak araw araw at bago ko nagawa 'yon kinailangan ko munang takutin ang secretary niya na papasabugin ko ang buong building nila kapag hindi niya ibinigay kay Intoy ko ang mga bulaklak. Ang usapan lang naman ay hindi ako magpapakita sa kanya pero pwede ko naman siyang ligawan ng palihim. "Kung hindi sana ako naglasing hindi ako basta papayag sa gusto niya." Panay lang ang salita ko habang ang supportive kong Uncle ay tawa lang ng tawa sa pagiging miserable ko. Pinunasan ko ang mga imaginary tears ko bago nakapamewang na humarap sa kanya. Nakadekwatro sya sa couch na nasa loob ng kwarto ko. "Ano nga pa lang ginagawa mo dito?" Oh diba ang galang ko lang. May inilapag siyang folder sa center table habang ngingisi ngisi. "Alam mo namang mahal kita pamangkin kahit na baliw ka kaya tumutulong ako." "Ano namang klaseng tulong?" Pinulot ko ang folder at pinuklat kung ano ang laman niyon. Umusok ang tumbong ko ng makita ang mga litrato na nasa loob. Si Intoy ko may kasamang babae habang kumakain sa isang fine dinning restaurant, sa isang sikat na cafe at sa office niya. Marami pang mga pictures na hindi ko na tiningnan dahil umuusok na ang dapat umusok sa'kin. "Walang hiya siya isang linggo lang akong hindi nagparamdam nagawa na niyang mangabit, kumalantari pa ng iba." Asik ko at pumasok sa walk in closet ko para magbihis. Hindi ako papayag na basta nalang siya maagaw ng kung sino mang babaeng 'yon. Ilalaban ko ang akin, well hindi pa pala siya akin pero kahit na ako ang nauna kaya dapat ako hanggang huli. Nagsuot ako ng sexy dress na mga pribadong bahagi lang ng katawan ang matatakpan. Iyong nakakapaglaway. Sexy ako at maganda kaya kahit sino makukuha ko ewan ko lang kay Intoy ko dahil mukhang baliwala sa kanya ang alindog ko. Naglagay ako ng konting make up bago ko isinuot ang six inches killer heels ko. Ang for the final touch, naglagay ako ng pabango kong lavander ang amoy. Itinali ko ang buhok kaya expose na expose ang dapat na maexpose. Sasabak ako sa gera kaya kailangan handa ako dapat walang makikitang panlalait sa'kin ang kalaban. Napangisi ako. Kung hindi ka madadala sa santong dasalan pwes kukunin kita sa santong paspasan. "Her name is Nathalie Scovar a famous and in demand tv host and reporter mula sa mayamang angkan, half pinay and half american." Bungad ni Uncle ng lumabas ako na nakabihis na. "Isa siya sa asset ng CBE network dahil sa galing niya." Kumuha ako ng baril at inilagay iyon sa holster na nasa hita ko. Siguradong magagamit ko 'to. May inabot siya sa'king isa pang folder na mabilis ko ring binuksan naglalaman iyon ng kontrata bilang isang radio DJ sa CBE network at may pirma na ni Intoy ko as president. Nagtatatalon ako sa tuwa na yumakap kay Uncle dahil sa wakas makakapasok na ako sa building ni Intoy ko ng walang bawal bawal. "Wait, paano napirmahan 'to? Ang pagkakaalam ko ayaw niya akong magtrabaho doon." Takang tanong ko, kasama kasi sa mga papel na hawak ko ngayon ay iyong resume na ipinasa ko sa kanya noong last naming pagkikita. "Napilitan siya dahil kailangan talaga nila at maganda ang record mo." Sagot niya. "Wow salamat sa pagdidiin na napilitan ha." Sarkastikong sabi ko at sabay kaming natawa. Nag-apir kami dahil sa kabaliwan namin. "Bye, alis na ako at ng makarami." Tuluyan na akong umalis. Pagbaba ko palang sa lobby ng condinium ay pinagtitinginan na akot napapasecond look ang kahit na sinong madaanan ko. Kahit si kuyang guard at halos lumuwa na ang mata. Kinindatan ko siya bago ako sumakay sa motor ko. Wala akong pakialam kahit hindi appropiate ang damit ko sa paggamit ng motor. Kailangan ko 'tong gawin para makuha ko si Intoy ko. Ilang sandali pa ay nasa parking lot na ako ng CBE building at kapag sinuwerte ka nga naman saktong nakita ko siya na papasok sa building at talagang kasama pa ang kabit niya. Taas noo akong naglakad papasok, with poise para dama nilang may nagbabadyang world war. "Ma'am hindi kayo pwedeng pumasok." Salubong sa'kin ng guard. Tinaasan ko siya ng kilay sabay pakita sa kanya ng hawak kong folder na naglalaman ng mga papeles na nagsasabing empleyado ako dito. "Sorry ma'am wala po kasi kayong I.D." "Malamang dahil bagong hire ako." Mataray kong sagot. Nawala na kasi ang mood ko na maging mabait pagkatapos ng bungad sa'kin ng malandi kong si Intoy na kumabit agad. "Sige po ma'am magrerequest nalang po ako for I.D para sa inyo." Magalang na sagot ni Kuya Guard. Pagkatapos n'on ay tuluyan na akong pumasok. Dumiretso ako sa office ni Intoy ko pero natigilan ako ng bumukas iyon at bumungad sa'kin ang secretary niya. "Oh, hi Ms. Park." Bati niya pero halatang bakas ang takot aa mga mata. Siya 'yong secretary na palagi kong tinatakot kaya naiintindihan ko ang reaksyon niya. "Nasaan si Third?" Tanong ko sa mataray na paraan pa rin. "H-Hindi na po dito ang office niya, nasa top floor na po." Nauutal niyang sagot. Napatiim bagang ako dahil sa narinig ko. Lumipat siya ng office sa top floor para hindi ko siya basta basta mapuntahan at para malaya siyang makipaglandian. Aba, hindi pwede sa'kin ang ganito. Sinusubukan niya talaga ako porque't sinusuyo ko siya sa magandang paraan. Bumaling muli ako sa secretary niya. "What's your name again?" "Ahm. Rico po ma'am." Tumango ako. "Okay Rico pwede mo ba akong samahan sa office ng boss mo?" Bakas ang pag-aalinlangan sa mukha niya kaya pinandilatan ko siya ng mga mata kaya napilitan itong tumango. "Matagal ka na bang nagtatrabaho dito Rico?" Pagbasag ko sa katahimikan noong sakay na kami ng elevator at papunta na sa top floor. "Mga five years na rin po." "Ang tagal na pala." "Opo, ayaw po kasi ni Sir ng babaeng secretary dahil madalas siyang akitin kaya n'ong nahire niya ako ay hindi na siya nagpalit." Kwento niya, mukhang kahit papaano ay nawawala na ang ilang niya sa'kin. Iyon ang gusto ko para mapalapit sa kanya tapos ikukuntyaba ko siya para bantayin si Intoy ko. "Sayang balak ko sanang mag-apply na secretary niya kaso kawawa ka naman kaya wag nalang." Biro ko at napahalakhak ako dahil nakatulala lang siya sa mukha ko. Hays, sana kung ganyan sa'kin si Intoy ko ay masaya sana ang buhay. Araw araw sana buntis siya tapos araw araw rin manganganak. "Nandito po tayo ma'am." Sabi ni Rico at ilang sandali lang ay bumukas na ang elevator. Napatingin sa'min ang mga taong nandoon. May iilang cubicle na nakalagay at ang kalahating parte nito ay may isang pinto na may nasa sulat na office of the president. "Sino sya?" "Isa na naman siguro sa mga babaeng nagkakandarapa kay Sir." "Ang hot nya, ang swerte talaga ni Sir 'no ang gaganda ng mga chickas." Hindi ko pinansin ang mga naririnig ko dahil wala naman akong pakialam sa mga sasabihin nila. Sabay kaming naglakad ni Rico papunta sa office ng boss niya. N'ong nasa harap sa kami ay tumigil siya. "Balik na po ako sa trabaho ko." Aniya habang itinuturo ang isang cubicle malapit sa pinto ng office ni Intoy ko. "Okay salamat." "You're welcome po ma'am." Hindi na ako nag-aksaya ng panahon na kumatok. Agad kong pinihit ang door knob at pumasok. Naabutan kong nakaupo siya sa swivel chair niya at kaharap ang si Nathalie Scovar, may pagkain na pumapagitna sa kanila habang ang babae ay panaw ang tawa. Tumikwas ang kilay ko 360 degree ng sabay silang tingin sa kinatatayuan ko. Agad na nawala ang ngiti sa mukha ng Intoy ko at biglang sumeryoso. Lihim akong napakuyom ng kamao dahil sa reaksyon niya. Kanina kung makatawa sa harap ng babaeng linta na 'to wagas tapos nakita lang ako parang napasan na niya ang buong mundo. Lets begin, the Gale's way. Matamis akong ngumiti kahit gusto ko ng pagbuhulin ang mga bituka nila. Nagpigil pa rin ako dahil alam kong nasa gitna pa rin namin ang salitang hindi siya akin. Alam ko pa rin ang limitasyon ko. "Good morning Intoy ko." Masiglang bati ko sa kanya. Full of confident akong naglakad papalapit sa kanya at humalik sa labi niya. Hindi siya nakapagreact dahil siguro sa pagkabigla. Smack lang naman. "What are you doing here?" Iritang tanong niya makalipas ang ilang sandali. "Namiss kita kaya dinalaw kita bago ako magsimula sa trabaho." Binigyan ko siya ng masayang ngiti bago ako tumungo sa couch at nakadekwatrong umupo doon. Nakasunod lang ang tingin nila sa'kin. "Mukhang nakalimutan mo ang usapan natin." Aniya. Nakapamewang syang nagpunta sa harapan mo. Bakas na bakas sa boses niya na hindi siya masaya na makita ako. "Yon ba? Hindi ko naman nakalimutan pero wala rin naman akong balak na tuparin, isang linggo na akong hindi nagpakita sa'yo para pagbigyan ka at hindi ko expected na ito ang maaabutan ko kapalit ng isang linggo kong pagtitiis na hindi ka makita." Tumayo rin ako at dahil sa taas ng heels ko ay halos magkapantay na ang mukha namin. Napakagwapo niya talaga lalo kapag malapitan. Hinawakan mo ang necktie niya at bahagyang inayos ang konting gusot. Gan'on rin ang ginawa ko sa kwelyo at coat niya. What a hunk. Pinigilan ko ang pagngiwi ng tapikin niya ang kamay ko at iritang bumalik sa kinauupuan niya kanina. Nalipat ang tingin ko kay Nathalie na nakataas na ang kilay ngayon sa'kin. Mukhang tuwang tuwa siya sa pagiging rude sa'kin ni Intoy ko base sa ngisi niya. Hindi pa ako nagsisimula. "Lumabas ka na Ms. Park, as you can see I'm busy." Tugon ni Intoy ko. Bumalik ako sa pagkakaupo at seryosong bumaling sa kanya. Minsan nakakasawa rin ang maging mabait lalo kapag nasasagad na ang pagtitimpi ko. Nakakainis lang, sa iba napakabait niya. My gosh, lahat ng taong tinanong ko na nakakakilala sa kanya puro kabaitan niya ang ipinagmamayabang sa'kin pero kapag ako ang kaharap hindi ko makita ang kabaitang sinasabi niya. Ang unfair niya. And the hell, sinasabi niyang busy siya. Busy sa pakikipaglandian ng ganito ka aga. "Halos mag-iisang buwan na akong nagtitimpi sa'yo Tres at hindi mo gugustuhin kapag napikon ako." Madiin ang bawat salita ko para madama niyang hindi ako nagbibiro. "Bakit kapag nasagad ang pagtitimpi mo papasabugin mo ang building ko? And please stop calling me Tres we're not close." Ouch! Tagos, double kill pero handa na ako sa mga ganyan simula ng magpasya akong ligawan siya. "Hindi ko lang papasabugin itong building mo I can do more than that. At hindi mo gugustuhin na makita ang kakayahan ko, wag mo 'kong sagarin." Ngumisi ako syaka lumapit ulit sa kanya. Sa totoo lang gusto ko ng kaladkarin ang babaeng hanggang ngayon nandito pa rin pero syaka na kapag sumubro na siya. Humalik ako sa pisngi niya. "Always take care okay? Eat on time wag kang magpapakapagod masyado baka magkasakit ka. Sa baba lang ako magtatrabaho." Malambing na sabi ko at agad ding lumayo sa kanya bago pa ako matulak. "I will miss you for sure, bye bye. Mahal kita ng higit pa aa salitang mahal kita." Ngumiti ako bago tuluyang umalis. Nawala lang ang ngiti ko ng makalabas na sa office niya. Pasimple kong pinahid ang luha ko na mabilis na nagsilabasan sa mga mata ko. Tangna! Ang tapang tapang ko kapag kaharap siya pero palagi akong ganito kapag nakatalikod na. Nasasaktan talaga ako sa pakikitungo niya sa'kin. "Okay ka lang po ba ma'am?" Narinig ko ang boses ni Rico kaya ihinanda ko ang ngiti ko paglingon ko sa kanya. "Ha? Ayos lang ako napuwing lang ng konti." Natatawang sagot ko. Hindi ko namalayang nakalapit na siya sa'kin. Umakbay ako sa kanya at ngumiti. "Tara samahan mo akong magbreakfast gutom na ako e." "Sige---" "RICO 'YONG MGA PAPELES NA PINAPAAYOS KO SA'YO." Halos mapatalon kami pareho ni Rico dahil sa malakas na sigaw ni Intoy ko at ang malakas na pagsara ng pinto sa likod namin. Bumaling ako kay Rico at kita kong namumutla na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD